ELISA CIANA
"night" pag banggit ko sa pangalan nya. umangat sya ng tingin sakin at maliit na ngumiti.
naka pamulsa syang lumapit sa'min.
"uuwi kana? hatid na kita" aniya.
napa kagat ako sa ibabang labi ko. parang bigla nalang nawala ang bigat sa dibdib ko.
parang gusto ko nalang syang lukubin ng yakap...pero nakakahiya!.
"ah oo. ikaw ba?" kaswal na sagot ko.
hindi ko alam kung tama ba ang sagot ko. ang narinig ko lang naman kase e 'yung 'uuwi kana?'.
"hatid na kita" anito.
napamaang naman ako sakanya at umiling...kahit labag sa loob ko.
"ah hindi na, ok lang" ani ko at bahagyang natawa. siniko naman ako ni marie.
"ano kaba friend! chossy amp*ta!" asik nito at marahan akong tinulak palapit kay night.
"ikaw na mag hatid dito kuyang pogi ha? paki ingatan nalang 'yang kaibigan ko at hindi pa yan nadidiligan since birth" nanlalaki ang mga matang napa tingin ako kay marie. kinindatan naman nya ako.
akma na itong aalis ng mag salita si night. "how about you? sumabay kana sa'min" pag alok nito. agad namang luminga linga si marie na tila ba may hinahanap. kapag kuwan ay umiling ito.
"ayoko, di nyo naman kasama si ruiz e. ang boring" naka ngiwing anito at walang paalam na umalis.
napabuntong hininga nalang ako.
mukhang wala na nga talaga akong kawala.
TAHIMIK AKONG NAKA UPO sa passengers seat ng sasakyan ni night.
naka tingin lang ako sa labas ng bintana. kapag nagtatanong sya ay sumasagot naman ako pwede hindi talaga maiiwasan ang awkwardness.
nag tataka ako dahil mali ang daan na tinatahak namin. kanina ko pa napapansin na kahit sinasabi ko sakanya ang daan papunti samin ay hindi nya iyon sinusunod.
hindi nalang ako nag salita dahil kampante naman ako na wala syang gagawing masama sa'kin.
pumasok kami sa isang villa. may apat na guards sa gate. yumuko ang mga ito bago kami pag buksan ng gate.
pag pasok namin ay napa ayos agad ako ng upo nang makita ang magagandang bahay sa paligid... or should i say mansion. sobrang laki at ang gaganda pa. iba't iba ang mga design at kahit ganon ay puro magaganda. mga unique lahat ang disenyo ng mga bahay na ito.
bawat bahay ay may mga naka lagay na pangalan sa gate.
'Xavier Luhence Verlusconi'
'Lander Leigh Verlusconi'
'Thaddeus Cash Verlusconi'
'Theodore Cline Verlusconi'
'Akhiro Sachio Verlusconi'
'Latio yuken Verlusconi'
'Ruiz Dale Verlusconi'
'Peirce Verlusconi'
'Pietro Verlusconi'
'Patricia Victoria Verlusconi'
natigilan ako ng mabasa ang pangalang pambabae. agad akong tumingin sa bahay.
kagaya nang mga nauna ay maganda rin ito ngunit kulay itim ang theme n'on...plain black.
babae ang naka tira pero kulay itim ang kulay ng bahay? medyo weird.
agad kong na-realize na sya lang ang nag iisang babae na naka tira rito dahil puro lalaking pinsan ni night ang may ari ng mga bahay na nadadaanan namin.
bakit sya lang ang babae rito?.
"pwede ko bang buksan ang bintana?" marahang tanong ko kay night. gusto ko kasing malanghap ang malamig na hangin pang gabi.
tumingin ito sakin bago tumango.
may pinindot ito na kung ano sa sasakyan nya at kasabay n'on ang pag bukas ng bintana sa gilid ko.
napa pikit ako at nilanghap ang hangin.
ang lamig. presko. at nakaka relax sa pakiramdam ang hanging pang gabi.
"tang*na naman pietro! magka patid nga talaga kayo ni Pierce. pareho kayong may saltik sa ulo... ayoko nga! dun! dun ka. layas!" napa mulat ako ng mata nang maka rinig ng baritono at naiinis na boses.
napa tingin ako sa likod dahil hindi ko nakita kung sino iyon kanina dahil bukod sa naka pikit ako ay umaandar rin ang sasakyan ni night.
isang matangkad na lalaking kulay brown ang buhok ang naka pamewang at tila inis na naka tingin sa lalaking matangkad rin at tila walang pake alam sa inis na mukha nito.
hindi ko mamukaan ang dalawa dahil nalampasan na namin sila.
"it's Rozen and Pietro. one of my cousins" biglang sabi ni night.
napa tingin ako rito at napa tango tango.
ilang segundo pa ay tumigil na ang sasakyan.
lumabas si night para buksan ang gate.
'Lorenzo Night Verlusconi'
basa ko sa pangalan na naka lagay sa gate.
agad naman akong napa tingin sa bahay.
ang gara. halatang hindi lang basta mayaman ang naka tira.
nawala roon ang tingin ko nang bumalik ito sa loob ng sasakyan si night at pina andar iyon papasok.
pumasok kami sa may likod ng bahay at doon automatic na nag bukas ang kaninang dingding.
pinark nya ito sa sabi ng apat pang sasakyan na iba iba ang brand. malawak dito kaya masasabi kong parking lot nya ito.
bukod sa apat na kotse ay meron pa akong nakitang anim na big bike sa hindi kalayuan.
bumaba sya at pinag buksan ako ng pinto. lumabas ako at inilibot ng tingin ang paligid.
puti ang ilaw at marami ring CCTV sa bawat kanto ng parking lot. malawak at plain white ang kulay.
hinawakan nya ang kamay ko at marahan akong hinila palabas.
"wait me here" aniya ng nasa tapat na kami pinto ng mansyon nya.
muli syang pumunta sa may gate at sinara iyon.
ngayon ko lang napansin na wala yata talaga silang guards sa bahay nila. iyong apat na guard lang doon sa gate ng villa ang nakita ko.
nang bumalik si night at muli ako nitong hinila ng marahan papasok sa mansion nya.
"are you tired?" tanong nya. tumango ako.
nagulat ako ng bigla ako nitong hawakan sa magka bilang pisngi at masuyong hinalikan ang noo ko.
"gusto mo ba nag pahinga muna?. doon kana muna sa kwarto ko hmm? wait me there" anito at sinamahan ako papunta sa itaas.
kahit tigagal ay nagawa ko paring mag lakad pa akyat.
bumaba rin naman agad si night pagka tapos nya akong ihatid sa kwarto nya.
YOU ARE READING
HIS ILLEGAL POSSESSION (Verlusconi Series 1)
RomanceLorenzo Night Verlusconi, the most hated yet dangerous man in the philipines, he is famous for being night. A killer who wears a white maskara with a blood on it. He only wan'ts justice for his mother's death but suddenly a 16 year old girl catch hi...