KABANATA 33

180 9 0
                                    

Elisa Ciana

"ano ba naman itong anak ninyo, kay sungit sungit na. porket may b*lbol na eh" prangkang sabi nito.

nginitian ko lamang sya, sa totoo lang pinipigilan kong mainis sakanya dahil natatakot akong maging kamukha nya ang anak ko.

mas gugustohin ko pang maging kamukha sya ng tatay nya kesa kay aling jessa eh.

ewan ko ba't hindi pa ako masanay sanay sa bibig ng ale na ito.

pero magaan parin ang loob ko sakanya dahil kahit ganito ang tabas ng bibig nya eh talagang mabait naman sya at matulongin.

"pag pasensyahan mo na aling jessa, magiging nanay na eh" sagot ni mama.

halos lunukin na ng ale ang usok ng kanyang hinihithit na sigarilyo sa narinig. ang naka taas na paa nito sa upuan ay awtomakitong naibaba sa gulat.

"lintek?! aba'y ang aga mo naman atang nag landi nene" anito sabay ayos ng kanyang mga pang kulot sa buhok.

muli ay ngumiti lang ako.

kalma Elisa, Kalma.

huminga ako ng malalim na sana'y hindi ko nalang ginawa dahil nalanghap ko ang usok ng sigarilyo nya.

mukhang napansin naman nya ata iyon dahil pasimple nyang pinatay ang sindi ng kanyang sigarilyo na kakasindi pa lamang sa pamamagitan ng pag ipit ng sindi nito sa kanyang dalawang daliri.

Hindi ko alam kung paano ko makakayanan ang mga tagpong ito.

nagising na lamang ako na halos isang limang taon narin pala ang lumipas mula ng umuwi kami rito sa probinsya.

nakaya kong pakisamahan ang matandang si aling jessa.

pero ngayon, masasabi kong unti unti na akong nasasanay sa kanyang matalas na dila.

"Nux. come to nanay dali" malambing kong tawag sa anak kong nag lalaro sa sahig ng sala.

naka bukas ang electric fan at tv dahil nanonood si mama na naka higa sa mahabang sofa habang nag lalaro naman ang anak ko at ang kapatid ko sa lapag.

Pasasalamat ko nalang at parehong hindi sakit sa ulo ang dalawang ito.

tumingin sa akin ang berdeng pares ng mga mata ng anak ko. agad na nangislap ang mga mata nito pagka kita sa'kin.

bumungisngis sya bago tumayo at nanakbo papunta sa akin, dahilan para tumambol tambol ang matatambok at mapupula nyang pisngi.

sinalubong ko ito ng yakap at pinupog ng halik sa mukha. mabango parin naman kahit maghapon nang kakalaro.

"ang dungis dungis mo nanaman, ang asim pa " pabirong sabi ko na ikinasimangot nya. sandaling nawala ang ngiti sa mga labi ko ng makita nanaman ang mukha ng nag iisang taong kinamumuhian ko parin hanggang ngayon.

magka mukhang magka mukha talaga silang dalawa. para silang pinag biyak na bunga. ang pinag kaibahan lang ay little version itong si nux, wala manlang nakuha sa akin.

"mama naman e! ang tagal mo na ngang umuwi manglalait ka pa" naka busangot na sabi nito na ikina tawa ko.

kinurot ko ang isang matambok nyang pisngi na ikinainis nya pa lalo.

hay. pati ang ganitong ugali nya ay hindi ko alam kung kanino nag mana, pero sigurado akong hindi yon galing sakin.

"sorry na baby ko, nag overtime kasi si mama sa work" paliwanag ko dito. mas lalong nalukot ang cute nyang mukha.

napa kagat ako sa ibabang labi habang nag iisip ng pwedeng ipang suyo sa cute at maarteng batang ito.

"gusto mo labas tayo?" tanong ko, naka ngiti pero may pag aalinlangan.

umangat ang mukha nya na naka bungasot parin, kaya bumagsak ang balikat ko. ang hirap naman suyuin ng poging ito.

"totoo po ba yan?" anito na ganoon parin ang ekspresyon. naninigurado.

agad akong napa ngiti at agad na tumango.

"oo naman, saan mo ba gusto pumunta?" malambing kong tanong dito.

"sa mall po!!" sagot nya, biglang sumigla ang boses at buong pagka tao.

natawa naman ako at ginulo ang malambot nitong buhok.

"ma, pasyal ko po muna si nux" paalam ko kay mama.

"alas diyes na elisa, may bukas pa bang mall?" tanong nito.

"opo, alas onse po nag sasara iyong Elle's Mall"  sabi ko, ilang beses ko kasi iyong nadaanan kapag pauwi na ako galing trabaho. at minsan kahit malapit na mag alas dose ay bukas parin ang mall.

kakaiba daw kasi ang mall na iyon, bukod sa mga mura ang paninda ay talagang maaaliw daw ang mga bata sa loob dahil kalahating parte ng mall ay para sa mga bata, kids zone.

"Elle's Mall? bago?" kuryosong tanong ni mama.

oo nga pala, hindi pala alam ni mama na may bagong bukas na mall dalawang jeep ang sakay mula dito, hindi naman kasi sya pala labas. si papa ay nasa abroad at nag papadala buwan buwan pang bayad sa mga bills dito sa bahay at para narin sa pang gatos gatos namin dito o kung may gusto mang bilhin si mama o si jay.

ako naman ang naka toca sa pag kain. nag gogrocery ako good for one month kumbaga ambag ko nadin dito sa bahay.

hindi man ako naging ganap na psychologist o psychotherapist ay na eenjoy ko naman ang trabaho ko ngayon. at isa pa malaki ang sweldo kaya hindi ako masyadong namomroblema sa mga gastusin.

"opo, last week ko nga lang po napansin e" aniko. totoo iyon. napansin ko iyon noong napa aga ako ng uwi galing trabaho, alas singko ng hapon ay ang daming tao sa loob ng mall na iyon.

"oh sya, mag ingat kayo" ani mama at ibinalik ulit ang atensyon sa panonood ng tv.

" ikaw Louijay? sumama kana samin" aya ko sa kapatid kong elementary na. ibibili ko rin ito ng mga bagong laruan o gamit sa eskwela, pambawi narin sa pag babantay sa makulit nyang pamangkin.

na aawa narin ako sa kapatid ko dahil kahit na may pasok pa sya kinabukasan ay nag tyatyaga syang makipag laro kay nux hanggang alas onse ng gabi dahil hindi talaga maka tulog ang anak ko nang hindi ako katabi.

pag uwi nya naman galing eskwela sa hapon ay diretso na sya sa pag babantay kay nux, nililibang nya ito habang may ginagawa si mama sa kusina.

"di na po ate, aayusin ko pa po yung higaan ko" anito, mukhang antok na.

"mamaya na yan. sumama kana sa amin. dali na" pilit ko sakanya. napa kamot naman sya sa kanyang ulo.

isa isa nyang dinampot ang mga laruang kotse ni nux na naka kalat sa sahig para ibalik sa lalagyan. pagkatapos ay pinunasan nya ang kanyang salamin bago ito muling sinuot.

hindi naman sya madungis kaya hindi na kailangan pang mag palit ng damit.

nag paalam ulit ako kay mama, ganon din si jay.

lumabas kami ng bahay na karga kagra ng kapatid ko si nux papunta sa kotse.

binuksan ko ang passenger seat at agad namang pina upo doon ni jay si nux at inayos ang seatbelt. ako naman ay tumuloy na sa drivers seat, si jay ay umupo sa back seat.

in-start ko ang kotse bago tumingin sa rear view mirror. nakita kong humikab si jay habang naka tingin sa labas ng bintana. antok na talaga ang isang to.

pina andar ko na ang kotse para agad kaming maka rating sa mall. sasaglit lang kami dahil gabi na.

HIS ILLEGAL POSSESSION (Verlusconi Series 1)Where stories live. Discover now