ELISA CIANA
naka alis na ang babae ngunit ganoon parin ang posisyon namin ni night.
walang may gustong gumalaw, kung hindi pa tumunog ang telepono nya ay talagang ganoon na kami mag hapon.
nasa kusina ako at kumakain, sya naman ay nasa labas lang ng bahay at doon kinausap ang tumawag sakanya.
hindi ko maiwasang matulala at mapa isip. paulit ulit na pumapasok sa utak ko ang mga katagang binitawan nya.
'the light in my bad night'
hindi ko alam kung ano ang ibig nyang sabihin doon ngunit ramdam kong may malalim na kahulugan iyon sakanya.
na balik ako sa reyalidad nang umupo sya sa tabi ko habang hawak parin ang kanyang telepono.
samo't saring emosyon ang nakikita ko sa mga mata nya. takot, galit, at animoy hindi alam kung ano ang gagawin.
nang mag tama ang aming mga mata ay tila umamo ang kanyang mga mata.
"bakit?" tanong ko rito.
nag iwas sya ng tingin at bumuntong hininga.
"aalis ako" anito, hindi ko alam kung paano ngunit nakita ko nalamang ang sarili kong naka tingin sa pwestong inalisan nya.
pumunta ako ng sala at nakitang wala sya roon. talaga bang iniwan nya akong mag isa rito?.
Third Person pov
"is it really true?" tanong ni night sa private investigator nya. tumango ang lalaki.
"yes sir"
napa hilot sa sentido si night, tiningnan nya ulit ang larawan ng isang babae na binigay sakanya ng kanyang PI.
"how?" hindi makapaniwalang tanong nya.
"Si Linda Marquess na kasambahay ng ama mo dati ang nasa likod ng lahat, galit ang babae sa mama mo dahil may lihim na pag tingin ito sa tatay mo. napag alaman ko rin na matagal na itong may problema sa pag iisip kaya siguro nya nagawa ang lahat ng iyon" paliwanag ng PI nya.
naguguluhan syang napa tingin rito. "how about mrs. Fernandez?" tanong nito, kinakabahan sa pwedeng isagot ng PI nya.
"Hindi po sya sangkot sa crimen" sagot nito.
umawang ng kaunti ang labi nya at hindi maka paniwalang ibinaba ang tingin sa hawak na litrato.
paano iyon nangyare? nakita nya mismo ang mukha ng babaeng iyon sa lugar na pinangyarihan.
"h-how is she not involved? I saw her with my own eyes" anang nya sa kanyang PI.
"nagka taong nandoon sya sa lugar dahil doon lumaki ang kanyang asawa, nandoon sila para doon muna tumira sa pamilya ng asawa pansalamtala. nang mga panahon ding iyon ay buntis ang ginang at nagka taon ring doon kayo naka tira ng mama mo. noong panahong buntis sayo ang mama mo ay kusa syang umalis sa mansyon ng ama mo dahil ayaw sakanya ng lola mo. ayaw ipagpilitan ng mama mo ang sarili nya sa mga verlusconi. nang lumipat kayo sa probinsya ay nalaman ni linda na pumupunta ang ama mo sa bahay ninyo para bisitahin ang mama mo. ang mga patagong pag kikita ng dalawa ay nalaman ni linda. nagalit ang babae at dahil doon ay nagawa nya ang mga bagay na iyon. ang babaeng sinasabi mong nakita mo na naka suot ng puting bestida na papalayo sa bahay nyo ay si mrs. Fernandez. masyadong malinis ang pag gawa ng plano ni linda. walang naka rinig o naka pansin sa inyo dahil saktong may pagtitipon at pagsasayang nagaganap sa parke na medyo malapit sa bahay ninyo. napa daan si mrs. Fernandez dahil nauuna ang bahay ninyo kesa sa bahay ng kanyang asawa"
halos hindi maka paniwala si night sa mga narinig.
"akala ko rin noon ay si mrs. Fernandez ang nasa likod ng lahat dahil isang beses na nagka sagutan sila ng mama mo. at halatang galit ito sa mama mo, ngunit mali ako. pasensya na po sir" pag hingi nito ng tawad.
YOU ARE READING
HIS ILLEGAL POSSESSION (Verlusconi Series 1)
RomantizmLorenzo Night Verlusconi, the most hated yet dangerous man in the philipines, he is famous for being night. A killer who wears a white maskara with a blood on it. He only wan'ts justice for his mother's death but suddenly a 16 year old girl catch hi...