KABANATA 17

260 14 2
                                    

ELISA CIANA

"hi mga papi" maharot na bati ni marie nang maka lapit kami sa table nila night.

"hey" ani nung lalaking may kulay pulang highlight sa buhok. ngumiti ito kay marie na ikinilig naman ng babae.

kulang nalang ay mapa irap ako sa kalandian ng babaeng ito.

"enjoy your meal mga sir" aniya. she even tuck her hair behind her ears and wink at the man who has a red highlight on his hair.

nang maka pasok sa kitchen ay doon na ito tumili.

"ack!! ang pogi nya be sh*t!! yung piercing nya sa gilid ng labi ang hot!" anito.

tuluyan na akong napa irap. ibinalik ko ang tray na ginamit namin sa lalagyan.

"h'wag ka ngang ano jan. halata namang babaero yon e" aniko.

napa simangot sya hinampas ako sa balikat.

"sama nang ugali mo!" asik nya.

napa iling na lamang ako at iniwan sya sa loob ng kitchen.

TAPOS NA ANG SHIFT KO pero ang bigat parin ng nararamdaman ko.

kanina kasi pagka tapos kumain nila night ay walang lingon itong umalis.

medyo naka ramdam tuloy ako ng inis!

"hoy be ano na? tara na!" aya ni marie. sabay kaming uuwi ngayon at maiiwan sina luna at Joshua dahil sila ang mag sasara ng restau.

tumango ako sakanya at lumabas ng staff room.

"luna una na kami" paalam ko sa katrabaho ko. tumango lang ito at kumaway sa amin.

Nang maka labas kami ni marie ng restau ay dumaldal nanaman ito. topic nanaman iyong isa sa mga kasama ni night kanina na may kulang pulang highlight sa buhok at may silver na piercing sa gilid ng labi.

napag alaman ko rin na ruiz pala ang pangalan nito. iyon daw kasi ang sabi nung ruiz sakanya.

"Ruiz Dale Verlusconi ang full name nya. mag pipinsan pala sila noh? grabe! last name palang nila halata nang bigatin at mga papi!" tumili nanaman ito na ikina inis ko.

ewan ko ba pero ngayon lang ako na inis sa matinis na boses ng babaeng ito.

"pwede ba'ng tumigil kana?" i said. trying my best not to get irritated again.

ano bang meron sa araw na 'to at sobra sobra ang inid na nararamdaman ko?

"ayoko nga" ngumiti pa ito ng matamis sa'kin.

napa buntong hininga na lamang ako at akmang mauuna na ng lakad sakanya ngunit agad nya akong hinila sa braso at tila ahas na yumakap doon.

"napaka sama talaga ng ugali mo! gusto ko pa nga mag kwento eh!" pagmamaktol nya saka ngumuso.

napa ngiwi ako sa hitsura nya.

"so iyon na nga! alam mo ba na sikat ang mga verlusconi dahil pamilya sila ng mga bilyonaryo? at sina ruiz ay ang second generation" napa tigil ako sa pag lalakad dahil sa narinig.

tumingin ako sakanya at ganon din sya. ngumiti sya ng maka hulugan nang makitang interesado ako sa mga kwento nya.

"so yon nga, matagal ko nang kilala ang pamilya verlusconi dahil talagang sikat sila sa Pilipinas, Russia, Italy, France, America, Turkey, Germany, Japan at kung saan saan pang bansa. pero hindi ko pa nakikilala ang mga binatang iyon. masyado kase silang tago pero sila lahat ah? ang iba kasing binata sa second generation ay talagang bulgaran ang pag lalantad ng mga sarili nila sa publiko. so eto ang kwento. may pitong anak na lalaki sina Miranda Garcia Verlusconi at Tristan Verlusconi jr. half spanish half filipino ang lola nyo. half Italian at ¼ pinoy at ¼ American naman ang lolo nyo. kaya talagang halo halo ang lahi. kaya ang gagwapo ng mga paping iyon e! parang gusto ko tuloy magpa lahi." tumigil muna sya sandali at tila may iniisip. kapag kuwan ay tumili sya. hindi ko nalang iyon pinansin kasi talagang interesado ako sa kwento nya.

HIS ILLEGAL POSSESSION (Verlusconi Series 1)Where stories live. Discover now