ELISA CIANA
Napa upo ako sa dulo ng kama. kakatapos ko lang mag linis ng kwarto ni night. pampalipas oras lang habang inaantay ko silang matapos mag usap at magka intindihan.
inilibot ko ang tingin sa paligid, maayos na ang kwarto. malinis na ulit, napa hawak ako sa batok ko ng maka ramdam ng pagka ngalay.
pumikit ako habang dahan dahan na hinihilot ang batok ko ng maka rinig ng pag bukas ng pinto.
"mama!!" napa kunot noo ako.
karga karga ni night si nux na may malaking ngiti sa labi, para silang matagal ng magkasama. close na close na agad sila.
"bilis mag bago ng ihip ng hangin na, okay na kayo?" tanong ko. tumayo ako at sinalubong sila. akmang mag papakarga sakin si nux pero tinanggihan ko.
amoy pawis na kasi ako.
"we're okay now" naka ngiting sabi ni night.
"ow?" hindi makapaniwalang sabi ko.
"kung ganon, aalis na kami. okay na pala kayo eh" ani ko. pumunta ako sa sofa dito sa kwarto ni night at kinuha ang wallet ko.
"tara na nux" aya ko dito, inilahad ko ang dalawang kamay para buhatin ito pero sinimangutan lang ako nito at yumakap ng night.
wow. arte ah
"may deal kami, hindi kayo aalis dito. we're leaving together as a family. nux said that he will only accept me as his father if i marry you and we lived together. damn baby kahit hindi nya iyon hilingin gagawin at gagawin ko yon" lumapit ito sakin, at sa gulat ko ng bigla ako nitong binigyan ng mabilisang halik.
"so,,, hindi na kayo aalis. sa akin na kayo. kasi akin naman talaga kayo. hmm?, i love you both" muli ay humalik nanaman ito. nakita ko ang pag simangot ni nux pero wala naman itong ginawang iba kundi ang umirap sa hangin.
"pinag sasabi mo?" parang nangyari nato sakin eh. itong ganitong eksena, yung dito na daw ako titira tapos aalis naman sya.
"we'll go to your parents house, i will talk to them. i will ask for their forgiveness. kukunin ko din ang basbas nila para maging akin na kayo ng tuluyan" humalik nanaman ito.
napa irap ako at mahina syang tinulak sa dibdib gamit ang hintuturo ko. ang tigas ah.
"pwede bang tumigil kana? nang tyatyansing ka lang eh" pag susungit ko sakanya. natawa lang naman sya kaya napa irap ako.
LUMIPAS ang isang lingo. parang wala lang nangyari, mabilis na tinanggap uli nina mama at papa si night. hindi ko alam kung bakit ang bilis nila itong natanggap ulit.
at ito namang si nux, kung umasta ay para bang matagal nya nang nakakasama ang ama nya.
naka ngiti ako habang pinag mamasdan ko silang dalawa na nag lalaro sa sala.
simula nong pumunta si night sa bahay para kausapin ang mga magulang ko ay dito na kami sa mansyon nya tumira.
hindi ko alam kung bakit laging napapadali ni night ang mga bagay bagay at sitwasyon. parang isang kisap mata lang simula noong nagkahiwalay kami. at ngayon heto na. mag kakasama na agad kami.
"papa nakikiliti po ako! ackk!! mama! mama!!" tawag sakin ni nux habang tumatawa dahil kinikiliti ito ni night sa sofa.
naka ngiti akong lumapit sakanila habang hawak ang tray na may lamang cookies at pitsel ng juice at tatlong baso.
"tama na iyan. mag meryenda na muna kayo" agaw pansin ko sakanila.
agad naman silang natigil. naka ngiting nag lakad palapit sakin si night. pero bago pa sya maka lapit sakin ay tinulak sya palayo ni nux at agad itong pumulupot sa hita ko kaya kinarga ko ito.
napa ngiti ako ng makitang naka simangot si night ng makitang hinalikan ako ni nux sa pisngi pagkatapos ay nilabas nito ang dila na tila inaasar si night.
"ako lab ni mama!" pang aasar pa nito.
"ako ang unang minahal ni mama" ani naman ni night. lumapit ito sakin at mabilis akong hinalikan sa labi.
nag papapasag naman si nux sa nakita. "akin mama ku!!" atungal nito.
kinakawag nito ang mga braso na para bang gustong abutin si night na nasa kabilang gilid ko at naka yakap sakin habang naka baon ang mukha sa gilid ng leeg ko. pasimple nyang hinahalik halikan ang balat ko doon.
"alis jan!! ako lab mama ku!!" naiinis na sabi ni nux.
"tama na, mag meryenda na tayo. parehas ko kayong love okay?" awat ko sakanila. umupo ako sa sofa at pinaupo sa kandungan ko si nux. si night naman ay naupo rin sa gilid ko, wala itong pinalampas na space. talagang dikit na dikit ito sa akin na para bang sobrang sikip ng kinauupuan namin. e ang haba haba ng sofa!.
hinaplos ko ang noo ni nux nang makitang may namumuo syang pawis doon. kahit air conditioned ang sala ni night ay talagang pag papawisan ito dahil kanina pa sila kakalarong dalawa.
binigyan ni night si nux ng isang cookies at sinalinan ng juice ang dalawang baso.
ng makitang may cookies si nux sa gilid ng labi ay agad nya iyong pinunasan.
ganito sila sa lumipas na isang linggo. mag aasaran sila mag hapon pero mag lalambingan din naman kalaunan.
natural lang na bonding ng mag ama.
"eat my light" ani night bago ako sinubuan ng cookies. kumagat naman ako don.
napa igtad ako ng mag sumiksik nanaman ito sa leeg ko at amuy amuyin ako doon.
"ano ba. ang asim ko na" totoo naman iyon, halos isang oras din akong nag bake sa kusina. namamawis na rin ako. balak kong maligo pagkatapos mag meryenda.
"hindi kaya, you smell so good as usual" paos na sabi nya. mahiga pa nyang kinagat ang balat ko doon. naka kagat ako sa ibabang labi sa ginawa nya.
"night ano ba. nandito si nux" bulong na pigil ko rito.
"im just kissing your neck" malanding aniya.
"naririnig ku pu kayu!" ani nux.
natawa nalang kami pareho ng makitang naka busangot ito habang naka tingin kay night at puno pa ang bibig ng pagkain.
pinisil ni night ang pisngi nito na ikina inis naman ni nux.
at ayon, nag bangayan at nag asaran nanaman sila. ang madalas na mapikon sakanilang dalawa ay si nux pero kalaunan ay magiging sweet sila sa isa't isa.
YOU ARE READING
HIS ILLEGAL POSSESSION (Verlusconi Series 1)
RomanceLorenzo Night Verlusconi, the most hated yet dangerous man in the philipines, he is famous for being night. A killer who wears a white maskara with a blood on it. He only wan'ts justice for his mother's death but suddenly a 16 year old girl catch hi...