KABANATA 33:
Ilaria POV
"THIS is the last time you will hear my voice. Thank you for everything," umiiyak kong sambit bago mabilis na pinatay ni Rosales ang kanyang cellphone para putulin na ang pag-uusap naming dalawa ni Samael.
Sinusubukan kong magpakatatag at maging matapang. Kahit na umiiyak at nanginginig na ako sa takot ay nagawa ko pa rin na tignan ng masama ang lalaking ito! Ang lalaking minahal ko at lubos kong pinagkatiwalaan. Hindi ko ine-expect na magagawa niya sa akin 'to! Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng matinding galit at pagkamuhi sa kanya.
"That's it, you are really a good girl. Talagang pinalaki kang mabait at masunurin ni Samael," nakangisi niyang turan sa'kin dahilan para magtawanan ang mga kasama niya.
Marahan pa niyang pinat ang ulo ko ngunit masamang tingin lang ang ipinukol ko sa kanya. Matalim ko rin na tinignan ang babaeng nakangisi rin sa'kin ng nakakaloko. Naka-kandong ito sa kanya habang ang hawak niyang baril ay nakatutok sa aking ulo.
Kaya wala akong ibang choice, kundi sabihin 'yon kay Samael. Sabihin na mahal ko si Rosales at nakikipagtanan na ako sa kanya pero ang totoo ay hindi. They kidnapped me! Hindi ko gustong sabihin 'yon kay Samael at saktan ang damdamin niya.
Ngayon ay naiiyak ako dahil paano kung maniwala siya sa mga sinabi ko? Paano kung kamuhian ako ni Samael? Nangako pa naman ako sa kanya na hindi ko siya iiwan. Nagbitaw ako sa kanya ng pangako na mananatili ako sa tabi niya.
Hindi ko gustong sabihin iyon sa kanya. Pinalabas ng mga hayop na 'to na planado ko itong lahat, na gusto kong sumama kay Rosales. That I ran away from Samael but hell no! Never kong gagawin na umalis sa tabi niya. Never kong gugustuhin na sumama sa isang sinungaling na demonyo!
Nawalan lang ako ng choice. Pinilit nila ako na sabihin 'yon at palabasin na nakipagtanan ako sa walanghiyang Rosales na 'to para saktan ang damdamin ni Samael. Gusto nilang lahat na makitang nasasaktan siya at masiraan ng ulo. Pero anong magagawa ko? The gun was pointed at my head. Tinakot nila ako na kapag hindi ko iyon sinabi ay papasabugin nila ang bungo ko.
"I hate you," may bahid na galit kong sambit sa lalaking ito pero nginisian lang niya ulit ako.
"I know, my princess.." he said, "Pero wala ka ng magagawa, wala rito ang prince charming mo para iligtas at protektahan ka." dagdag niya kaya muling nagtawanan ang mga kapwa niya mga demonyo.
Sunod-sunod naman na nagsibagsakan ang mga luha ko. Halos hindi ko na siya makilala. Parang hindi siya ang lalaking minahal ko. Ibang-iba siya ngayon kumpara sa nakikita ko sa kanya noon. Parang hindi siya ang Rosales na nakilala ko. He was so sweet and had such an innocent face. Pero ngayon? It was like I was facing a demon.
Isa siyang psycho! A fucking loony!
Tama nga ang mga sinabi nina Manang Aming sa akin, masyado akong inosente at mabait dahil mabilis akong maloko. Masyado rin akong nagpapaniwala agad sa kung ano ang ipinapakita ng mga tao sa akin.
Ngayon ay naiintindihan ko na si Samael kung bakit mas gusto niyang manatili lang ako sa Mansyon. Dahil 'yon sa mabilis akong lokohin. Ayaw rin niya na gamitin ng mga tao ang kabaitan ko. Natatakot siya na baka masaktan ako.
He cupped my cheek as a silly grin remained on his lips. Gustuhin ko man na tanggalin ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko ngunit hindi ko naman magawa. Shit! They tied both my hands behind my back. Hindi ako makawala sa pagkakagapos nila sa akin.
Kaya ang tangi ko na lang na nagawa ay mapaiyak, tignan sila ng masama at manalangin na sana.. sana hanapin pa rin ako ni Samael kahit pa na inakala niya at napaniwala ko siyang nakipagtanan ako sa bwisit na Rosales na ito kahit hindi naman talaga. Mahal niya ako at may tiwala ako na hahanapin niya ako.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔
General FictionIDLE DESIRE 8: SAMAEL LAZARUS Nangako kay Ilaria ang Kuya Samael niya na kapag dumating siya sa edad na dalawampu't taon ay papayagan na siya nitong makipag-boyfriend. But she hid from him that she already had a boyfriend before she reached the age...