ELISA CIANA
ala una na ng madaling araw, pag baba namin sa 1st floor ay wala nang tao pero nauulingan ko parin ang boses ng dalawang batang lalaki.
nag lalaro parin ang mga ito sa kids zone habang naka bantay sakanila ang dalawang guwardya ni night.
nagka paliwanagan na kami ni night kanina, okay na ang lahat, wala nang misunderstanding pero hindi ibig sabihin non na babalik kami agad sa dati, ayoko pa.
inilibot ko ang paningin sa paligid. wala si jay.
"nag pa hatid na si jay kay kian dahil antok na daw" sabi ni night, itinuro nito ang lalaking naka polong puti na kasama ng guard na syang nag lock ng glass door sa toys store kanina.
kanang kamay pala ito ni night.
lumapit kami sakanila.
"Drake's still here?" naguguluhang tanong ni night sa dalawang tauhan ng makitang masayang nag lalaro ang mag pinsan. silang dalawa nalang ang nag lalaro dahil sarado na ang mall.
"yes sir, hindi raw po makaka punta si sir dark dahil busy daw po sya. kayo nalang daw po ang mag hatid kay drake sa mansyon" nakita kong napa irap si night sa sinabi ni kian.
"busy my ass, he's just making love with his wife all day, all night." bulong bulong nito na narinig ko naman.
"drake come here buddy" agad na natigil ang dalawang bata sa pag lalaro at sabay na lumapit sa amin. saakin lumapit si nux habang si drake ay kay night.
pinunasan ko ang pawis ni nux.
"hindi ka pa ba pagod o inaantok anak? madaling araw na" agad na umiling ito pero halata namang inaantok na ang mga mata.
"sumama muna kayo sa amin" sabi ni night, tiningnan ko sya bago tumango. napag usapan na namin ito kanina. gusto nya daw kasing maka usap si nux na kami kami lang.
lumabas kami ng mall at sumakay sa kotse ni night, nasa front passenger seat ako habang ang dalawa ay nasa back seat, wala silang imik. hindi nag kakawkawan. halatang mga pagod na.
tinanggihan kong sumabay sakanila dahil may dala naman akong sasakyan pero hindi pumayag si night.
"tulog na yung dalawang bata" sabi ko ng mapatingin ulit sa likod at nakitang parehong bagsak na ang dalawa.
tiningnan sila ni night mula sa rear view mirror.
"malapit na tayo" aniya.
gusto kong lumipat sa likod dahil halatang hindi sila komportable sa posisyon nila. pareho kasi silang naka yuko. masakit iyon sa likod at batok.
maya maya pa ay pumasok na kami sa familiar na village. ang verlusconi village.
ganoon parin naman ang hitsura nito pero iba na ang pintura ng ibang bahay.
"we're here, wait me here ipapasok ko lang si drake" sabi nya bago bumaba ng sasakyan, nasa tapat kami ng mansyon na may pangalang 'Dark Lorenz Verlusconi' sa malaking gate.
kinuha ni night si drake sa likod at marahang kinarga. bumaba rin ako ng sasakyan para ayusin ang posisyon ni nux.
pinasok nya na sa loob ng mansyon si drake.
naupo ako sa back seat at tinanggal ang seat belt ni nux. pina higa ko sya sa hita ko para mas maging komportable sya.
maya maya pa ay natanaw ko na si night na palabas. may kasunod itong gwapo at matangkad na lalaki, maputi ngunit katulad nya ay nakaka takot ang awra. naka itim na roba lamang ito habang humihithit ng sigarilyo. kulay berde rin ang mga mata, sya siguro si dark. ang kapatid ni night, halata naman dahil medyo magka hawig sila. kaya pala kamukha rin ni night ang pamangkin nya.
nag usap sila sandali, tumango si dark bago pumasok sa loob ng gate at isinara iyon. si night naman ay pumasok na rin sa loob ng kotse.
agad nyang pina andar iyon at maya maya pa ay nasa tapat na kami ng mansyon nya, sinilip ko ito mula sa bintana.
wala paring pinag bago.
inayos ko na si nux at akmang kakargahin ng buksan ni night ang pinto sa may paahan ni nux at sya na ang kumarga sa bata.
sumunod nalang ako sakanila papunta sa loob ng bahay.
ganoon parin ang ayos ng mga gamit.
dumiretso kami sa itaas. kung saan ang kwarto namin ni night noon.
marahan nyang inilapag si nux sa gitna ng malaking kama.
"is it hard?" biglang tanong nya, naka upo sya sa gilid ni nux habang hinahaplos ang malambot na buhok nito.
tutok na tutok sya sa mukha ng anak namin.
"huh?"
"is it hard to raise him alone?" pag lilinaw nya.
maliit akong napa ngiti bago umupo sa kabilang side ni nux.
"nung una oo, nung baby palang sya. hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera pambili ng gatas at diapers nya dahil wala naman akong trabaho non, hindi ko alam ang gagawin ko kapag nilalagnat sya kasi nakaka taranta kapag umiiyak sya, pero hindi naman sya sakit sa ulo nung lumaki" naaliw na kwento ko.
hinagkan ko si nux sa noo bago tumingin kay night na naka tingin na pala sa akin.
"bakit?" tanong ko. titig na titig kasi sya sa akin.
"marry me" bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.
"ano bang pinag sasasabi mo jan?" i laugh awkwardly.
"nung bumalik ako dito sa pilipinas. hinanap kita, walang araw na hindi kita hinanap, umabot ng taon ang pag hahanap ko sayo, i became aggressive to the point that even my family can't come near me, sinubukan akong ipa rehab ni dad dahil literal na mababaliw na ako noon kakahanap sayo at kakaisip kung bakit mo ako biglang iniwan, pero hindi sya nag tagumpay of course. kinalaban sya ni kuya dark dahil wala ako sa matinong pag iisip non. It's funny to think that dad wants me to go rehab even though he knows you're the only solution for me to go back to my usual self" tumawa sya ng pagak.
"My life became miserable Elisa. I promised myself before that once I saw you I would tie you to me. And now that we already see each other again i will tied into me. dahil patuloy lang akong mapapraning sa mga isiping baka iwan mo ulit ako kapag hindi ka pa natali sa akin. kaya sa ayaw at sa gusto mo, hindi kana makaka takas pa sakin. akin kana elisa, hindi ka pa ipinapanganak ay akin ka na" biglang tumibok ng mabilis ang puso ko sa mga salitang binitawan nya. idagdag mo pa ang seryosong seryoso nyang expresyon sa mukha habang matiim na naka titig sa akin.
eto nanaman yung nakaka takot nyang mga salita.
YOU ARE READING
HIS ILLEGAL POSSESSION (Verlusconi Series 1)
RomanceLorenzo Night Verlusconi, the most hated yet dangerous man in the philipines, he is famous for being night. A killer who wears a white maskara with a blood on it. He only wan'ts justice for his mother's death but suddenly a 16 year old girl catch hi...