KABANATA 18:
Ilaria POV
KAHIT papaano ay matiwasay naman na natapos ang pagtuturo ni Rosales sa'kin kahit na nagkaroon ng tensyon sa pagitan nilang dalawa ni Kuya Samael kanina. Halos ilang oras din akong nakaupo sa kandungan ni Kuya habang nagtuturo sa harapan ang boyfriend ko.
I can't help but feel awkward! Kuya Samael doesn't let me leave his lap, kahit pa na ano ang gawin ko. My goodness! Ni hindi man lang siya nangalay o nabigatan sa'kin kahit ang tagal kong nakaupo sa kanyang kandungan. Hindi tuloy ako masyadong makapag-focus sa pagtu-tutor ni Rosales sa'kin kanina.
Hindi ko rin alam kung ano ang tumatakbo sa isipan nitong kapatid ko at kung bakit kakaiba ang inaakto niya ngayon. Parang ang init talaga ng ulo niya sa boyfriend ko.
Nagpaalam din naman agad si Rosales kaya hinatid na siya ng dalawang tauhan ni Kuya Samael palabas ng Mansyon. Nang makaalis na siya ay saka ko namang kinompronta si Kuya. Syempre siniguro ko munang nakasarado ang pintuan dito sa office library niya para walang makarinig sa pag-uusapan naming dalawa.
"Why did you do that, Kuya?" kunot-noong tanong ko.
Even though I was annoyed by what he did earlier, I still tried to keep my voice calm. He just stayed sitting in his swivel chair and was busy typing on his laptop. Sadya naman kasi talaga na mali ang ipinakita niyang ugali kay Rosales kanina. Halata naman na napahiya 'yong tao. Hindi man lang niya pinansin ang boyfriend ko 'nong magpaalam ito sa kanya na aalis na.
"Did what, amore mio?" he asked and he acted like he didn't do anything earlier.
Talagang nagmaang-maangan pa siya. Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin dahil ang atensyon niya ay nasa monitor ng kanyang laptop habang abala sa kakapindot ang mga daliri niya sa keyboard.
"What you did to my private tutor earlier was wrong. Napahiya si Mr. Marcello sa ginawa mo. You even made me sit on your lap when there was a chair that I could sit on. Ano na lang ang iisipin 'nong tao sa atin?" may bahid na inis kong sabi sa kanya.
He stopped typing on his keyboard. Finally he raised his head to look at me. His deep, dark eyes looked directly into my eyes, causing me to gulp. Napaka-seryoso rin ng kanyang gwapong mukha. Sa paraan ng pagtitig niya sa'kin ay parang bang may nagawa akong mali sa kanya.
"Then I don't care what he thinks about us. He is just your private tutor, nothing else." he said in a serious voice.
"Pero Kuya naman! He didn't do anything wrong for you to act like that earlier. It's like you're underestimating him with the words you were saying to him. Yes, he is just my private tutor, but at least his work is clean, dignified and decent --- and he does his job well." mahaba kong sabi na nagpakunot sa noo niya.
Ayoko naman na mag-mukhang walang kwentang girlfriend kung hindi ko man lang ipagtatanggol si Rosales sa Kuya ko. Pero hindi sumagot si Kuya Samael, bagkus ay tumayo siya at umikot sa kanyang desk. Ilang saglit lang ay nasa harapan ko na siya habang nakapamulsa siya sa suot niyang pants.
Hindi rin nakaligtas sa'kin kung paano gumalaw ang kanyang panga at seryosong nakatitig sa'kin. He leaned down on his desk while tapping his fingers on it as well.
"Are you defending him, amore mio?" he asked while one of his eyebrows was raised.
"Yes. I'm defending him because he's my private tutor and he's just doing his job as my tutor." matapang at taas-noo kong sagot sa kanya.
He smirked, "Really? Private tutor?"
Huminga ako ng malalim at saglit na napapikit ng mata. Pilit ko rin pinapakalma ang sarili ko at baka kung ano pa ang masabi ko. Kapag hindi ako nakapagtimpi, baka ito na rin ang kauna-unahang beses na magtalo kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔
General FictionIDLE DESIRE 8: SAMAEL LAZARUS Nangako kay Ilaria ang Kuya Samael niya na kapag dumating siya sa edad na dalawampu't taon ay papayagan na siya nitong makipag-boyfriend. But she hid from him that she already had a boyfriend before she reached the age...