KABANATA 55

18.4K 639 182
                                    

KABANATA 55:

Ilaria POV

          EVERYTHING is ready. I'm nervous, namamawis na rin ang dalawa kong palad dahil sa kaba na nadarama ko. The beautiful and big day has come. Masaya at excited na ako na kinakabahan. Tinignan ko naman ang sarili kong repleksyon sa malaking salamin bago ako matamis na napangiti.

Oh geez, I'm beautiful!

Today is our wedding day. Maganda rin ang sikat ng araw sa labas at sobrang ganda rin ng gising ko kaninang umaga dahil sa araw na ito na pinakahihintay naming dalawa ni Samael.

I'm wearing my dream back lace wedding gown, my make-up suits me too. I look like an elegant beautiful bride with class. It's simple but it's mesmerizing. It also fits me perfectly so my sexy and beautiful curvy body is clearly visible. Litaw talaga ang kagandahan ko at nagustuhan ko rin ang pagkaka-ayos sa akin ng make-up artist.

Suot ko na rin ang viel ko at bumagay rin sa akin 'yung ayos ng buhok ko. Talagang nakahanda na rin ang lahat. Hindi pa naman lumalaki ang tiyan ko kaya makakapagsuot pa ako ng damit na medyo hapit sa aking katawan.

Hindi na rin ako makapaghintay.

Bumukas ang pinto rito sa kuwartong kinaroroonan ko kaya nilingon ko kung sino ang pumasok. Agad na lumapad ang pagkakangiti ko nang magsipasukan sina Tita Maribel at Nanay.

"Oh my! You're gorgeous, hija!" makatamis na nakangiting turan ni Tita Maribel nang makita niya ako.

Natawa naman ako at nagpasalamat.

They are also ready. Naka-itim sila ng dress. Actually, iyon talaga ang tema na pinili namin ni Samael at nakagawian na rin 'yon sa Lazarus family kapag may isa sa angkan namin ang ikinakasal.

Naka-dress code dapat kaya naman lahat ng mga bridesmaid o mga bisita ay naka-black dress dahil gusto ni Samael na ako lang ang naka-puti sa araw ng kasal namin.

And that's what I want too. This is our dream big day and I really want to be the only one wearing a white wedding gown. Naka-black vest naman ang mga groomsmen habang si Samael ay naka-itim na tuxedo.

Excited na akong makita siya.

Paniguradong maglalaway ang mga babae mamaya once na makita siya. Dang! Ang gwapo kaya niya! Pero sorry na lang ang mga girls, sa 'kin na siya.

"Ready ka na ba, anak?" tanong sa akin ni Nanay.

Nakangiti ko siyang tinanguan, "Opo 'nay. Hindi na nga po ako makapaghintay eh." sagot ko kaya parehas silang natawa ni Tita Maribel.

"By the way, nasa simbahan na pala 'yung mga bisita natin. Tayo na lang ang hinihintay nila kaya maghanda ka na hija, nasa labas na ang gagamitin mong sasakyan." Ani Nanay kaya tumango-tango ako sa kaniya bilang sagot.

"Si Samael po pala?" tanong ko.

Dito kami sa Mansyon niya inayusan pero magkaiba kami ng kwarto. Hindi rin hinahayaan nina Tita Maribel na makita ako ni Samael para raw surprise. Syempre gusto ko rin naman na makita namin ang isa't-isa 'pag nasa simbahan na kami at kapag lalakad na ako sa aisle habang naghihintay siya sa akin sa altar.

Napangiti ako dahil sa wakas ay matutupad na ang dream wedding ko lalo na ang maikasal sa taong mahal ko pero higit naman akong minamahal.

"Kasama niya si Kuya Palermo mo at papunta na rin sila sa simbahan kaya maghanda ka na. Ang Kuya Atticus mo ang magda-drive sa 'yo papuntang simbahan." sagot ni Nanay sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag.

Iilan lang naman ang inimbitahan namin ni Samael, karamihan ay puro mga kamag-anak lang namin at mga malalapit na kaibigan ni Samael. We will not only get married here in the Philippines, we will also have a full wedding in Sicily once na makabalik na kami roon.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon