Chapter 2: AI Mic

896 47 0
                                    

Chapter 2: AI Mic

Third Person's POV

Warning!

[Master is in danger!!!]
[Calculating possible solution for master]
[Calculating complete]
[Possible Transmigrating master's soul to her parallel body compatible]

[Master is in danger!!!] [Calculating possible solution for master][Calculating complete] [Possible Transmigrating master's soul to her parallel body compatible]

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa kalagitnaan ng gabi, sa isang malawak na silid, makikita ang isang dalagitang natutulog, at kung titingnan nang mabuti, makikita itong nanginginig. Ang liwanag ng buwan na tumatagos sa bintana ang tanging ilaw sa silid, na bahagyang nagbibigay liwanag dito.



Ilang segundo pa, kumurap ang talukap ng mga mata nito at iminulat. Nagising itong nanginginig, pero walang bakas ng takot ang makikita sa kanyang mga mata, na nakapagbibigay ng kilabot sa sinumang makakakita sa oras na iyon.

Anong nangyari sa akin?

Bakit buhay pa rin ako?

[Ding! I had to integrate your soul, master, into another compatible body so that you would not perish.]

"Gets ko, Mic. Kaya mo 'to?" Si Mic ay isa sa mga imbensyon ko, marahil ang tanging hindi ko ibinigay sa mga tanga na 'yun. Alam kong espesyal si Mic mula sa umpisa dahil sa lahat ng imbensyon ko, siya lang ang may kakaibang talino na hindi ko alam kung saan nanggaling.



Noong unang makita ko ang kakayahan niya, hindi ako natakot. Sa halip, parang may koneksyon kami, pero hindi ko maipaliwanag kung paano. Kung tutuusin, hindi ito normal, pero ganoon ang naramdaman ko.


Ang iba pang mga function ni Mic ay parang laro. Ito ang una kong imbensyon na na-inspire sa mga virtual games na nababasa ko. Talagang hanga ako sa mga ito, lalo na dahil malaking pera ang kinikita noon sa mga laro, kaya't doble ang inspirasyon ko para likhain ang pinakamagandang imbensyon ko.


Ang larong tinatawag na virtual reality game o VROOM ay sikat na noon. Puwede kang maglaro gamit ang malaking makina kung afford mo, o gamit ang headgear para makatipid. Pero sa kabila ng mataas na presyo ng mga gamit at makina para sa laro, marami pa rin ang nahuhumaling dito. Bukod sa magagandang graphics at makatotohanang quests ng laro, puwede ka ring kumita ng pera kapag na-convert mo ang game currency sa totoong pera. Puwede mo ring gawing pera ang mga item. Naging tanyag ito dahil puwedeng maging source of income, pero nakadepende pa rin ang mga premyo sa gameplay mo.



Doon ko nakuha ang perang ginagamit ko sa pang-araw-araw na gastusin, at gaya ng alam n'yo, doon ko rin naiahon ang sarili ko sa kahirapan. Nagbibigay pa nga ako sa charity noong umangat na ang estado ko sa buhay. Naging interesado rin ako kung paano ito gumagana, at doon ko natuklasan ang talento ko sa pag-iimbento.



Nakalaro lang ako noon dahil may rental place malapit sa amin na pinag-ipunan ko pa ng ilang araw para lang makapaglaro.


Minsan, nagpapasalamat ako sa kung sino man ang gumawa ng teknolohiyang tulad ng virtual game dahil doon ko natagpuan ang halaga ko sa mundo. Habang nabubuhay pa ako, inisip ko na mananatili akong nasa kalye habang buhay, nakikipagbogbogan para lang may makain sa isang araw, pero hanggang sa matapos ang aking buhay, nanatiling misteryo kung sino ang gumawa nito.

Reincarnation Series: Mafia DaughterWhere stories live. Discover now