ELISA CIANA
Tahimik akong naka upo sa gilid ng kama ni night. nasa baba sya ngayon, hindi ko alam kung ano ang gagawin nya doon pero sabi nya ay antayin ko lang daw sya dito.
Habang hinihintay sya ay bumalik ulit sa isip ko ang mga bahay nang mga pinsan nya na nadaanan namin kanina. hindi ko parin maintindihan ang lahat. pati narin ang rason kung bakit nya ako dinala rito.
"hey" napa angat ako nang tingin nang marinig ang masuyong boses nya. kakapasok nya lang.
naiilang na nginitian ko sya.
napa kunot ang noo ko nang makitang may dala itong maliit na pabilog na tray, may laman iyong isang baso na timplado nang gatas at tinapay. hindi ordinaryong tinapay... ibig kong sabihin ay hindi made in Philippines ang tinapay na ito. sa tingin ko ay made in France, marami akong nakikitang ganyang tinapay sa France.
ipinatong nya iyon sa side table at hinila ang maliit na single sofa paharap sakin bago sya doon umupo.
nakagat ko ang aking ibabang labi, magka harap kaming dalawa ngayon pagka tapos nang anim na taon. sobrang lapit namin sa isa't isa.
huminga sya nang malalim. napa pitlag ako nang marahan nyang hinawakan ang magka bilang kamay ko at hinaplos iyon sa marahang paraan.
"how are you this past six years?" masuyong tanong nya. tumingin sya sa'kin kaya nasalubong nang mga mata ko ang kulay berde nyang mga mata.
may kung anong bumalot sa puso ko nang mag salubong ang aming mga mata.
"uhh...ayos naman" sagot ko bago sya binigyan nang magaan na ngiti.
sa totoo lang... hindi ako naging ok. hindi talaga, kahit anong sabi ko sa sarili ko noon na ok lang ako ay alam kong hindi iyon totoo.
may nakita akong kung anong emosyon na bumalatay sa kanyang magagandang uri na mata bago sya yumuko.
ramdam ko parin ang mararahan nyang pag haplos sa kamay ko.
"good to hear that" tila hirap pa nitong bigkas.
"ako kasi, pinang hawakan ko lang yung sagot mo sa'kin nung gabing iyon. kaya nag hintay talaga ako. hinintay ko ang tamang panahon...hinintay kita" pag amin nya. muli syang umangat ng tingin sakin kaya ngayon ay kitang kita ko na ang kanyang mukha at ang samutsaring emosyon na nandoon.
ang bawat salitang binitawan nya ay nagpa alala sa'kin nang nangyari nung gabing ibinalik nya ako sa mga magulang ko.
yung gabing unang beses ko syang nakitang umiyak.. kitang kita ko ang lungkot at pagka desperado nya noon.
***
"BUT please. tell me that you're mine. tell me that i own you. tell me that you're choosing me and I'll wait for the right time" tila desperado nyang sabi. ramdam ko ang bigat nang nararamdaman nya."for the right time?" parang bangag na tanong ko. hindi ako makapaniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig nya.
"yes. hihintayin ko ang tamang panahon para sa ating dalawa"
"so baby please. tell me. please tell me" pag susumamo nya. nagulat ako ng bigla nalang syang lumuhod sa harap ko.
"choose me" ulit nya. ang magandang uri ng kanyang mga mata ay puno nang kalungkotan. pag pupursigi at desperation.
napa lunok ako.
"night" tanging sabi ko. nahihirapan ako lalo na't nakikita ko syang naka luhod at naka tingala sa'kin habang puno nang kalungkotan ang mga mata nya. nakaka pang hina ng emosyong nakikita ko doon.
pinantayan ko sya at pilit na pinapatayo.
"i love you" natigilan ako sa pilit na pag angat sakanya patayo nang marinig ang tatlong salitang iyon.
hindi makapaniwalang tumitig ako nang diretso sa mga mata nya.
walang mababakas na kasinungalingan at mapaglarong expresyon sa mga mata nya.
seryosong seryoso rin itong naka tingin sakin.
sinapo nya ang magka bilang pisnge ko.
"i love you so much...it's just that im having a hard time to realize it before" sincere na amin nito.
"baby please. kahit isang salita lang na pwede kong pang hawakan" pagmamakaawa nya.
kahit nabigla ako sa biglang pag amin nya ay hindi ko rin maiikakaila na pareho kami nang nararamdaman. parang ngayon ko lang na realize ang totoong nararamdaman ko.
"sayo ako, pinipili kita. hindi ko alam kung kailan ang 'right time' pero sayo ako. sana lang ay kapag dumating iyon ay ayos na ang lahat"
***
Mariin akong napa kagat sa ibabang labi ko nang maalala ang mga salitang binitawan ko.
"when you said that you're mine? yun palang ay talagang desidido na akong mag antay sayo. alam ko ring komplikado ang sitwasyon natin noon pero nang sinabi mo iyon mismo sa harap ko.. talagang nabuhayan ako nang loob" anito.
"I admit that my life has been miserable for six years but I can't do anything but to endure all of that even if sometimes I lose hope that we may never see each other again"
"pero kinaya ko. kinaya ko kasi paulit ulit kong naririnig ang boses mo habang sinasabi yon" hinaplos nya ang pisnge ko.
i froze when he leaned closer to me and kiss my forehead.
"Now that we see each other again? I swear. I will never let you go again. No matter what happen, I will do everything to make you mine forever. handa akong maging mamamatay tao ulit maging akin ka lang nang tuluyan" seryosong sabi nito.
medyo kinilabutan ako sa mga sinabi nya. lalo na huli nyang sinabi.
hinaplos ko ang makinis nyang pisngi. napa ngiti ako nang makitang napa pikit sya.
"iyon ang wag na wag mong gagawin. ayoko nang pumapatay ka, masama iyon. huwag mo nang hayaan na madungisan ulit nang dugo ang mga kamay mo" payo ko sakanya. napa dilat sya at nabigla ako nang makitang walang kahit na anong emosyon ang makikita sa berde nyang mata.
"I can't promise you that. Especially now that I'll be with you again? Sorry in advance but expect me to be selfish and to be even worse than a monster when it comes to you" napa awang nang kaonti ang aking mga labi sa malamig na boses nito.
kahit air-conditioned ang kwarto ni night ay ramdam ko na pinag papawisan na ako.
bahagyang nanginig ang aking mga kamay kasabay no'n ang malakas na kabog nang dibdib ko. sa kauna-unahang pagkakataon ay naka ramdam ako ng takot sakanya.
YOU ARE READING
HIS ILLEGAL POSSESSION (Verlusconi Series 1)
RomanceLorenzo Night Verlusconi, the most hated yet dangerous man in the philipines, he is famous for being night. A killer who wears a white maskara with a blood on it. He only wan'ts justice for his mother's death but suddenly a 16 year old girl catch hi...