KABANATA 26:
Ilaria POV
SAKTONG ala-singko ay natapos na ang pagtu-tutor ni Mrs. Thompson sa'kin. Dumiretso na ako agad sa kwarto namin ni Samael para makapagpalit ng damit dahil may usapan kami ni Rosales na magkikita ngayon. Wala na akong pakialam kung malaman man 'to ni Samael at magalit siya sa akin.
Basta gagawin ko pa rin kung ano ang gusto ko. Hindi naman pu-pwede na palaging siya ang masusunod at gawin kung ano ang gusto niya. Malaki na ako at may sarili akong desisyon para sa sarili ko. Pasaway na kung pasaway.
After kong makapagpalit ng damit at makapag-ayos ng sarili ay saka ko naman binitbit ang sling bag ko. Bumaba agad ako at hindi ko nakita si Manang Aming sa sala. Marahil ay nasa kusina siya at nagluluto ng hapunan.
Pero syempre sumilip muna ako sa labas ng bintana para i-check ang labas. Nakita ko roon na madaming nagkalat na mga tauhan ni Samael. Tiyak na napagsabihan na sila na huwag akong hahayaan na makalabas ng Mansyon.
Hindi ako pu-pwedeng dumaan sa main gate dahil nakakasiguro ako na haharangan nila ako at hindi ako palalabasin. Pero may alam akong daan para makalabas ako ng Mansyon. May sekretong daan sa likod ng Mansyon namin kaya naman doon ako dire-diretsong nagtungo.
Hindi na rin ako nagpaalam kay Manang Aming dahil alam kong hindi rin niya ako papayagan na makalabas ng bahay. Dito sa likod ng Mansyon ako madalas dumadaan kapag patago akong umaalis lalo na kapag wala si Samael at nasa trabaho siya.
Wala rin kasing masyadong tumatambay na mga tauhan niya sa likod ng Mansyon, kung meron man ay iilang lang. At saka madalas naroon sila palagi sa front gate ng bahay para magbantay at magmasid. Ako lang din ang nakakaalam ng daan dito sa likod ng Mansyon, wala ng iba pa.
Nalaman ko na may sekreto palang daanan dito 'nong one time na tumambay ako rito ilang buwan na ang nakakalipas hanggang sa naisipan kong mag-ikot ikot rito at 'yon na nga, natagpuan ko itong daan na hindi sinasadya.
Doble ingat ako sa paglalakad ko. Hangga't maaari ay hindi ako gumagawa ng kahit na anong ingay. Panay rin ang check ko sa paligid ko lalo na sa likod ko dahil baka may biglang sumulpot na mga tauhan ni Samael na hindi ko napapansin. Nakita ko pa nga na may nagbabantay malapit sa garden, mabuti na lang ay hindi niya ako nakita.
Napangiti pa ako ng matamis nang makita kong makakalabas na ako ng Mansyon pero akala ko lang pala dahil bago pa ako makalabas ay nagulat na lang ako nang may malaking kamay na humawak sa kaliwa kong braso para pigilan akong makalabas.
Buong akala ko ay si Samael na kaya halos pigilan ko na ang aking paghinga, pero nagkamali ako nang tignan ko kung sino ang pumigil sa'kin.
"Signorina? Ano pong ginagawa niyo rito sa likod ng Mansyon?" tanong ng tauhan ni Samael.
Nangunot naman ang noo ko dahil hindi ko siya kilala at hindi ko rin alam ang pangalan niya. Pero sigurado ako na tauhan siya ni Samael dahil na rin sa suot niyang black suit. At saka natatandaan ko siya, hindi ako maaaring magkamali. Siya 'yong lalaking nahuli ko 'nong isang araw na nakatingin sa'kin.
Iyon 'yong araw na may biglang nakapasok na magnanakaw dito sa bahay pero nang mahuli ko siya that time na nakatingin sa'kin ay agad siyang napaiwas ng tingin. Infairness, siya lang itong tauhan ni Samael na nakasuot ng salamin sa mata.
Pero may hitsura siya at matangkad. But why are his eyes familiar to me? Kulay-abo ang dalawa niyang mata at para bang nakita ko na ito.
"Ahm.. ano palang ginagawa mo rito?" tanong ko kahit na siya ang unang nagtanong.
"Inutusan lang po ako ni Boss Miano na mag-ikot ikot dito sa likod ng Mansyon," sagot niya bago niya bitawan ang aking braso.
"Boss Miano?"
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔
General FictionIDLE DESIRE 8: SAMAEL LAZARUS Nangako kay Ilaria ang Kuya Samael niya na kapag dumating siya sa edad na dalawampu't taon ay papayagan na siya nitong makipag-boyfriend. But she hid from him that she already had a boyfriend before she reached the age...