KABANATA 54

15.7K 647 144
                                    

KABANATA 54:

Ilaria POV

          "SHE is getting good, kaya wala na po kayong dapat ikabahala. She is not like our other patients who are harmful, nakakakain at nakakainom naman siya ng gamot sa tamang oras. Na-trauma lang siya dahil sa nangyari sa kaniya kaya minsan ay natutulala siya at bigla na lang naiiyak.." mahabang turan ni Doc sa 'min.

"Thank you, Doc. Magbabayad po kami ng malaking halagang pera, basta gawin niyo lang po ang lahat ng makakaya niyo para po gumaling siya.." sagot ko naman.

Siya ang psychiatrist na humahawak kay Emmeline. At narito ako ngayon sa mental hospital kung saan namin dinala si Emmeline para dalawin siya at i-check kung ano na ang kalagayan niya.

Mabuti na lang talaga ay nagkakaroon na siya ng improvement. Malaki rin ang pasasalamat ko na hindi siya katulad ng ibang pasyente na nananakit --- na tipong nawala na sa sarili at pati sarili ay sinasaktan na rin.

Hanggang sa ngayon ay hindi ko pa rin mapapatawad ang may gawa sa kaniya nito. Sina Luca na humalay at sumira sa buong pagkatao niya, pati kinabukasan, dignidad at reputasyon niya bilang babae ay sinira nila.

Pero nandito ako. Wala nang makakapanakit pa kay Emmeline. Hindi na ako makakapayag na may masama na namang mangyari sa kaniya. Narito rin ako para tulungan siya.

Naikuwento ko na rin kay Nanay si Emmeline lalo na ang mga mapait niyang sinapit. Naawa siya sa nangyari sa bata kaya naman napag-usapan namin na 'pag gumaling na siya at tuluyang naging maayos ang mental health niya ay aampunin namin siya.

Oo, iyon naman kasi talaga ang balak kong gawin. Nabanggit ko na rin 'yon kay Samael at pumayag naman siya sa gusto ko. Wala naman kasing ibang mapupuntahan si Emmeline at mas lalong wala na rin siyang ibang malalapitan.

Nandito naman ako, handa akong tumulong sa kaniya. Hindi ko rin naman kaya na kung saan-saan na lang siya mapunta kapag naging maayos na siya at naka-discharge na siya sa mental hospital na ito.

"Of course, Mrs. Lazarus. It's our job, so we'll do everything we can to help our patients like Emmeline get better." nakangiting sambit ni Doc kaya napangiti ako at muling nagpasalamat sa kaniya.

Mabuti na lang ay may kagaya ni Doc na gagawin ang lahat para gumaling lang ang mga pasyente nila. Marami rin silang pasyente na naka-rehab sa hospital na 'to. Ang iba na malala ang sakit sa pag-iisip ay kinukulong sa mga Psych Ward nila para hindi sila makapanakit sa kapwa nila.

Mahirap na raw kasi kung makawala sila lalo na't sila ang mas binibigyan ng atensyon ng mga Doktor at kailangan talagang obserbahan bente-kuwatro oras. Mas malala kasi sila, nananakit ng pisikal. Samantalang ang iba naman ay nasa loob ng VIP room, sabagay ay mayayaman ang iba na naka-rehab dito.

"Do you want to talk to her?" The doctor asked me.

Tinignan ko naman si Emmeline na nasa loob ng Psych Ward niya. Nakaupo lang siya sa silya niya malapit sa bintana na may grills at nasa malayo ang kaniyang tingin. Hindi niya napapansin na nandito ako para bisitahin siya.

Tumango ako, "Saglit lang naman po ako, gusto ko lang ho siyang kumustahin." saad ko.

Napatango-tango naman si Dok at sinenyasan ang mga kasama niyang nurse na mga babae para buksan ang pinto na gawa sa metal. Nakikita pa rin namin ang loob dahil may pa-box na glass window na medyo hindi naman kalakihan banda sa itaas ng metal door.

Isa lang din ang problema namin kay Emmeline. Because of the trauma she got because of what happened to her, she had a big fear. She is afraid of men. Kaya naman puro mga babaeng nurse ang nag-aalaga sa kaniya, pati na rin ang Doktor na umaasikaso sa kaniya. Sobra siyang takot na takot sa mga lalaki, nanginginig sa takot.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon