KABANATA 3

316 18 0
                                    

ELISA CIANA

kinabukasan. nagising ako sa tunog ng aking alarm clock. ang sama nang pakiramdam ko nang bumangon.

ang sakit ng ulo at mata ko. inabot kasi ako nang ala una kagabi bago maka tulog dahil sa pagka praning at takot.

hinanap ng aking kamay ang alarm clock ko. ngunit iba ang aking nahawakan. isa iyong manipis na bagay na may roong tinik.

agad akong napa mulat ng mata bago tingnan ang bagay na iyon. agad akong napa upo at nanlalaki ang matang naka tingin sa hawak ko.

isa iyong itim na rosas. isang rosas na kulay itim na nagpa tindig ng balahibo ko.

ano nanaman ba ito!

patapon ko itong ibinalik sa sidetable ko bago bumangon sa kama. pinipilit kong alisin ang mga negatibo sa aking isipan bago bumaba dala ang aking tuwalya.

"oh gising kana pala..pumasok na ang papa mo sa trabaho may almusal na dyan. kumain kana lang at mag zuzumba pa ako" sabi ni mama habang inaayos ang leggings na suot.

nag tungo ako ng kusina at kumuha ng pitsel sa ref at nag salin ng tubig sa baso.

tahimik akong umiinom nang marinig ang boses ng kaibigan ni mama.

"mare! naku nabalitaan mo na ba na mayroon daw pa feeding si mayor mamayang alas singko sa coverdcourt" ani nito.

"oo nabalitaan ko nga. akala ko nga bukas pa eh. sabi kasi ni nita petsa dise otso daw. aba'y fake new naman pala ang babaeng iyon" bigla akong natigilan sa sinabi ni mama.

may 18 bukas? ibig sabihin may 17 ngayon? at mamaya ay may pa feeding sa mayor sa oras na..... 5:00 pm?!!

sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang akong nanghina. rinig ko ang pagka basag ng isang bagay ngunit napa balik lang ako sa reyalidad ng marinig ang boses ni mama.

"jusko naman elisa! ke ganda gandang baso nyan eh!" anito. dun ko lang nalaman na nabitawan ko pala ang basong hawak ko.

agad akong kumuha ng walis at duspan ngunit inagaw iyon sa'kin ni mama.

"ako na. maligo kana at anong oras na. mag aalmusal ka pang bata ka" bagamat medyo malakas ang boses nito ay mukhang hindi naman ito galit.

"sige po" ani ko. pumasok nalang ako sa banyo at nag simulang maligo. nag babakasakaling madala ng tubig ang kung ano mang bumabagabag sa utak ko.

"HOY!" napa pitlag ako nang marinig ang boses ni yna. kunot noo ko itong nilingon sa gilid ko. "ano?!" asik ko dito.

"pupunta ka ba nang canteen o hindi? shuta ka kanina pa ako tanong nang tanong dito!" naka busangot kong kinuha ang wallet ko sa bulsa ng aking bag bago sya hinila palabas ng room.

kanina pa pala naka alis ang teacher namin. at buong oras ay tulala lang ako.

"friend punta tayo mamaya sa pa feeding ni mayor after class? sabi kasi ni papa e lahat daw pwedeng pumunta ron" sabi nito. nag tatrabaho kasi ang papa nya kila mayor bilang isang personal driver.

napa isip muna ako. pupunta rin naman si mama roon so pwede rin akong pumunta. "cge" maikli kong sagot.

tila nag tataka naman ito sa akin. hindi naman kasi talaga ako ganito. madaldal ako at maligalig na tao pero hindi ko magawang maging ganon ngayon. lalo na't hindi parin nawawala sa utak ko ang lahat ng pangyayari sa'kin kagabi at kaninang umaga.

Pag sapit ng hapon ay sobrang bilis ng tibok ng puso ko. hindi ko alam kung bakit pero sobra sobra ang kaba ko ngayon habang nag aantay ako ng jeep.

sabi ni yna ay pupunta raw kami sa coverdcourt pero sinundo ito ng kuya nya kanina kaya hindi kami magka sabay umuwi.

nanginginig, nanlalamig at namamasa rin ang mga palad ko sa hindi malamang dahilan.

Ang tagal naman dumaan ng mga jeep!!!

Ramdam ko ang pawis sa aking noo. tila ako nabuhayan ng makitang mayroong jeep na paparating sa gawi ko. agad ko itong pinara.

huminto ito sa aking harap ngunit bago pa ako maka hakbang papunta sa jeep ay may humigit na sa aking beywang at may kung anong malambot na bagay na tumakip sa aking ilong.

ang huling naramdaman ko nalang ay ang pag lutang ng katawan ko bago ako nawalan ng malay.

HIS ILLEGAL POSSESSION (Verlusconi Series 1)Where stories live. Discover now