ELISA CIANA
Isang buwan at dalawang linggo na ang nakakalipas. Ngunit wala talagang ni isang letrang text si night sa akin. Ni isang tawag ay wala.
Ano na kaya ang nangyayari sa kanya sa Greece?.
Bakit hindi sya nag paparamdam sa akin? Sa amin? Sobrang busy ba talaga nya na kahit text ay hindi nya magawa?.
Hinaplos ko ang aking tiyan. Medyo flat pa naman sya. Hindi rin halata na buntis ako.
Nag drop out na ako sa school dahil iyon ang sabi ni mama. Ayaw ko pa sana pero wala na akong nagawa. Nag desisyon din sila na titira muna kami sa lolo at lola ko sa probinsya.
Doon daw muna kami. Alam ni mama ang lahat ng nangyayari saamin ni night. Lalo na ngayon.
Kahit hindi sabihin ni mama ay alam kong galit sya kay night.
Napa tingin ako sa kaliwang kamay ko. Naroon ang makintab at magandang singsing na galing kay night.
Kulay ginto ang katawan ng singsing habang kulay pula naman ang makintab na bato. May maliliit din na gold pearls sa paligid ng bato.
Talagang napaka gandang tingnan. Ngunit nasaan na ba talaga ang lalaking nag bigyan nito sa akin?
"mag ayos kana ng gamit mo Elisa, babyahe na tayo bukas" ani mama. Sumilip ito sa pinto ng kwarto ko at nakitang naka upo lang ako sa dulo ng kama habang naka tulalang naka tingin sa hinahaplos kong tiyan.
"opo" sagot ko. Binigyan ko sya ng matamlay na tingin. Bumuntong hininga naman sya bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.
Napa tingin ako sa cellphone ko, balita ko ay sumunod sa Greece si Rozen last week.
May number nya rin ako.
Kinuha ko ang cellphone ko at in-on iyon. Hinanap ang pangalan ni Rozen sa contacts ko pagkatapos ay pinindot iyon.
Unang tawag ko ay hindi nya iyon sinagot. Sa pangalawa nya sinagot.
"hello Rozen?" mahinang bungad ko.
"oh! Zup Elisa, anong atin? " sagot nya. Bakas sa boses nya ang gulat.
Sabagay. Ngayon lang naman ako tumawag sakanya.
"uhmm, nasa Greece ka diba?"
"yeah"
"kasama mo ba si night?" nahihiyang tanong ko.
Ilang sigundo bago sya nag salita.
"u-uhm yeah" tila naman nabuhayan ang loob ko. Napa ngiti ako
"talaga?! Nasaan sya? Andyan ba sya? Pwede bang pakausap ako?" sunod sunod kong tanong.
"uhh... Y-yeah su-" hindi nya natapos ang sasabihin. Ang ngiti sa mga labi ko ay agad na naglaho nang may marinig na boses sa kabilang linya. Medyo malayo ang boses na iyon pero rinig na rinig ko parin.
"Night! Why are you taking so long? Come to my room now!!" tili ng isang babae sa kabilang linya.
Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ang boses ng lalaking ilang linggo ko ng inaantay na mag paramdam sa akin.
"coming baby!" sigaw din nito pabalik.
Natulala ako ng may pumasok na sinaryo sa isip ko.
"uhm. Elisa?" huling sabi ni Rozem bago ko agad pinatay ang tawag.
Nag init ang gilid ng mga mata ko.
malinaw na malinaw sa pandinig ko.
may babae.
YOU ARE READING
HIS ILLEGAL POSSESSION (Verlusconi Series 1)
RomanceLorenzo Night Verlusconi, the most hated yet dangerous man in the philipines, he is famous for being night. A killer who wears a white maskara with a blood on it. He only wan'ts justice for his mother's death but suddenly a 16 year old girl catch hi...