KABANATA 27

259 9 0
                                    

ELISA CIANA

Matapos ipaalam sa mga magulang ko na engaged na ako ay halos lumuwa ang mata ni mama. hindi ito makapaniwala. gusto nya akong pagalitan ngunit hindi nya magawa dahil boto naman daw sya kay night.

iyon nga lang. my mom will always be my mom. sabi nya kay night ay kapag naikasal na daw kami ay ilibre daw sila nito papuntang Singapore.

hindi manlang sya nahiya.

si papa naman ay pinag sabihan ako. bakit daw ako hindi nag sasabi na may boyfriend na ako. nag sabi lang daw ako kung kailan ay ikakasal na ako.

gusto kong sabihin sakanya na hindi ko naman naging boyfriend si night. hindi ito nanligaw o namanhikan. diretso 'fiancé' agad. ang galing diba? ang bilis kumilos.

wala namang negatibong sinabi ang mga magulang ko. lalo na si mama. ang gwapo gwapo daw kasi ni night. hindi na daw ako lugi. kulang na nga lang ay mag ning ning na ang mga mata nya kakatingin kay night.

mas lalo nang nagustohan ni mama si night nang malamang bilyonaryo ito at sikat na business man sa ibang bansa.

alam ko ang tumatakbo sa isip ni mama.

at hindi nga ako nagkamali.

"hay! ano ba naman yan jay jay! bukas ka nalang dumede at wala ka nang gatas! bukas pa ako makaka bili dahil wala pa akong pera!" napa pikit na lamang ako sa style nya.

narinig iyon ni papa at nakita kong akma itong kukuha nang pera sa bulsa nang pasimple syang kuritin ni mama sa tagiliran.

nasa sala kami. kakatapos lang naming kumain at ito ay nag titipon kami at nag kekwentuhan.

hindi naman nag mamakulit si jay jay. gusto lang nitong kumawala sa kandungan ni mama para lumapit sa amin kaya naiyak na sya.

tumikhim si night sa gilid ko.

inalis nya ang kanang braso nya na naka pulupot sa bewang ko. nakita kong kinuha nya ang wallet sa bulsa nya. pipigilan ko sana sya pero huli na.

"here tita. tanggapin nyo po" magalang na sabi nito. inilahad nya kay mama ang kanang kamay na may hawak na ilang libo. ang kapal non!

kunwari namang nagulat si mama.

"naku hijo huwag na! nakaka hiya naman" napa ngiwi ako sa kaplastikan ni mama. napa pikit at napa tungo na lang din si papa. walang gustong umawat sakanya dahil mangungurot lang sya nang singit!.

"i insist tita. your daughter will be my wife soon. we will become a family. and as a family we should help each other." sabi naman ni night.

halos mapa singhap ako sa kaplastikan ni mama nang lumapit ito kay night at niyakap ito.

"naku naman. napaka bait talaga nang mapapangasawa nang anak ko" malambing nitong sabi.

at dahil naka yakap sya kay night ay saakin naka baling ang mukha nya.

binigyan ko ito nang tingin na nag sasabing. (ma ano ba?!) ngunit pinandilatan lang ako nito bago kumalas sa yakap at kinuha ang libuhing pera sa kamay ni night.

hinaplos pa nito ang pisngi nang lalaki.

"bagay na bagay talaga kayo nang anak ko hijo. hindi na ako makapag hintay na mag pakasal kayo. basta ah. bigyan nyo ako kaagad nang apo! para naman may kalaro na itong si jay jay" pabirong sabi ni mama bago mahinang hinampas sa balikat si night.

ako naman ang nandilat kay mama. ngunit pinandilitan rin ako nito!.

napa tingin ako kay night nang mahina itong tumawa. tumingin sya sakin na may nakaka lokong ngiti.

"makaka asa po kayo tita" sagot nya kay mama habang nasa akin ang tingin. may nag lalaro itong pilyong ngisi sa labi.

napa iwas ako nang tingin ay napa lunok. nakaka inis talaga ang lalaking ito!.

tumawa si mama. "aasahan ko iyan ah! wag kang mahiyang anakan itong anak ko nang isang dosena. alam ko namang kaya kaya nyong palakihin nang masagana ang mga anak ninyo" hirit pa nya.

"yes. i will tita" sagot ni night.

nanlalaki ang mga matang napa tingin ako sakanya ngunit ngumisi lang ito sakin.

tumikhim si papa.

"anong anak anak? ang bata pa nang anak mo oy! huwag mo silang madaliin at kailangan pang makapag tapos nitong si elisa." pangaral ni papa. halos yakapin ko na ito dahil sa pag awat nya sa walang prenong bibig ni mama.

naka simangot namang lumapit si mama kay papa. at sa isang iglap ay nag palitan na sila nang salita. naiinis ang boses ni mama habang kalmado naman ang kay papa.

hindi naman na ito bago sa akin. madalas silang mag bangayan pero nag lalambingan din naman kaagad. si papa ang laging nanunuyo.

at tama nga ako. hindi pa lumilipas ang ilang minuto ay magkayakap na ang dalawa at nag haharutan na!.

naka ngiwing napapa iling na lamang ako. binuhat ko ang kapatid kong busy sa pag tingin kay night!.

kinandong ko ito patagilid sa akin at paharap kay night para mas lalo nya itong makita.

mahiyain ang kapatid kong ito pag may ibang tao dito sa bahay. pero napaka hambog sa mga kalarong batang laging amoy araw jan sa labas.

tinapik ko si night na may maliit na labing naka tingin sa mga magulang ko.

nilingon nya ako kaya tinuro ko si jay jay.

"kanina ka pa tinitingnan. pansinin mo para mawala ang hiya" sabi ko.

agad nya namang ginawa ang sinabi ko.

"hey buddy. how old are you?" magaang tanong nya.

"f-five po" nahihiyang sagot nang kapatid ko.

napa ismid nalang ako. five years old na pero nag dedede parin! masyado kasing bineybi ni mama kaya ganito. sabagay unico hijo.

"hmm five. anong gusto mo pag laki mo?"

"sumakay po sa eyrpleyn" anito. mahinang natawa si night sa pag pronounce nito nang airplane.

nag sumiksik tuloy sa akin ang kapatid ko. ngali ngali akong hampasin nya sa braso.

imbes na alisin ang hiya sakanya ay mukhang mas lalo pa atang nahiya ang kapatid ko. akala nya kasi ay tinatawanan sya ni night... which is totoo naman.

napansin naman iyon ni night kaya kinuha nya ito sa akin at inupo sa kandungan nya. naka tungo lang naman ang kapatid ko.

"your pronunciation is cute huh" palubag loob na sabi nito. kaya umangat nang tingin ang kapatid ko. ngumiti sakanya si night kaya napa ngiti din sya.

at ganoon lang kadali ang pang yayari. close na agad sila.

HIS ILLEGAL POSSESSION (Verlusconi Series 1)Where stories live. Discover now