KABANATA 28

18.2K 706 162
                                    

KABANATA 28:

Ilaria POV

          THREE days na ang nakakalipas mula nang malaman ko na niloloko lang pala ako ni Rosales at isa siyang spy ng mga Cardinal --- ang worst at mortal enemy nila Samael na gustong sirain at pabagsakin ang mga Lazarus.

Pero nang malaman ko 'yon na ginagamit lang pala ako ni Rosales ay agad akong nakipag-break sa kanya. Binalik din kasi sa akin ni Samael ang phone ko kaya nag-send agad ako ng text message kay Rosales na nagsasabi na hiwalay na kaming dalawa.

He even tried to call me and ask why, pero hindi na ako nag-abalang magpaliwanag sa kanya. Basta nag-send na lang ako sa kanya ng pictures niya kung saan may kasama at kahalikan siyang babae sa isang bar at sa tingin ko ay mare-realize rin niya ang rason ko kung bakit nakikipag-break na ako sa kanya.

Syempre pinatay ko na rin ang cellphone ko para hindi niya ako magawang matawagan. Hindi lang kasi ang relasyon namin ang dapat putulin sa'min, kundi kailangan ko rin putulin ang pakikipag-komunikasyon ko sa kanya para sa gayun ay maging madali lang sa'kin ang makalimutan siya at mapabilis ang pagmo-move on ko.

Mahirap din kasi sa'kin na tanggapin nang malaman kong isa siyang sinungaling at ginagamit lang pala niya ako samantalang minahal ko siya, pinagkatiwalaan at worst ay pinagtanggol ko pa siya kay Samael. Sa ginawa niya ay nararapat lang na makipag-break ako sa kanya.

Bakit ko pa ba mamahalin at tatanggapin ang taong niloloko lang pala ako at isa pa siyang ispiya na binayaran ng mga Cardinal? Tsk. Kaya dapat lang na kalimutan ko na siya.

Hindi lang naman kasi niya ako basta ginamit. Nagsinungaling siya sa akin, he even cheated on me! Kung kani-kanino siya nakikipaghalikan, kung sino-sinong babae ang nakakasama niya kaya nawala ang pagmamahal ko sa kanya at napalitan ito ng labis na pagkamuhi.

"Nahanda ko na ang pampaligo mo," rinig kong biglang salita ni Samael kaya nilingon ko siya, "Nakahanap ka na ba ng damit na susuotin mo?"

I sighed, "Wala pa. Wala akong mapili eh," problemado kong sagot sa kanya.

Binalik ko ang atensyon ko sa ginagawa ko. Kasalukuyan akong narito sa loob ng walk-in closet niya para maghanap ng susuotin kong damit ngayon. Nagyaya kasi itong poging nilalang na 'to na lumabas kami at kumain.

No, he actually asked me out on a date. Dinner date lang naman pero wala akong mapili na pwede kong suotin na damit.

Aba, gusto ko naman na magmukha akong maganda at presentableng tignan lalo na't ang isang tulad niyang hot at yummy ang makaka-date ko pero isa na yata ito sa pinakamahirap na task na ginagawa ng isang tulad kong babae. 'Yon ay ang maghanap ng damit na susuotin. Marami nga akong damit, pero nahihirapan pa rin akong maghanap ng susuotin kong damit.

"Why? All your clothes are beautiful and they all suit you. Are you having trouble choosing what to wear?" he asked and walked towards me.

Tinulungan naman niya ako na maghanap ng pu-pwede kong suotin na damit. Isa-isa niyang tinignan ang mga dress ko na mayroon ako at halos lahat ng 'yon ay nasuot ko na. Kung bakit ba kasi biglaan niya akong niyaya na mag-date ngayon.

Kung maaga lang niya sana sinabi, edi sana nakahanap na ako agad ng dress na susuotin ko. Kilala ko pa naman itong si Samael, gusto niya na dalhin ako sa mga mamahalin na restaurant.

Anong oras pa lang naman. Maliwanag pa sa labas at hindi rin ako minamadali ni Samael. Pero pinapaligo na niya ako dahil balak din niya na mag-ikot ikot muna kami sa Mall.

And yes, I accepted his offer. I gave him a chance to prove and show me his love. And I still can't believe that he would ask me to marry him. Hanggang ngayon nga ay parang hindi pa rin ako makapaniwalang engage na kaming dalawa.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon