KABANATA 41

17.8K 654 141
                                    

KABANATA 41:

Ilaria POV

          SUMULYAP ako kay Samael para tignan kung ano ang ginagawa niya, nasa sala lang siya at masaya lang siyang nakikipag-usap sa mga bata. Buhat-buhat pa nga niya ang baby na si Ligaya, mabuti na lang ay tahimik lang 'yung bata habang nilalaro nito ang kanyang mga daliri.

Nakikita ko rin naman sa mga bata ang kasiyahan at tuwang-tuwa pa sila na tinitignan ang mga tattoo sa katawan ni Samael. Halata kong mga naku-curious sila kung ano ang tattoo sa kanyang katawan.

Naririnig ko pa nga ang mga bata na panay ang pagtatanong kay Samael kung ano ang mga tattoo sa katawan niya habang si Cheska naman na panganay sa mga bata ay kasalukuyang hinihiram ang cellphone ni Samael dahil gumagawa siya ng kanyang assignment.

Medyo malayo pa raw kasi ang computer shop dito sa baryo nila at kailangan daw niyang mag-search para masagutan ang takdang-aralin niya, mabuti na lang ay may load ang cellphone ni Samael at nakaka-access ng internet kaya para hindi na lumabas si Cheska lalo na't maggagabi na kaya pinahiram na lang niya ang kanyang phone.

Ngumiti lang ako habang pinagmamasdan ko sila sa sala bago ko binalik ang atensyon ko kay Nanay Dolores. Narito kasi kaming dalawa sa kusina at nagluluto siya ng hapunan namin.

Maliwanag pa naman sa labas, pasado alas-singko pa lang ng hapon at malapit-lapit nang magtakip-silim pero maagang nagluto si Nanay Dolores dahil wala silang kuryente rito sa bahay at paniguradong mahihirapan siya kung mamaya pa siya magluluto ng makakain namin.

Tanging lampara lang ang ginagamit nilang ilaw rito sa bahay. Naputulan daw kasi sila ng kuryente, tatlong buwan na kasi raw silang hindi nakakapagbayad.

Hindi naman daw afford ni Nanay na bayaran iyon dahil una, maliit lang ang kinikita niya sa paglalako ng kakanin kahit na tumatanggap pa siya ng mga labada at pangalawa, walang trabaho ang asawa niya.

Pero sabi niya malamig naman dito 'pag gabi, pero pinapaypayan lang niya ang mga bata lalo na ang baby hanggang sa makatulog sila. Mayroon naman daw silang ginagamit na kulambo pati katol na pamatay sa mga lamok kaya walang problema at hindi naman daw sila pinapapak ng lamok.

Hindi naman gaanong kalakihan ang bahay nila. May dalawang kwarto sila rito na hindi rin kalakihan, kwarto para sa mga bata at kwarto para sa kanilang mag-asawa. Hindi rin naman malawak ang sala nila, pero nagiging spacious itong tignan dahil wala silang masyadong gamit dito.

Gawa talaga sa kahoy ang bahay nila pero magandang tignan. Pati ang sahig ay gawa rin sa kawayan pero matibay naman ito. Ang mga kurtina naman ay nagsisilbing pintuan sa mga kwarto nila. Malinis din dito sa kusina nila kahit hindi rin ito masyadong malaki.

Sa katunayan nga niya ay nasa bandang labas na ang kusina nila pero nasa likuran lang ng bahay nila. Wala rin silang gas stove rito, tanging kahoy lang ang ginagamit nilang pagsiga ng apoy para makapagluto. Nangingitim na rin ang puwetan ng mga ginagamit nilang panluto ngunit malinis naman magluto si Nanay Dolores.

Kumakalam na nga ang tiyan ko dahil sa mabangong aroma na pagkaing niluluto niya. Gini-grill niya ang mga pork belly gamit ang caldron lid. Mayroon din siyang nilutong sabaw. May maliit din silang palikuran dito na makikita lang dito sa likod ng bahay nila at malapit lang din sa kusina.

Tanging ang banyo lang nila ang may pintuan. Ang tubig na ginagamit nila ay kailangang igibin gamit ang tinatawag nilang poso na mayroon sila dito sa likod ng bahay nila, 'yon ang ginagamit nilang pampaligo at panghugas ng mga pinggan.

Pero ang ginagamit nilang inumin na tubig ay binibili dahil mineral water iyon. Kaya pala marami akong nakikita rito sa kusina na kulay asul na mga water container.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon