KABANATA 20

299 13 0
                                    

ELISA CIANA

"is it okay with you to sleep with me?. I know we just met again but i want to feel your presence again. i want to cuddle you and feel like im home. because your presence really feels like home. indeed" ani night.

kakatapos ko lang ubusin. iyong tinapay at gatas na dala ni night kanina.

napa tingin ako nang oras sa suot na relong pambisig.

12:26 am

umaga na.

napa buntong hininga ako. mukhang hindi na nga talaga ako makaka uwi ngayon. 11:00 pm ang out ko sa trabaho dahil pang gabi ako.

tumango ako sakanya. "sige" marahang sagot ko. magaan syang ngumiti sakin.

since nasa gilid narin naman ako nang kama nya ay ako na ang naunang umayos at nahiga. nasa kanang gilid ako nang kama.

pumunta narin sya sa kabila at nahiga narin. nag iwan sya nang espasyo sa pagitan namin. dahil narin siguro sa napansin nya na wala akong kagalaw galaw sa pwesto ko dahil sa pagka ilang.

nang ipikit ko ang mga mata ko ay hindi ko na alam kung paano ako naka tulog.

NAGISING AKO ng maramdamang may mabigat na bagay na naka patong sa kaliwang baywang ko.

umungot ako nang maramdamang may mabigat ring bagay na naka patong sa binti ko.

marahan kong minulat ang mga mata ko at unang bumungad sa'kin ang malaking kulay abong kurtina na mayroong nasisinag na liwanag mula sa labas n'on.

naka tagilid ako kaya kinailangan ko pang tumihaya para makita ang kabuohan sa paligid ko.

mataas na ceiling at makikintab na mga gamit ang bumungad sakin.

napa baba ang tingin ko sa may tiyan ko ng may gumalaw doon kasabay nang pag higpit ng tiyan ko. nakita ko ang braso ni night na mas humigpit pa ang yakap sa'kin.

bahagya rin syang kumilos at mas nag sumiksik pa sa leeg ko. ang binti nyanh naka dantay sa binti ko ay medyo umangat dahil sa pag kilos nya.

"night" paos na tawag ko sa pangalan nya. dala narin siguro na kakagising ko pa lang.

bahagya syang umugot ng bahagya kong hinaplos ang braso nya.

ang bigat nya.

"night" ulit ko dahil hindi naman sya nagising nung gumalaw sya. naka salampak parin ang mukha nya sa leeg ko.

tinapik tapik ko ang balikat nya para gisingin sya. sa pag kakataong ito ay nag tagumpay na ako.

"hey good morning" anito sa paos at halatang kakagising lang na boses. napa ngiti ako nang marahan nyang kinusot ang kanyang mga mata at alisin ang pag kakadantay ng binti nya sa tiyan ko.

para syang bata habang kinukusot nya ang mga mata nya.

"why are you smiling?" nag tatakang tanong nya. umiling naman ako at tinapik ang braso nyang ngayo'y naka yakap parin sa'kin.

inalis naman nya iyon. tatayo na sana ako ngunit marahan nya akong tinulak pabalik sa higaan. natigilan ako ng hinalikan nya ako sa noo bago tumayo.

"I'll just prepare breakfast" aniya, tumingin sya sa'kin at ngumiti. "take a bath first, and wear my clothes for a while" anito bago lumabas ng kwarto.

napa hinga nalang ako ng malalim at nilibot ng paningin ang kabuohan ng silid. hindi ko ito masyadong napag tuonan ng pansin kagabi.

maganda at malawak ang kwarto, puro rin mamahalin ang mga gamit.

HIS ILLEGAL POSSESSION (Verlusconi Series 1)Where stories live. Discover now