ELISA CIANA
"ang tagal Lorenzo" inis na sabi nang isang matangkad na lalaki. Naka busangot ang mukha nito. Kunot na kunot ang noo.
Ito siguro iyong pinsan nya na Akhiro ang pangalan. Hindi masyadong halata ang pagiging half japanese nya, sa katunayan nga ay medyo magkahawig sila ni Ruiz.
"grabe talaga ang regla" rinig kong sabi ni Ruiz sa gilid. Katabi nya si Rozen at may dalawa pa silang kasama. Isa rin ata sa mga pinsan nila.
Namangha naman ako sa mga kagwapuhan nila. Iba't ibang uri ng kagwapuhan.
Napa tingin ulit ako kay akhiro na naka busangot parin.
Natatawang tinapik ni night ang braso ng lalaki ng makalapit sa pwesto nito.
"stop being grumpy dude, hindi bagay sa singkit mong mata" natatawang sabi ni night. Naiinis na inalis naman ng lalaki ang kamay ni night sa braso nya.
"btw, this is Elisa. My fiancé" pakilala niya sa akin at hinawakan ako sa bewang.
Nag aalangan akong ngumiti kay akhiro na naka kunot noong tumingin sa akin.
Mukhang tama nga si Ruiz, mukhang may regla nga ata ang kapatid nya.
"nice to meet you" simpleng sabi nito.
Lumapit saamin ang apat habang nag sasalita si Ruiz.
"naku Elisa pag pasensyahan mo na itong kapatid ko ah? Iniwan kasi yan ng babaeng mahal nya tatlong taon na ang nakaka lipas kaya paniguradong tigang yan" nang aasar na sabi ni Ruiz habang naka akbay kay Rozen. Napa iling naman ang isa sa mga kasama nila. Yung isa naman ay nangingiti.
"Fuck off Ruiz" masungit na sabi ni Akhiro.
Nang aasar naman ang mukha ni Ruiz. He even stuck his tongue out to his brother.
"ito nga pala si Tyrone at Lander, mga pinsan pa namin" pakilala ni Rozen sa dalawa pa nilang pinsan na katabi nila. Itinuro nya ang dalawa habang binabanggit ang pangalan ng mga ito.
Tinguan ako nung Tyrone na umiling iling kanina. Mukhang bata pa ang isang to, iyong nangingiti naman kanina ay si lander. Nginitian ako nito ng magaan at bahagya pang ikinaway sa akin ang kanan kamay.
Ka edaran siguro nila ang isang to. May pagka pilyo rin ang mukha ngunit parang mas okay ang sya kesa kina Ruiz at Rozen.
"what now Lorenzo?" tila naiinip na sabi ni akhiro na kumuha sa attensyon naming lahat.
"'ta mo? Sabi sayo tigang yan eh" rinig kong bulong ni Ruiz sa inaakbayang si Rozen.
"i can hear you Ruiz" tila nag babanta namang sabi ni akhiro ng hindi tinatapunan ng tingin ang kapatid.
"syempre may tenga ka eh" padaskol na sagot nito. Siniko sya ni Rozen sa tagiliran bago sabay na natawa.
Napa buntong hininga na lamang si Akhiro. Mukhang sobra sobra rin ang pagpapasensya nya sa kapatid mula noong bata pa sila.
Napa tingin ako kay night ng marahan ako nitong pinaharap sakanya.
Napa pikit ako ng bigyan nya ako ng magaan na halik sa noo.
"im going" anito.
Tumango naman ako at hinaplos ang dalawang kamay nya na naka hawak sa magkabilang pisngi ko.
Bumaba ang mga mata nya mula sa mata ko papunta sa mga labi ko.
"halikan mo na pare nahiya ka pa" sabi ni Lander . Natawa naman kaming lahat pwera kay Akhiro at Tyrone na mukhang mga seryoso talaga sa buhay.
YOU ARE READING
HIS ILLEGAL POSSESSION (Verlusconi Series 1)
RomansaLorenzo Night Verlusconi, the most hated yet dangerous man in the philipines, he is famous for being night. A killer who wears a white maskara with a blood on it. He only wan'ts justice for his mother's death but suddenly a 16 year old girl catch hi...