Chapter 6: Clueless
Xave POV
"What are you doing? Sit." Utos ni Papa na may authority sa boses. Medyo nakakatakot siya magsalita, parang hari na hindi pwedeng suwayin. Pero dahil sa sobrang pogi niya, dineadma ko na lang agad yung takot. Ngayon ko lang naintindihan kung bakit parang hangang na hanga ang mga tao sa kanya—parang may aura siyang untouchable. Ang pogi talaga ni Papa. Sana naman kahit konti, namana ko yung matalim niyang tingin na parang kayang tumagos sa kaluluwa. Yung tipong, kapag tumingin ako sa tao, matatakot sila kahit wala pa akong ginagawa. Tsk, unfair.
"Yes, Dad." Tumalima ako at umupo sa kaliwang side, katabi si Mama. Pero alam niyo, parang hindi ko na gusto si Mama. Ramdam ko na hindi kami magkakasundo. Simula pa kanina, wala siyang pakialam sa akin. Kahit isang tingin, walang effort. Siya ba talaga ang Mama ko? Napapaisip na ako. Parang gusto ko na tuloy magpa-DNA test kahit hindi naman uso dito o wala talaga siya sa mood.
"Let's start." Simula ni Papa, at lahat kami ay parang programmed na umupo nang maayos.
Habang kumakain, ang naririnig ko lang ay tunog ng plato, kutsara, at baso sa lamesa. Ang awkward, pero mas nakakainip. Walang nagsasalita. Walang kahit sino ang nagtanong ng "How's your sleep?" o kahit "Buhay ka pa ba o puppet ka lang?" Boring sobra. Walang mang-aaway sa akin? Akala ko ba exciting ang reincarnation? Kala ko may magtatapon ng tubig sa mukha ko o kaya may magtatangkang patayin ako. Tsk, scam talaga.
Natapos kaming kumain na parang nasa military training—lahat diretso, walang imik. Pero wala ni isa ang tumayo para umalis. Naalala ko, kailangan pa namin ng permiso ni Papa para makaalis. Nakaka wonder talaga, pero wala akong magagawa.
"Xavier at Xaviour, kayo ang bahala sa kalat sa west. Maraming stray rats na nagpapalipat-lipat doon ngayon. Nakuha? Huwag kayong babalik hangga't hindi maayos." Rats? Bakit parang may something shady sa sinabi ni Papa? Pero wala akong idea kung ano ang nangyayari dito. May issue ba? May kalaban ba? Nakakabagot talaga kapag wala kang alam.
"Yes, Dad." Tumayo agad ang dalawa at umalis. Diretso lang, walang paalam, ni hindi man lang ako nilingon. Grabe, parang stranger lang kami sa isa’t isa. Mukhang hindi na talaga kami magkakausap kahit kailan.
"At kayo naman, Xavieq at Xave, pumunta kayo sa east territory." Ha? Bakit ako kasali? Saan kami pupunta? Wala akong idea. Literal na wala akong alam. ಥ‿ಥ
Pero sige lang, hindi naman ako kinakabahan. Kaya feeling ko maliit na bagay lang 'to. Ang baby Mic ko—ang aking intuitive feeling—walang binigay na warning, so safe siguro. Pero alam niyo, kapag may masama talagang mangyayari sa akin, automatic akong kinakabahan. Ngayon, parang tubig lang ako, kalmado. Siguro epekto 'to ng experience ko bilang sundalo sa past life ko.
Kaya naghintay na lang akong tumayo kami. Wala akong masabi. Wala rin akong alam kung ano ang eksaktong mangyayari. Pero, minsan okay lang din pala maging inosente—este, ignorante. Sino ba niloloko ko? Actually, advantage ko ‘to. Kapag masyado akong nagiging clueless, hindi nila maiisip na threat ako. Pero syempre, kung pababayaan ko ang sarili kong walang alam forever, baka mamatay ako nang maaga.
Kaya ngayon, take it easy muna ako. First day pa lang naman. Walang masama na mangyayari, 'di ba? Teehee. Sana.
YOU ARE READING
Reincarnation Series: Mafia Daughter
FantasySynopsis Blea Anderson, a distinguished general, achieves success and maintains an untarnished reputation. Yet, a lingering emptiness haunts her, an elusive void she can't identify. Despite numerous attempts to pinpoint it, she remains in the dark. ...