ELISA CIANA
"Elisa ano game ka?" tanong ni yna, agad akong umiling.
"may trabaho pa ako, late na nga ako e" sabi ko at nag mamadaling nag lakad palabas ng school. halos tumakbo na ako.
"babye!" sigaw na pa alam ko dito at tuloyan na ngang tumakbo.
halos anim na taon na rin ang nag daan. 2nd year college na ako. sa cursong Legal management.
Dalawang taon rin akong halos hindi na lumabas ng bahay. nung gabi umuwi ako sa amin at nag mokmok ako sa loob ng madilim kong kwarto ay doon ko lamang na realize na nahulog na pala ang loob ko sa lalaking iyon.
sa loob ng dalawang taon na iyon ay isang tao lang ang nasa isip ko... hangang ngayon parin pala.
kumusta na kaya sya?
simula ng ibalik nya ako sa amin ay natigil na ang mga patayan na nagaganap. kaya bumalik na sa dati ang lahat. naging kampante na ang lahat ng tao at bumalik na ang sigla sa bayan magningning.
walang ibang tao ang nakaka alam kung gaano ako nangungulila sa lalaking iyon, iyong pag aasikaso nya sa akin nang nasa bahay nya pa ako. miss na miss ko na iyon. sobra.
the way how he hugged me from behind and burying his face between my jaw and neck and barely inhaling my scent there. i miss it.
"oh elisa andito kana pala, bilisan mo na mag palit at dumarami na ang customers" tumango ako kay marie, isa sa mga katrabaho ko rito sa restaurant.
agad akong pumunta sa locker at kinuha roon ang uniform ko, mabilis akong nag bihis at nag mamadaling tumulong sa kanila.
lumapit ako sa bagong dating na customer sa table five para kuhanin ang order nila.
"may i take your order ma'am,sir?" tanong ko.
tumingala sa akin ang mag asawa at sinabi ang order nila. agad naman akong pumunta sa counter para sabihin ang order nito.
"Elisa, sa table seven" sabi ni Joshua at itinuro ng nguso ang table seven, mga bagong dating. hindi lang iyon. puro naka suit at puro kalalakihan.
"mga bigatin daw iyan sabi ni boss, ayusin mo" aniya, tinapik nya ang braso ko na para bang sinasabi na 'kaya mo yan', kapag talaga bigatin ang mga customers e kung hindi si marie ay ako ang pinahaharap.
Hindi narin naman bago sa akin ito.
lumapit ako sa pwesto nila na may ngiti sa mga labi. nag uusap usap sila gamit ang malalagong at baritono nilang mga boses, natigil lamang iyon nang mag salita ako.
"good evening mga sir, can i take your order?" then i smiled at them sweetly. unang tumingin sakin ang lalaking kulay brown ang buhok.
napa kunot ang noo ko dahil mukhang pamilyar ang mukha nito sa'kin, para bang nakita ko na ito. hindi ko lang matandaan kung saan at kailan.
ngumiti ito sa'kin, pati mga ngiti ng lalaking ito ay pamilyar. saan ko ba sya nakita?....nakita ko na ba talaga sya?.
bale anim silang mag kakasama, iyong dalawa ay may hawak sa menu, iyong isa naman ay naka yuko at iyong dalawa ay nag angat ng tingin sakin.
ang guguwapo naman!.
"hi uhm,, one italian pasta and for the drink uhmm" tumigil muna ang lalaking kulay brown ang buhok na kakulay ng tyokolate nitong mga mata. tumingin ito sa menu at binuklat buklat bago mag salita ulit.
"one mango juice and one water, that's all" anito bago ngumiti ulit, kanina habang nag sasalita sya ay may nakita akong kulay silver na kung ano sa dila nya, baka piercing?.
tumango ako at isinulat ang inorder nya, pag ka tapos ay tumingin ako sa iba. iyong dalawang lalaki kanina na nag titingin sa menu ay isang Burger at isang Italian pasta ang inorder, iyong isa naman ay rice and adobo at iyong dalawa pa na tumingin sakin kanina ay parehong Spanish pasta ang inorder.
binalik ko ulit ang tingin sakanila, or doon sa isa na naka yuko?..hindi ko pa kasi nakukuha ang order nya.
"uhm sir? naka pili na po ba kayo?" magalang na tanong ko. binalingan rin ito ng tingin ng lalaking kulay brown ang buhok at mata.
"bro she's asking you" anito at lumapit at may ibinulong.
nag tataka namang napa tingin sakanila ang apat nilang kasama.
tumikhim ito at nag salita.
"can i...order you?. take out sana" anito. i froze. even his voice was familiar i force my self to laugh. baka ka boses nya lang.
ngunit ang tawa ko ay agad na nawala nang mag angat ito ng tingin sakin. i feel like the world stop when i see his face again.
my mouth was a little bit open. i can't believe, sya ito diba? hindi ako nananaginip diba? hindi rin ako nag hahallucinate diba?.
"My light"
"Night"
halos sabay naming sabi.
nangilid ang luha sa mga mata ko. he's here, in front of me and calling me by the endearment he gave for me.
ang lalaking hindi na alis sa isip at puso ko sa nag daang anim na taon... ay nandito ngayon sa harap ko.
god i miss him! i miss him so much!
YOU ARE READING
HIS ILLEGAL POSSESSION (Verlusconi Series 1)
RomanceLorenzo Night Verlusconi, the most hated yet dangerous man in the philipines, he is famous for being night. A killer who wears a white maskara with a blood on it. He only wan'ts justice for his mother's death but suddenly a 16 year old girl catch hi...