KABANATA 38

16.5K 642 151
                                    

KABANATA 38:

Ilaria POV

          SA pagdilat ng dalawa kong mata ay puti at malinis na kisame agad ang nabungaran ko. Mabilis na nangunot ang noo ko, rumehistro sa aking mukha ang pagtataka. Nasaan ako? This room is unfamiliar to me. Hinawakan ko ang ulo ko nang kumirot bigla ito, pero nakapa kong may kung anong nakapulupot sa ulo ko.

Ano 'to, benda?

Pero teka nga lang, nasaan ba ako?

Tinignan ko ang kaliwang kamay ko, may nakatusok sa akin na dextrose roon. Sinubukan kong iikot ang buong tingin ko sa paligid ko, obvious na nasa hospital ako dahil sa puro mga puti ang mga nakikita ko at may mga gamit na pang-ospital din akong nakikita.

Nang tignan ko naman ang sarili ko ay nakasuot ako ng hospital gown, may mga maliliit na sugat pa akong nakita sa dalawang braso ko.

Doon naman sumagi sa isipan ko ang mga nangyari. Tinakas nga pala ako nina Scarlett at Vince. Naalala ko lahat ng mga nangyari. Mula sa tinangka ni Luca na banggain ang sasakyan namin, ang paghabol niya sa 'min hanggang sa umabot ang lahat sa aksidente. Tumaob kami habang nabangga naman sa puno ang sasakyan ni Luca.

Shit! Sana ay may rumesponde para tulungan ang magkapatid na 'yun. Hindi naman ako demonyo para hilingin na sana mawala sila sa mundong ito. Masyado ba akong tanga kung ipapanalangin ko sana ay nakaligtas pa rin silang dalawa? Pero hindi naman ako demonyo kagaya nila. May puso pa rin ako kahit na naiinis ako sa kanila.

Pero paano nga pala ako napunta rito?

Sino ang nagdala sa 'kin dito? Nawala ang malalim kong iniisip nang marinig ko ang pagpihit ng doorknob. Bumukas naman ang pinto at isang matandang ginang ang nakita kong pumasok dito.

Nagkasalubong agad ang dalawang kilay ko dahil hindi ko siya kilala. Pero bakit.. bakit pamilyar siya sa akin? Medyo kayumanggi ang kulay ng kanyang balat. Mababakas na may edad na siya dahil sa hitsura niya at mga puti niyang buhok ngunit halata pa namang malakas siya.

Nakasuot lang din siya ng simpleng duster na bulaklakin at lagpas tuhod ang haba ngunit litaw pa rin ang kanyang kagandahan. Marahil ay sobrang ganda niya 'nong bata pa lang siya. Kapansin-pansin na luma na ang suot niyang tsinelas.

Pero sino nga ba siya? Why does she look familiar to me? Mukha naman siyang mabait. Matamis siyang napangiti nang makita niya ako. Tila ba parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib.

"Salamat naman sa panginoon at gising ka na.." turan niya at lumapit sa akin.

"S-Sino po kayo? Papaano po ako napunta rito?" magalang kong pagtatanong sa ginang.

"Hindi mo ba ako natatandaan, hija? Ako ang nakakita sa'yo sa kalsada. Duguan ka, bigla ka na lang din nawalan ng malay kaya dinala kita rito sa hospital. Mabuti na nga lang ay nakita kita agad at naisugod kita sa pinakamalapit na hospital kaya inasikaso ka agad ng mga Doktor.." aniya.

May nag-flash naman sa alaala ko, tumakbo nga pala ako bago pa man magising si Luca at para hindi niya ulit ako makuha. Bigla na lang nanakit ang ulo ko at nakaramdam ng hilo habang nasa gilid ako ng kalsada hanggang sa may nakita akong babaeng nagmamadaling lumapit sa akin bago ako nawalan ng ulirat.

Siya 'yun? Siya ang tumulong sa akin para dalhin sa ospital na 'to at magamot ang mga natamo kong sugat? Kung gano'n, dapat pala akong magpasalamat sa kanya. Utang na loob ko sa kanya ang buhay ko.

"Teka, kamusta pala ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa'yo? Aba'y tatlong araw kang walang malay, hija.."

Nagulantang ako sa sinabi niya.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon