Elisa Ciana
"wow mama! ang ganda po doon oh! ang daming toys!" maligalig na sabi ni nux at itinuro ang kaliwang parte ng mall dito sa 1st floor kung saan maraming bata ang nag lalaro. kids zone ito dito sa 1st floor at meron pa sa itaas.
"later tayo pupunta jan okay? may kailangan munang bilhin si mama" aniko.
napa nguso naman ang bata pero hindi naman na nag protesta pa. ang kaso ay hindi ito namamansin. mag isa itong nag lalakad kasabay namin. ayaw magpa hawak, kahit kay jay.
pumunta kami sa bookstore para bilhan si jay ng mga kailangan nya sa school.
"kunin mo lang kung anong gusto mo jay" aniko habang nag titingin ng mga librong pambata para kay nux. bukod kasi sa laruan ay mahilig din sa libro ang anak ko.
heto nga at nakiki tingin narin ng mga libro dito, binubuklat buklat nya pa at mag babasa ng kaunti. pag hindi nagustuhan ay hahanap ng bago.
si jay naman ay kumuha lang ng mga kailangan nya sa school, isang box ng black ballpen na nasa dose piraso ang laman at tatlong red ballpen, dalawang pad ng papel at iilang highlighters lang. kumuha rin sya ng tag dadalawang pentelpen na kulay black, red, at blue.
"yan lang ba kailangan mo?" tanong ko. agad naman syang tumango.
"hindi ka ba bibili ng libro?" mahilig din kasing mag basa ng libro ang isang to, nag mana sakin.... biro lang.
umiling ito.
"wala po akong gustong libro ngayon ate" anito, tinanguan ko na lamang sya.
kumuha sya ng basket ng makitang maraming hawak si nux na maninipis na story book sa maliit nitong kamay.
talaga naman ang isang to oh.
"kaya pa ba nak?" tanong ko dito. tinulungan na sya ni jay na ilagay ang mga iyon sa basket. akala ko ay tapos na sya pero heto at hindi ako pinansin at nag patuloy parin sa pag titingin ng iba pang story books.
medyo natagalan kami sa bookstore. buti nalang ay hanggang alas dose itong mall ngayon, mas marami daw kasi ang tao kaya mag eextend ng ilang oras ang mall. good timing.
dumiretso na kami sa kids zone na syang kanina pa inaantay ni nux na puntahan namin.
gusto nya agad na sumakay doon sa malaking kotse kotse. kaya pinag bigyan ko na. si jay ang driver habang sya ay nasa gilid nito. naka upo lang.
napansin kong parang nawala ang antok ng kapatid ko kaya hinayaan ko nalang muna silang mag laro doon at napag pasyahang bumili muna ng makakain nila. binigyan ko naman ng 500 si jay para may pera sila sa pag lalaro.
pumunta ako sa food court na malapit lang dito sa kids zone. pero hindi ko sila tanaw.
bumili ako ng tatlong graham shake at dalawang large burger at isang large French fries. medyo natagalan ako kasi marami ang bumibili.
pag balik ko sa kids zone ay nakita ko si jay na parang natataranta habang palingon lingon sa paligid.
nangunot ang noo ko ng mapansing hindi nito kasama si nux.
"jay!" tawag ko dito. agad itong tumingin sakin at nanakbo.
"ate" kinakabahang aniya.
"asan si nux?" agad na tanong ko. nag sisimula nang kumabog ng malakas ang dibdib ko.
"ate hindi ko mahanap si nux, bigla kasi akong naihi kanina. hinanap kita pero hindi kita mahanap, nag antay ako ng ilang minuto kasi sabi ko baka may binili ka lang. pero ihing ihi na po talaga ako, sinama ko po si nux sa cr. doon ko sya pinag antay sa gilid ng pinto ng cr ng boys. tapos pag labas ko po wala na sya doon. ate sorry po" aniya. hinihingal sa sobrang bilis mag salita, halatang sobrang kinakabahan sya.
"it's alright, hanapin nalang natin si nux, baka kung saan lang nag sususuot ang batang iyon" pag papakalma ko sakanya. may hika si jay kaya dapat na pakalmahin ko sya kasi na alam ko sa sarili ko na kinakabahan at natataranta narin ako.
diyos ko naman nux. bakit ba kasi hindi ka sumunod sa tito mo?!
pina hawak ko sakanya ang mga pina mili ko at nag lakad para hanapin si nux.
ilang minuto na kaming nag hahanap. halos maikot na namin ang first floor pero hindi talaga namin mahanap ang anak ko.
kaya nag patulong na kami sa mga securityguards na nandito.
itinawag nila sa mga taong nag babantay sa cctv na tingnan kung nasaan ang batang lalaki na naka suot ng plain white tee shirt, at cargo shorts na naka suot ng black nike slippers. medyo mataba at maputi at may hawak na isang manipis na story book.
sabi kasi ni jay ay dala dala raw nito ang isa sa mga pina mili naming story book noong iniwan nya ito sa gilid ng pinto ng cr.
nag lilibot parin kami kahit na tinutulungan na kami ng mga tao na naka toka sa cctv ng mall.
ilang sandali pa ay lumapit sa akin ang isang security guard na kasama namin sa pag hahanap kay nux.
"ma'am may nakita pong batang lalaki sa 3rd floor ng mall, katulad na katulad daw po ng batang sinasabi nyo. nasa store po ng mga laruang panlalaki po" anito.
agad akong nag pasalamat at sinabing kami nalang si jay ang pupunta sa 3rd floor. nilibot namin iyon hanggang sa mataw ko ang isang malusog na batang lalaki sa loob ng toystore. namimili ng mga laruan habang naka ipit ang isang manipis na story book sa kilikili nito.
agad kaming nanakbo papunta sa store na iyon.
"nux!" tawag ko dito, tumingin sa akin ang bata at tama nga ako. sya nga si nux. mukhang nagulat pa ang bata ng makitang pareho kaming hinihingal ni jay.
"mama? tito jay?" anito sa nag tatakang boses. lumapit ako dito at lumuhod para pantayan sya.
"ano ka ba naman anak! bakit ka ba umaalis ng hindi nag papaalam!" halos mangiyak ngiyak na sabi ko dito bago ito niyakap ng mahigpit.
"sorry po mama, may nakita po kasi akong batang lalaki sa labas ng cr kanina na may hawak na malaking car toy po. sinundan ko sya para itanong kung san nya yon nabili kasi gusto ko din po ng ganon mama. tapos dito nya daw po nabili" paliwanag nito, hindi malinaw ang pagkaka detalye dahil medyo bulol sya pero intinding intindi ko.
"diyos ko naman anak" nangungunsuming sabi ko.
"sorry po mama, sorry po tito jay" anito, tumayo ako at sinundan ko ito ng tingin ng mag lakad ito papunta sa likod ko kung nasaan si jay na ngayon. ay ayos na ang pag hinga. niyakap nya ito at nag sorry din.
napa ngiti ako ng yakapin din ito pabalik ni jay, para akong nabunutan ng tinik sa puso.
"where's the kid?" agad na nalaglag ang mga ngiti ko ng marinig ang pamilyar na boses na iyon.
"hindi ko po alam sir, nandito lang po iyon kanina e" boses ng babae na sa tingin ko ay isa sa mga sales lady dito.
"what do you mean? sinabi ko nang bantayan mo iyong bata" mariing sagot ng malagong na boses.
"daddy did he left already na po?" anang maliit na boses ng isang bata. pero kahit bata pa ay alam kong lalaki ito dahil medyo may katigasan ang boses nito.
papalapit ng papalapit ang boses nila dito sa pwesto namin.
na estatwa ako ng marinig muli ang malagong na boses ng lalaki kanina mula sa aking likuran.
"there he is, hey kiddo here's your car" anito.
YOU ARE READING
HIS ILLEGAL POSSESSION (Verlusconi Series 1)
RomantikLorenzo Night Verlusconi, the most hated yet dangerous man in the philipines, he is famous for being night. A killer who wears a white maskara with a blood on it. He only wan'ts justice for his mother's death but suddenly a 16 year old girl catch hi...