ELISA CIANA
WARNING:
naiilang ako habang naka upo sa tabi ni night. sinama nya ako sa loob ng meeting room dahil ayaw nya daw akong maiwan doon sa opisina nya.
sabi ko ay ok lang naman ako ngunit ang sabi nya ay. "hindi ako mapapakali sa meeting dahil alam kong mag isa ka dito" kaya hindi na ako nag protesta pa ang sumama nalang sakanya. total ay sya naman daw ang boss.
Tahimik lang ako habang naka tulala sa harap kong mesa, may naka patong na empty glass doon na naglalaman nang apple juice kanina.
wala na itong laman dahil inisang tungga ko ito kanina.
ngayon ay tulala na lamang ako doon habang nag rereport ang isa sa mga ka meeting ni night sa unahan.
first time kong masaksihan ang ganitong meeting at talagang napaka boring!.
mabuti nalang at hindi pang business ang kinuha kong kurso. mahina rin talaga ang utak ko pag dating sa negosyo.
inaantok narin ako dahil halos isang oras na kaming nandito. gusto ko nga sanang lumabas na pero nahihiya akong mag sabi sakanya kase tutok na tutok sya sa pag memeeting nila.
naka tulala man sa walang lamang baso ngunit ang utak ko ay patuloy sa pag iisip ng pwedeng gawing libangan.
biglang napa dako ang antok kong mga mata sa kamay ni night na naka patong sa hita nya.
walang paalam na kinuha ko iyon at pinatong sa hita ko. walang ibang makakakita na nasa hita ko ang kamay nya dahil nasa ilalim ito ng mesa at ang lahat ay tutok sa pag uusap patungkol sa negosyo. wala ring nag aabalang bigyan ako nang pansin pansin o tapunan manlang nang tingin.
pakiramdam ko ay ingat na ingat sila na huwag tumingin sa gawi namin.
naramdaman ko ang pag lingon sa'kin ni night. hindi ko sya pinansin dahil buryong buryo na ako.
marahan kong hinilot hilot ang kamay nya. habang ginagawa ko iyon ay napansin ko ang unti unting pag kalma nang kamay nya. hindi na gaya kanina na tila ba naninimbang pa sya.
his right hand is resting on my left legs as i massage it gently.
habang hinihilot iyon ay pinag mamasdan ko din iyon nang mabuti.
hinilot ko paitaas ang mahahaba nyang mga daliri. inisa isa ko iyon bago bumalik sa palm nya. napaka lambot ng kamay nya.
manghang mangha ako sa kakinisan at kalambotan ng kamay nya. mas makinis pa ata ito sa mukha ko.
ilang minuto pa ang lumipas at sobrang nalibang ako kakahilot sa kamay nya nang bigla kong narinig ang pag galaw nang mga upoan.
napa angat ako nang tingin ay nakitang nag sisitayuan na ang mga ka meeting ni night.
mukhang tapos na ang meeting.
lumapit ang mga ito sakanya para makipag kamay. agad kong binitawan ang kanang kamay nya ngunit yung kaliwa parin ang iniabot nya.
"thank you for your time Mr. Verlusconi" halos pareparehong sabi nila.
hindi sumagot si night o ni tumango manlang.
ang sungit mo naman porket alam mong pogi ka!.
agad din namang nag si alisan ang mga ito.
tumayo na ako nang tumayo na si night.
"let's go back to my office" aniya sabay hawak sa baywang ko.
sabay kami lumabas nang meeting room at sabay na nag lakad patungo sa opisina nya. sabay kaming pumasok.
YOU ARE READING
HIS ILLEGAL POSSESSION (Verlusconi Series 1)
RomanceLorenzo Night Verlusconi, the most hated yet dangerous man in the philipines, he is famous for being night. A killer who wears a white maskara with a blood on it. He only wan'ts justice for his mother's death but suddenly a 16 year old girl catch hi...