CHAPTER 21
ELISA CIANA
"hoy teh! ano tulala kana lang ba habang buhay?" nabalik ako sa reyalidad ng marinig ang boses ni yna.
napa tingin ako sa harapan kung saan wala na ang teacher namin. nang pag tingin ko naman sa labas ay nag kakalat na ang mga estudyante.
break time na pala.
bumuntong hininga ako at tumayo. inayos ko ang shoulder bag ko at isinukbit iyon sa balikat ko.
"so esnabera kana din ngayon?" si yna.
napa tingin ako sakanya.
"kanina ka pa ba dito?" takang tanong ko. kumunot ang noo nya at tila naguguluhang tumingin sa'kin.
"nag d-dr*gs ka ba?" inis na tanong nito. agad akong umiling.
"hindi ah"
"oh yon naman pala e.. ano ba ang nangyayari sayo ah? kanina ka pa sabog" nag pamewang ito.
napa buntong hininga ako at hinila nalang sya palabas ng room.
hindi nya rin naman maiintindihan kung bakit ako nag kakaganito.
hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na nag kita na ulit kami ni night.
papunta kami sa canteen nang marinig ko ang boses ni Sebastian.
"hoy mga tita!" tawag nito samin pag pasok namin sa canteen.
nasa isang table ito kasama ang mga ka blockmates nya.
agad itong lumapit sa'min. may subo subo pa itong lumpiang Shanghai.
ngumiti nang hindi nakikita ang ngipin. biglang lumitaw ang dimples nya sa magka bilang pisnge.
"mukha ba kaming tita ha?!" inis na sabi ni yna bago sipain sa binti si seb.
napa simangot naman ito at sinapo ang kaliwang binti nya. dahilan para makita namin ang lumpian Shanghai na nasa loob ng bibig nya.
"bat ba ang hilig mong mang sipa ah?! huwag na huwag ka nang manghihingi ng Graham kay mama tuwing pasko ah.. nakaka inis kana" naka simangot na sabi ni seb.
napa iling na lamang ako.
mukhang panahon lang talaga ang lumilipas. hindi ugali.
iniwan ko nalang sila at nauna nang bumili ng pagkain ko. hindi muna siguro ako mag ririce ngayon.. mag titipid na muna ako kahit ngayong buwan lang.. marami na rin kase talaga akong hindi pa nababayaran dito sa school.
kahit working student ako ay hindi parin sapat ang kinikita ko para makapag aral.
nang mag 18 ako ay nagka anak ulit sina mama at papa. gusto nila akong pag aralin sa nag iisang public school dito sa amin noong mag ka-collage na ako.. hindi raw kasi nila ako kayang pag aralin sa private.
naiintindihan ko naman sila. pero education lang naman kasi ang kurso doon. ang gusto ko ang BS psychology.. kaya sabi ko ay ako na ang bahala sa pag aaral ko. gusto ko rin naman kasing tumayo na sa sarili kong mga paa.
iyong ngalang ay kulang parin ang sinasahod ko. sa tuition fee palang ay kulang na iyon.. idagdag pa ang samot saring projects na binibigay sa amin linggo linggo.
nang mapansin nilang umalis ako ay agad naman silang sumunod sa'kin.
"anong gusto mo elisa? libre ko na oh" maangas na sabi ni seb.
mas mabilis pa sa lipad ng langaw na lumiwanag ang mukha ko sa sinabi nya.
humarap ako sakanya. natigilan sya sa pag kuha ng wallet nya mula sa bulsa ng suot na slacks nang makita ang reaksyon ko.
YOU ARE READING
HIS ILLEGAL POSSESSION (Verlusconi Series 1)
RomanceLorenzo Night Verlusconi, the most hated yet dangerous man in the philipines, he is famous for being night. A killer who wears a white maskara with a blood on it. He only wan'ts justice for his mother's death but suddenly a 16 year old girl catch hi...