KABANATA 8:
Ilaria POV
BAGO pa man na sumapit ang dilim ay nakauwi na rin ako agad sa Mansyon. Nagpasalamat lang ako sa family driver namin na nagsundo at naghatid sa akin bago ako bumaba sa sasakyan bitbit ang mga paperbags ko pati na rin yung bouquet of flowers na bigay mismo ni Rosales sa akin at isang basket ng mga prutas na bigay naman nila Mrs. Marcello bilang pasasalamat daw nila sa'kin dahil naisipan ko silang dalawin at kamustahin.
Syempre para hindi maghinala si Kuya Samael kaya naman bumili na rin ako ng mga damit sa clothing store kanina. Baka mas lalong magtaka si Kuya kapag nakita niyang wala akong dala-dala o pinamili man lang samantalang ang alam niya ay magsha-shopping ako ngayon ng mga damit.
Pagpasok ko palang sa loob ng bahay ay wala akong naabutan sa malawak naming sala. Nasaan naman kaya si Kuya Samael? Umalis kaya siya? 'O baka naman nasa office library siya ngayon at hindi pa tapos ang trabaho niya?
"I'm glad you're finally home,"
Mabilis akong napalingon sa narinig kong pamilyar na malaking baritonong boses na biglang nagsalita sa likod ko. Si Kuya Samael lang pala. Pansin ko na basa ang dalawa niyang kamay at kitang-kita ko rin na medyo basa rin ang damit niya.
"Anong nangyari sayo, Kuya?" I asked.
Lumapit naman ako sa kanya at mabilis na humalik sa kanyang pisngi. Infairness, kahit na ganyan ang hitsura niya ay gwapo pa rin siya at nananatili pa rin siyang mabango.
"Galing ako sa utility room. Kakatapos ko lang na i-washing yung mga damit natin. Kukunin ko na lang yun para banlawan at i-dryer." sagot niya habang pinupunasan niya ang kamay niya gamit ang maliit na towel kaya malalim akong bumuntong-hininga.
"Kuya naman, sinabi ko na kasi sayo na kumuha ka na lang ng katulong para naman may gumagawa ng gawaing bahay dito. At saka trabaho ko 'yang paglalaba, 'di ba? Bakit ikaw pa ang gumawa?"
Ang tigas rin kasi ng ulo nitong si Kuya. Ilang beses ko na siyang sinasabihan na kumuha na lang siya ng kasambahay para naman may katuwang kami sa mga gawaing bahay dito lalo na't may kalakihan pa naman itong Mansyon namin. Si Kuya tuloy itong gumagawa ng mga house chores.
Tumutulong naman talaga ako, sa katunayan nga niyan ay ako ang nakatoka sa paglalaba at paghuhugas ng mga pinggan. Ewan ko ba dito kay Kuya Samael at naisipan niyang siya ang maglaba ng mga damit namin. 'O sadyang masipag lang talaga itong si Kuya? Kung bakit ba kasi ayaw niyang kumuha ng katulong para at least hindi kami nahihirapan dito.
He chuckled, "Hayaan mo na. Tapos na rin naman yung trabaho ko kaya naisipan ko na lang na labahan yung mga damit natin." sagot niya kaya wala na akong nagawa pa.
Kaya masasabi ko na husband material itong si Kuya dahil marami siyang alam sa mga gawaing bahay. Marunong na ngang magluto, marunong pang maglaba. Saan ka pa?
"Anyway, bakit ngayon ka lang pala? Akala ko ba saglit ka lang sa pagsha-shopping? Tinatawagan rin kita pero hindi ka sumasagot. Buti na lang nag-text ka na pauwi ka na," aniya at kinunutan ako ng noo.
Hindi rin nakaligtas sa akin kung paano niya pasadahan ng tingin yung mga bitbit kong mga paperbags na naglalaman ng mga damit hanggang sa napansin kong huminto ang pagkakatingin niya sa bouquet of flowers na hawak-hawak ko.
Huminga ako ng malalim, "Medyo napasarap lang yung pagsha-shopping ko, Kuya. Naisipan ko na rin po na mag-ikot ikot muna kaya n-nakabili ako nitong bulaklak pati itong mga prutas." pagsisinungaling ko kahit ang totoo ay bigay ni Rosales itong bulaklak sa akin habang bigay naman ng magulang niya itong isang basket ng mga prutas.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔
General FictionIDLE DESIRE 8: SAMAEL LAZARUS Nangako kay Ilaria ang Kuya Samael niya na kapag dumating siya sa edad na dalawampu't taon ay papayagan na siya nitong makipag-boyfriend. But she hid from him that she already had a boyfriend before she reached the age...