KABANATA 26

275 9 0
                                    

ELISA CIANA

Tahimik akong naka upo sa kandungan ni night habang panay ang halik nya sa batok ko.

naka upo sya sa swivel chair nya habang ako naman ay naka upo sa kandungan nya patalikod sakanya.

naka bukas ang laptop nya pero ilang minuto nya lang iyong tinapunan nang atensyon.

puro na kasi sya halik sa batok ko o di kaya ay sa leeg ko.

pagkatapos nang nangyari kanina ay kulang nalang ay itali nya ako sa katawan nya.

ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata nang muling bumalik sa isipan ko ang ginawa nyang pag hilot sa akin.... sa ano ko pala.

iyong polo nya na ang suot ko ngayon at underware at bra lang ang panloob.

kahit naka upo ako sa kandungan nya ay ramdam ko parin ang panginginig nang mga binti ko.

dapat akong mahiya sakanya pagkatapos nang nangyari. pero bakit ni katiting na hiya ay hindi manlang ako tinablan?!

"night. kailangan mong mag trabaho" sabi ko nang maramdaman ang pag haplos nya sa hita ko.

"later" maikling sabi nya.

patuloy lang sya sa pag haplos sa hita ko. ito nanaman tuloy yung kakaibang pakiramdam na bumabalot sa katawan ko.

nakakakiliti at nakakakalma ang paraan nang pag haplos nya sa'kin.

"be my wife" aniya.

nanlaki ang mga mata ko. ilang sigundo ko munang prinoseso ang biglaang pag sabi nya n'on.

tumigil sya sa pag haplos sa hita ko at pag halik sa batok ko.

pina tayo nya ako bago ulit pina upo sa kandungan nya. pero ngayon ay paharap na sakanya.

he cupped my face with his two hands.

pinag dikit nya rin ang mga noo namin.

"please be my wife... now. now elisa" seryoso nyang sabi.

"n-night"

hindi kaya naguguluhan lang sya? baka naman nadala lang sya nang ginawa nya sa'kin kanina kaya nya nasasabi ito?.

masuyo nya akong hinalikan sa labi. hindi ako pumikit o tinugon ang halik nya. paano nga talaga kung nagugulohan lang sya?

nang pakawalan nya ang labi ko ay tumunog pa iyon dahil sa pag sipsip nya.

"gusto na kitang taliin sakin. please hindi ko na kayang mag hintay pa nang ilang taon" para bang nakikiusap na sabi nya.

unti unting namuo ang mga luha sa mga mata ko.

"n-night. hindi kaya nabibigla kalang?" tanong ko.

agad syang umiling.

"baby no. matagal na kitang gustong pakasalan. so please.. please be my wife now" seryosong sabi nya. tiningnan ko muna sya nang mabuti. sinisigurado kung nag bibiro lang ba sya. ngunit hindi. ang mga mata nya ay puno nang kaseryosohan.

tiningnan ko ang bawat pag galaw nya nang may kapain sya sa loob nang bulsa nya.

"i already have a plan for this. kung saan ko gagawin, kung ano ang sasabihin ko, kung ano ang mga gagawin ko, kung anong araw. kung anong oras. but damn. this is so unexpected. i really have a plan. nasa utak ko na kung paano ko gagawin. but i didn't know that i am this impatient" aniya bago ilabas ang maliit na bagay na kinapa nya sa kanyang bulsa.

napa awang ang labi ko nang makita kung ano iyon.

"I know you haven't become my girlfriend yet but I want to marry you right away. alam kong masyado kang nabibilisan sa mga pangyayari but i don't want to waste time elisa. i want to be with you already. i want you to be mine already. I want to tell my family that this woman is my wife. that she is mine now." sinserong aniya.

ang luhang kanina'y namumuo sa gilid nang mga mata ko ay tuloyan nang bumagsak. tama sya masyado nyang minamadali ang lahat.

pero wala naman sigurong masama doon? mahal naman namin ang isa't isa.

pero... ito na ba talaga ang tamang panahon?

wala naman sigurong masama kung susubukan namin.

dahan dahan akong tumango. nakita kong nanlaki ang mga mata nya.

nakita ko ang pagkislap non sa saya.

hindi ko mapigilang mapa ngiti nang makita iyon sa mga mata nya.

"yes night, i...i will marry you" nanginginig sa sayang sagot ko.

napasinghap naman sya.

nagulat ako at mabilis na napa kapit sa batok nya nang bigla syang tumayo habang hawak nya ako sa may pwetan.

"YES!!!" sigaw nya na ikinagulat ko.

agad ko syang tinampal sa dibdib.

"ano ba baka may maka rinig sayo!!" anito. alam kong soundproof ang office nya pero ang lakas kasi talaga nang sigaw nya!

natatawang tiningnan nya ako. hindi na ako naka salita pa ulit nang halikan nya ako sa labi.

malalim. magaan. puno nang lambing. para bang sinasabi nya sakin ang nararamdaman nya sa pamamagitan nang halik nya.

"thank you. thank you so much baby" aniya.

"mabuti at naisipan mo pang umuwi- oh sino naman ang lalaking ito?" takang tanong ni mama nang makita si night sa likod ko.

nag mano muna ako sakanya bago pumasok sa loob. ganoon din ang ginawa ni night.

"good evening ma'am" magalang na bati nya kay mama.

"magandang gabi rin" sagot ni mama. ngunit kitang kita ko parin ang pagtataka sa mukha nya habang hindi inaalis ang tingin kay night.

"ah ma. asan po si papa?" tanong ko.

"andon sa itaas. binibihisan ang kapatid mo, kakaligo lang oara presko ang pag tulog mamaya. teka lang at tatawagin ko. paupuin mo na muna ang bisita mo at nakakangalay tingalain noh? ang tangkad e" sabi nya. tumango naman ako at pinaupo nga si night sa upuang kahoy namin dito sa sala.

lumapit lang si mama sa may hagdan ay hindi ko pa natatakpan ang tenga ni night nang sumigaw na ito.

"hoy kayong mag ama jan bumaba na kayo! may dalang poriner itong anak mo!" napa kagat nalang ako sa ibabang labi at napa yuko.

kahit kailan talaga ay walang preno ang bunganga ni mama.

"nag kamali nga talaga ako sakanya" bulong ni night medyo hindi ko naintindihan. naka tingin sya kay mama na panay parin ang sigaw kay papa at sa kapatid ko.

"ha?" tanong ko.

tumingin sya sa akin. ngumiti sya bago umiling. hinawakan nya ang kaliwang kamay ko at hinalikan ang likod n'on.

hindi ko naman maiwasang mapa ngiti.

ang sweet nang fiancé ko.

HIS ILLEGAL POSSESSION (Verlusconi Series 1)Where stories live. Discover now