KABANATA 39

184 10 0
                                    

Elisa Ciana

nagising ako sa dalawang boses na tila nag aaway, mahina silang nag uusap pero yung maliit na boses ng isang batang lalaki ay tila nawawalan ng pasensya.

"bakit nga kami nanditu? ano ginawa mo kay mama?! gusto ko nang umuwi sa bahay ni lola!! ibalik mo kami ni mama sa bahay ni lola!" nag tatrantum na sabi ng batang lalaki.

naka pikit parin ako pero gising na ang diwa ko, pinapakinggan ko lamang sila.

"shh buddy, lower your voice. iuuwi ko kayo sa bahay ng lola mo okay? but let's talk first, come on follow me" malumanay na sabi ng malagom na boses. si night.

"ayoko nga!! hindi porket bigay mo ko laruan ay pwede mo na ako kausapin! ibalik mo kami ni mama sa bahay ni lola kung hindi isusumbong kita!" pananakot nito kay night.

"hey buddy listen-"

"ayaw ku!" pag mamatigas ni night.

iminulat ko ang mga mata ko at bumangon.

"anong nangyayari sainyo?" tanong ko.

agad silang napa tingin sa akin na naka upo na sa kama.

agad na lumapit sa akin si nux at tumabi sa akin. kapit na kapit ito sa kumot na naka balot sa pang ibabang bahagi ng katawan ko.

"mama! ni kidnap tayu nung lalaking nag bigay sakin ng toys!" pag susumbong nya. naka kunot ang makinig na noo.

ang alam nya lang kasi kagabi ay ihahatid kami ni night sa bahay ng lola nya, naka tulog sya sa byahe kaya  hindi nya alam na dito kami sa mansyon ni night uuwi.

tumingin ako kay night na naka yuko. hindi alam ang gagawin.

bumuntong hininga naman ako. alam ko namang gusto nya lang makausap si nux at masabi dito na sya ang ama ni nux.

"anak hindi nya tayo kinidnap" sabi ko sakanya, hinawi ko ang buhok nyang tumatakip sa kanyang magagandang uri ng mata.

"ha? hindi sya kidnaper?" tanong nya. tumango naman ako.

"hindi, pero dati oo" pag sasabi ko ng totoo. agad na tumalim ang mga mata ng anak ko at binalingan ng tingin si night na naka tingin din sakanya. nakita kong napa lunok ito.

"bad ka talaga! bad ka! dapat hindi ko nikuha sayu yung toys! ibabalik ko na yun sayu!" napa awang ang mga labi ko ng sugurin ito ni nux at pinag susuntok sa binti.

"nux!" bumangon na ako sa higaan at kinarga ito.

kuyom na kuyom ang kamao nito habang naka tingin ng matalim kay night.

"nux tama na" awat ko kay nux. tumingin sakin ang bata at maya maya ay yumakap sya sa akin ng mahigpit at ibinaon ang mukha sa leeg ko.

napa buntong hininga ako bago haplusin ang likod ni night. nagito sya palagi kapag nakaka gawa sya ng mali. mag lalambing na kulang nalang ay bumalik sa sinapupunan ko sa sobrang dikit nya sakin at ayaw nang bumitaw.

tiningnan ko si night na naka titig lang kay nux na mahigpit ang yakap sa akin.

"night" tawag pansin ko sakanya. lumipat ang tingin nya sa akin bago napa yuko.

"breakfast is ready, let's go downstairs" anito.

pinag buksan nya kami ng pintuan at kami ang pina una bumaba.

pag dating sa kusina ay tahimik parin si night, nasa harap ko sya at tahimik na kumakain. si nux naman ay bagaman tahimik ay masaganang kumakain sa gilid ko.

"mama. hotdog pa pu" nahihiyang bulong nya.

agad ko naman syang kinuhaan ng hotdog.

napa tingin ako kay night ng bigla itong tumayo, tapos na syang mag almusal.

inilagay nya sa lababo ang pinggan na pinag kainan nya, akala ko ay aalis na sya ng kusina pero naupo sya ulit sa harapan ko.

"eat more" aniya matapos akong lagyan muli ng fried rice sa plato. nakita kong napa tingin sakanya si nux.

matapos mag almusal ay ako na ang nag desisyon na hindi muna umuwi, hindi pa kasi ang nangyayari yung bagay kung bakit kami nandito ni nux.

"nux anak?" kuha ko sa atensyon ng anak ko na tahimik na pumapapak ng chips sa dulo ng mahabang sofa habang nanonood ng cartoons sa malaking tv ni night dito sa sala.

hindi na ito nag aayang umuwi.

"hmm?" sagot nya dahil puno ng pagkain ang bibig.

tiningnan ko si night na nasa pang isahang sofa, tahimik lang ito na naka tingin sa tv pero alam ko namang wala roon ang atensyon nya.

"gusto mo bang malaman kung sino ang papa mo?" malumanay na tanong ko sakanya. agad na bumaling sa akin ang tingin ni nux.

tiningnan nya ako ng matiim ng ilang segundo bago umiling. nakikita ko si night sa peripheral vision ko, naka tingin sya sa amin.

"bakit naman anak?" tanong ko ulit.

"kasi mama iniwan nya tayu, masama sya kasi hindi ka nya inalagaan nung fetus palang aku, tsaka mama kuntintu na pu aku sainyu nila lola" simpleng sabi nito, hindi alintana kung nabubulol.

tiningnan ko si night na naka tingin din pala sa akin. nakikita ko ang sakit sa mga mata nya. umiwas sya ng tingin.

"anak, hindi naman nya tayo iniwan eh, ang totoo nyan. si mama yung umalis" sabi ko.

nakita kong napa simangot sya, umayos sya ng upo sa sofa at nagulat ako ng humarap ito kay night.

"baket ka ba kasi wala sa tabi namin ni mama?" tanong nito kay night.

napa awang ang mga labi ko.

"uh-uhmm" hindi makasalita si night. tigagal din sya katulad ko.

"alam ku ikaw papa ku, kala mu ba diko nakitang ninakawan mu ng halik mama ku kagabe?!" asik nito. nag liliyab ang berdeng mata sa galit.

ganyan na ganyan si night kapag sumasabog sa galit.

napa kunot ang noo ko, hindi ko na pinansin ang sinabi ni nux na alam nyang si night ang ama nya.

matalino ang anak ko, at halata namang kamukhang kamukha nya talaga si night.

"hinalikan mo ako kagabi?" tanong ko kay night habang naka kunot noo. ilang beses syang napa kurap kurap sa akin na tila ba nag hahanap ng pwedeng maisagot.

"ano.. uhmm, i just miss you so much that's why i kissed you. di ko lang napigilan ang sarili ko. alam ko naman kasing hindi ka mag papahalik kapag gising ka eh" napa ismid ako sa sagot nya.

hindi parin sya nag babago.

hindi ko alam kung kikiligin ba ako, maiinis, magagalit. o kung ano.

"mag usap muna kayong dalawa, kapag nakapag usap na kayo at okay na kayo. uuwi na kami" tumayo ako at iniwan silang mag ama sa sala.

nag tungo ako sa kwarto ni night. napa sandal ako sa likod ng pinto ng kwarto at napa hawak sa aking labi.

totoo ba iyon?

hinalikan nya ba talaga ako?


HIS ILLEGAL POSSESSION (Verlusconi Series 1)Where stories live. Discover now