KABANATA 14:
Ilaria POV
I suddenly woke up because of the noise I heard outside. Ano bang ingay 'yon? Agad ko namang tinignan ang wall clock para alamin kung anong oras na ba at bakit may ingay akong naririnig sa labas.
Rumehistro naman ang pagtataka sa aking pagmumukha nang makita kong pasado ala-una palang ng madaling araw. Hindi pa naman sumisikat ang araw sa labas pero bakit may naririnig na akong ingay?
Ano ba'ng meron? Anong nangyayari sa labas? Base sa ingay na naririnig ko ay mga boses lalaki ang aking malinaw na naririnig. At wala akong ideya kung bakit ang iingay nila. Tiyak na mga tauhan lang ni Kuya Samael 'yon.
Nagpakawala ako ng marahas na buntong-hininga bago ako nagpasyang bumangon sa kama sa kadahilanan na nabulabog na ako rito. Ang sarap-sarap na ng tulog ko, pero dahil sa ingay na 'yan kaya ako nagising.
Kahit na inaantok pa ako ay nagawa ko pa rin na maglakad papalapit sa balkonahe para silipin kung ano ang nangyayari sa labas at kung bakit may maingay. Napakusot-kusot pa ako ng mata para malinaw kong makita kung anong meron hanggang sa tuluyan na rin akong nakasilip sa ibaba.
Doon ay nakita ko ang mga tauhan ni Kuya Samael na tila may pinagkukumpulan. What's wrong? Bakit may pinagkukumpulan sila? Hindi ko tuloy maiwasang magtaka lalo na nang makita ko si Manang Aming na naroon din sa ibaba at parang may kinakausap doon.
Teka, ano ba ang nangyayari?
At dahil sa sobrang naku-curious ko ay mabilis akong bumalik sa loob ng kwarto ko at sinuot ko agad ang manipis kong roba na terno sa suot kong manipis na V-neck silky night dress na hindi naman lalagpas sa tuhod ko ang haba. Ang mga ganitong klaseng sleepwear kasi ako mas komportable kapag natutulog ako sa gabi.
Nang maisuot ko na ang roba ay saka ako lumabas ng kwarto ko habang inaayos at sinusuklayan ko ang mahabang buhok ko gamit ang mga daliri ko sa kamay. I'm wearing my fluffy bedroom slippers that Kuya Samael gave me on my last birthday.
Mabuti na nga lang ay nakasindi ang mga ilaw rito sa buong Mansyon kaya agad akong nakababa sa hagdanan hanggang sa makalabas na ako at marating ko kung saan sila banda nagkukumpulan.
Papalapit pa nga lang ako ay naririnig ko na ang isang lalaki na tila nagmamakaawa habang rinig ko naman ang boses ni Manang Aming na parang may tinatanong sa lalaking 'yon. Hindi ko lang makita ang lalaking nagmamakaawa dahil na rin sa nakaharang ang mga tauhan ni Kuya Samael tapos ang tatangkad pa nilang lahat.
"What's going on here?" tanong ko kaya nakuha ko ang atensyon nilang lahat.
Sabay-sabay nila akong nilingon at nang makita nila kung sino ang nagsalita ay agad silang lahat na napatayo ng tuwid bago sila bahagyang napayuko ng ulo. They also avoid looking into my eyes. That's one of my Kuya Samael's rules. Ewan ko ba sa Kuya kong 'yon, ayaw na ayaw niya na may lalaking tumitingin sa'kin ---lalo na sa aking katawan.
Kapag daw kasi na may lalaking tumitingin sa akin at pinapasadahan pa ng tingin ang aking katawan ay pakiramdam niya ay pinagnanasahan na raw ako. Feeling niya ay binabastos na ako at panigurado raw na may naglalarong kalaswahan na sa isipan nila kapag may lalaki lang na tumitingin sa'kin na sobrang lagkit, especially kapag tinitignan lang nila ang aking katawan.
And he hates that. Ayaw talaga ni Kuya na nababastos ako. Kaya naman gumawa ng rules si Kuya Samael para sa mga tauhan niya na huwag silang titingin sa aking mga mata lalo na sa katawan ko. And if they dare to break one of his rules, they will face severe punishment.
Alam naman nila kung gaano kadelikadong Mafia Boss si Kuya Samael. And I know that they are afraid of him and they fear for their lives. That's why it's better to obey him instead of choosing death.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔
General FictionIDLE DESIRE 8: SAMAEL LAZARUS Nangako kay Ilaria ang Kuya Samael niya na kapag dumating siya sa edad na dalawampu't taon ay papayagan na siya nitong makipag-boyfriend. But she hid from him that she already had a boyfriend before she reached the age...