ELISA CIANA
"sayo pala itong mall" sabi ko nang maka pasok sa opisina nya, sinabi nya sa akin na sya ang nagpa tayo nitong mall.
"why?" tanong nya. naka upo sa tabi ko dito sa sofa sa loob ng office nya. sakanya lang itong buong floor. naka yuko sya habang naka tukod ang dalawang braso sa legs.
"ah wala naman, hindi ko naman kasi alam na sayo pala itong mall~"
"why did you leave me?" agarang tanong nya na ikinatigil ko "huh?" naguguluhan kong tanong.
umangat sya ng tingin sakin, walang mababakas na emosyon sa gwapo nyang mukha.
"bakit bigla ka nalang nawala? why elisa? may nagawa ba ako? bakit mo ako iniwan? akala ko. may uuwian pa ako dito, but you left, ni wala ka man lang pasabi" puno ng hinanakit na sabi nya.
kumuyom ang mga palad ko at umiwas sakanya ng tingin.
"eh ikaw? sabihin mo saakin kung ano ba talaga ang ginawa mo roon sa greece at inabot ka ng ilang buwan doon, at kung bakit bigla ka nalang hindi nag paramdam sa akin" unti unti nang namumuo ang mga luha ko. tama nga ako, akala ko lang pala talaga ay okay na ako. pero hindi parin pala.
"i came there to help my dad and my older brother to manage our business, they needed me there so i stay a little bit longer, i lost communication to you because another problem came into our family, my cousin calista. rozen's younger sister having a difficulty in her life. me, kuya dark, rozen and ruiz. kami lang ang nakaka alam na mayroong problema si calista, hanggang ngayon ay kami lang ang nakaka alam non. calista is a spoiled brat, pero kapag nalaman iyon ng mga tito at tita namin ay siguradong hindi uubra ang ganoong ugali nya. inalagaan namin si calista dahil sa amin lang ito nakikinig. she got depressed, she's still a minor that time and she attempt to kill the girlfriend of the man she likes because of jealousy, kung hindi ko pa nasasabi sayo ay kaya naming pumatay para lang sa taong mahal namin. and we need to keep an eye on calista because we don't want her to be in trouble, We don't want her to do something that she will regret in the future, ayaw ni rozen na mapahamak ang kapatid nya, so he brought his sister in greece para doon namin ito mabantayan" mahabang paliwanag nya.
sa lahat ng iyon ay nakinig lang ako at isa isang inintindi ang mga sinabi nya.
kilala ko si calista, sya iyong ka batch ko noon na galit na galit sa akin dahil kesyo bf nya daw si sebas-... si Sebastian ang tinutukoy nya?!, inaamin kong hindi kami magka edad ni calista. mas bata sya sa akin ng ilang taon pero magka batch kami dahil totoong matalino ito. hindi ito dumaan sa elementarya dahil sa angking talino nito.
"ganoon ka ba ka busy sa pinsan mo to the point na hindi ka manlang maka tawag o maka text sa akin?" tanong ko ulit. narinig ko ang pag buntong hininga nya.
"pabalik balik kami sa hospital noon dahil sinasaktan na ni calista ang sarili nya. she doesn't want to stay in greece, she's madly inlove with that man. she's hurting her self just to make us let her go back in the Philippines, hindi na alam ni rozen ang gagawin sa kapatid nya. hindi namin maiwan ang dalawa. office, bahay at ospital. yan ang paulit ulit kong pinupuntahan, hindi ako maka tawag kahit gustong gusto ko na. hindi ko alam ang sasabihin sayo. hindi alam kung paano ipapaalam sayo at natatakot rin ako na baka kapag narinig ko ang boses mo ay umuwi ako kagaad sa dito sa pilipinas at inawanan doon ang mga pinsan ko. ayaw naming matulad si calista sa ama nila. tito Gabriel became a criminal because of his love for his wife. at ayaw ni rozen na mangyari iyon sa kapatid nya. may mas malala pa sa ginawa ni tito grabriel at ayaw nyang mapabilang sa calista sa iba pa naming kadugo,, im sorry for being a coward" umusog sya sa akin at marahan akong niyakap. nasa gilid ko parin sya. ibinaon nya ang kanyang mukha sa gilid ng aking leeg.
tuluyan ng nag si tulo ang mga luha ko.
"eh yung...." i stop, pumiyok kasi ako.
na alarma naman sya dahil doon. agad syang tumingala sa akin na agad ko namang ikinaiwas ng tingin. pinunasan ko ang mga luha ko.
"hey baby, please don't cry, fuck it's killing me please stop crying" namamaos na aniya. hinawakan nya ako sa magkabilang pisngi para iharap sakanya. gusto nyang punasin ang mga luha ko pero yumuko lang ako kasi ayaw kong makita nya akong umiiyak.
"im sorry. im sorry. im sorry" paulit ulit na bulong nya, naka lapat ang kanyang malambot na labi sa aking noo.
"tinawagan ko si rozen noon, kinakamusta kita sakanya. gusto kong kausapin ka noon pero narinig ko ang boses ng isang babae na tinatawag kang pumasok ka daw sa kwarto nya. tapos agad ka namang sumagot ng 'coming baby', ngayon ipaliwanag mo sakin kung sino yon" luhaan ang aking mga mata na tumingala ako sakanya.
"it's calista, that was the times that she's getting too bossy to us. pero hinahayaan lang namin kasi ayaw namin na mas lalong tumigas ang ulo nya, she tried to escape us. buti nalang at pauwi non si kuya dark at nahuli sya. walang pasensya sakanya ang kapatid ko kaya wala syang nagawa kundi ang bumalik sa loob ng mansyon" paliwanag nya.
ang tanga ko! akala ko ay babae nya iyon. umalis kami ng manila dahil lang sa maling akala ko! ang tanga tanga mo elisa!.
"ngayon ako naman, why did you left me? and tell the Truth, ako ba ang.... ang ama ni nux?" kinagat ko ang pang ibabang labi dahil nanginginig ito.
dahan dahan akong tumango.
napa igtad ako ng syang nag mura at napahampas sa sofa.
"why baby? why did you hide him? please explain" nahihirapang tanong nya.
"a-akala ko kasi... babae mo iyong boses ng babae na narinig ko sa background ni rozen. akala ko... akala ko may iba ka nang babae sa greece kaya hindi ka na nag paramdam sa akin. noong araw na iyon, bago ako tumawag kay rozen ay buntis ako. gusto kong sabihin sayo pero hindi kita ma-contact, na alala kong sumunod sayo sa greece si rozen para sa business kaya sya ang tinawagan ko dahil may number sya sa selpon ko. hinahanap kita sakanya pero yun nga. narinig ko ang boses mo at ang boses ni calista na akala ko ay babae mo. hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. kung ano ang mararamdaman ko, noong araw din na iyon ay talagang aalis kami ng maynila para mag bakasyon lang sa probinsya pero sabi ko sa mga magulang ko na ayaw ko nang bumalik pa doon. nag pa dalos dalos ako dahil sa samot saring emosyon ko noon. dala pa na buntis ako... pasensya na" umiiyak na paliwanag ko.
muli kong narinig na napa mura sya, kasunod niyon ang sunod sunod na pag singhot nya.
---
MALAPIT NA MAG PAALAM SINA NIGHT AT ELISA, SO KAPIT LANG HANGGANG EPILOGUE☺️
YOU ARE READING
HIS ILLEGAL POSSESSION (Verlusconi Series 1)
RomanceLorenzo Night Verlusconi, the most hated yet dangerous man in the philipines, he is famous for being night. A killer who wears a white maskara with a blood on it. He only wan'ts justice for his mother's death but suddenly a 16 year old girl catch hi...