"Oh elisa, bakit ginabi ka nanaman? Alam mo namang delikado na sa labas kapag madilim na ah!" Salubong sa akin ni mama. Napa pikit na lamang ako sa lakas ng boses nito.
"sensya na po ma. Kakatapos lang po nang practice namin" ani ko habang hinuhubad ang aking sapatos. Tinaasan naman ako ng kilay ni mama.
"aba'y alas syete na! hindi ba alam ng instructor nyo nayan ang pinag kaiba ng umaga at gabi?!" Patuloy pa nito. Napa ngiwi ako dahil sa lakas ng boses ni mama. Nakaka rindi.
mula sa itaas ay bumaba si papa. "Huwag mo nang pagalitan kita mo nang pagod yung bata eh" maangas na sabi ni papa. Lumapit ako dito at nag mano. Nag pamewang naman si mama.
"hindi ko sya pinapagalitan. Pinag sasabihan ko lang" ani mama. Hindi parin ito natigil kaya dinampot ko ang hinubad kong sapatos para dalhin sa itaas.
"Pano kung matyempohan iyang anak mo nung pisting mamamatay taong night na iyon ha? Puro pa naman kababaihan ang puntirya ng hayop na iyon!" Matitigas na bigkas ni mama. Walang imik akong umakyat sa aking kwarto. Rinig ko pa itong tinawag ang pangalan ko dahil kakain na raw.
"Bumaba kana ditong bata ka! aba'y huwag mong pinag aantay ang pagkain!"
"Eloisa ano ba? Itikom mo muna iyang bibig mo kahit ngayong gabi lang"
Kahit nasa loob na ako ng aking kwarto ay rinig ko parin ang mga boses nila. Lalo na ang boses ni mama. Kahit naiinis na si papa sa sobrang pagka rindi ay pinipilit parin nitong ikalma ang sarili.
nag bihis muna ako ng pantulog at umupo sa aking higaan. Mamaya nalang ako kakain. Hindi pa naman kase ako gutom.
Kinuha ko ang phone ko sa loob ng bulsa ng aking school bag. Binuksan ko iyon at napag pasyahang buksan ang facebook account ko. Bihira lang kase akong mag online.
unang bungad sa'akin ay ang isang shared post na video na ang laman ng balita tungkol sa sikat na killer sa lugar namin.
Shared post ito ng anak ng kapitbahay namin na si aling janice. Ang anak nitong si jaja ang nag share ng videong iyon.
Pinindot ko ang video.
BREAKING NEWS:
Natagpuang duguan ang isang dalagitang nasa edad kinse anyos sa tabing ilog sa barangay magningning pasado alas kwatro ng madaling araw kaninang umaga. Halos hindi na makilala ang dalaga dahil sa mga natamong pasa at saksak nito sa katawan.
Nasa tabi rin ng bangkay nito ang isang kulay puting ribon na may mga punas ng dugo na laging nilalagay ng killer na si night sa gilid ng katawan ng kanyang mga biktima
agad kong in-off ang aking phone at huminga ng malalim, sya nanaman. Bakit ba kasi hindi pa mahuli huli ang mamamatay tao na iyon? Dahil sakanya ay nagkaroon ng takot ang mga tao sa lugar namin. Lalo na dito sa barangay magningning.
alam kong hindi ko sya pwedeng husgahan agad lalo na't lahat naman ng tao ay hindi magiging masama kung hindi ito naka ranas ng madilim na naka raan ngunit sumusobra naman na ata ang lalaking iyon.
muli akong huminga ng malalim bago bumaba at kumain ng hapunan. Pagka tapos ay nag toothbrush na ako at nag hilamos ng mukha. Si mama ang nag hugas ng mga pinag kainan kaya nag paalam na akong aakyat na sa itaas.
pag higa sa kama ay tulala lang akong naka tingin sa kisame. Hindi parin mawala sa isip ko ang napanood kong balita kanina. Hanggang kailan ba ito? Hanggang kailan mag lalagay ng takot ang night na iyon sa mga taong naka tira rito?
YOU ARE READING
HIS ILLEGAL POSSESSION (Verlusconi Series 1)
RomanceLorenzo Night Verlusconi, the most hated yet dangerous man in the philipines, he is famous for being night. A killer who wears a white maskara with a blood on it. He only wan'ts justice for his mother's death but suddenly a 16 year old girl catch hi...