ELISA CIANA
Kinakabahan ako.. pero nangunguna parin ang excitement.
kasalukuyan akong nasa gilid ng gate ng university namin. kakatapos lang ng class namin kaya dito na ako dumiretso.
tatlong araw narin simula nang pagkikita namin ni night.
pakiramdam ko ay para akong teenager na makikipag kita sa boyfriend nya. iyong tipong nag kakahiyaan pa.
agad akong umiling.
ano ba itong mga naiisip ko?!.
limang sigundo ang lumipas mula nang dumiretso ako rito.
nag text si night.
sabi nya ay on the way na raw sya.
at heto na nga. nasisinagan ko na ang isa sa mga kotse nya na nakita ko roon sa parking lot ng bahay nya.
ang gamit nya ngayon ay iyong kulay itim na sports car Ferrari.
ang angas ng dating. minsan narin akong nangarap ng ganyang kotse dati.
natigilan ako nang biglang may umakbay sa'kin.
"ang angas nung kotse noh? palitan ko na rin kaya iyong sedan ko" sabi ni seb habang naka tingin sa kotse ni night at naka hawak pa sa baba nya.
mag sasalita na sana ako ng tumigil mismo ang sasakyan sa harap namin.
bumukas ng windshield n'on. nakita ko roon si night na naka suot ng simpleng white t-shirt at brown sweat pants. seryoso ang mukha.
napansin kong pinag titinginan na ng mga tao ang kotse nya. yung iba ay nag bubulong bulongan pa. iyong iba naman ay kinukuhaan na nang litraro ang kotse nya.
"Hop in" maangas na sabi nya.
kusang bumukas ang pinto na naka harap sa gawi ko.
humarap ako kay seb at nginitian sya.
"una na ako" sabi ko.
inalis nya ang pagkaka akbay sa akin at tila hindi makapaniwalang tiningnan ako.
"s-sundo mo?" tila gulat na sabi nya.
nginitian ko nalang sya ulit at nahihiyang lumapit sa sasakyan ni night at pumasok roon. automatic naman na nag sara ang pinto.
hindi ko na sinilip pa si baste mula sa bintana. alam kong gulat parin sya at hindi makapaniwala.
agad na pina harurot ni night ang sasakyan. hindi ko alam kung saan kami pupunta. gusto kong mag tanong pero pakiramdam ko wala sya sa mood.
nanahimik nalang ako at hindi na umimik pa.
makalipas ang ilang minuto ay nag salita sya.
"who's that" hindi patanong na sabi nya. ang tono ng boses nya ay mas malamig pa sa buga ng aircon dito sa loob ng sasakyan nya.
"yon? si Sebastian. kaibigan ko" pinilit kong pasiglahin ang boses ko sa pag aakalang mag babago ang expresyon ng mukha nya ngunit hindi.
"stay away from him. i don't like seeing you with other guys" malamig na turan nya habang tutok sa daan ang walang emosyon nyang mga mata.
kahit nag tataka sa inaasta nya ay mas nangingibabaw ang takot na nararamdaman ko. bakit parang hindi sya ang night na kilala ko?.
may nagawa ba akong masama sakanya? halata kasing galit sya.
wala nang muling nag salita pa sa'min. napa tingin ako sa labas ng bintana ng huminto kami sa isang matayog na building.
LNV HOTEL
basa ko sa pangalan na naka lagay sa tuktok ng building. mga initial iyon ni night.
sobrang ganda ng hotel. lagi ko itong nakikita at nadadaanan 2 years ago. pero ngayon ko lang nalaman na sakanya pala ito.
natigil ako sa pag tigil sa hotel nya ng pag buksan nya ako ng pinto. pag labas ko ay walang pasabing nag lakad na ito papasok ng hotel. ni hindi manlang ako nito inantay.
nakita kong may itinapon syang kung anong bagay sa isa sa mga staff na lalaki sa hotel.
iyong susi nya siguro.
wala sana akong balak sumunod kase wala naman syang sinabi pero lumingon sya at tinaasan ako ng kilay.
"lets go" he mouthed.
napa lunok ako bago sumunod sakanya.
pag pasok ko palang sa hotel ay ang malamig at mabangong amoy na ang sumalubong sa akin.
ang bango.
naka sunod lang ako kay night. ilang metro lang naman ang layo namin.
inalis ko ang school ID ko nang makitang pinag titinginan ako ng mga taong nakakasalubong namin.
nag tungo kami sa isang lugar rito kung saan naka linya ang mga elevator.
agad na bumukas ang unang elevator. mukhang automatic. pumasok doon si night at sinenyasan akong pumasok rin.
agad akong umiling. nakita ko ang pag kunot ng noo nya.
ramdam ko kasi talaga na galit sya. kaya hanggat maaari ayaw kong madamay.
"sa ibang elevator nalang ako. anong floor ba?" casual na tanong ko.
sumeryoso ang mukha nito.
"pumasok ka na" malamig at matigas na turan nito.
napa lunok ako at sumunod nalang. pag pasok ko sa loob ng elevator ay agad nyang pinindot ang up button.
YOU ARE READING
HIS ILLEGAL POSSESSION (Verlusconi Series 1)
RomanceLorenzo Night Verlusconi, the most hated yet dangerous man in the philipines, he is famous for being night. A killer who wears a white maskara with a blood on it. He only wan'ts justice for his mother's death but suddenly a 16 year old girl catch hi...