Chapter 15: Secret Basement
Xave's POV
As usual, tahimik pa rin kami sa dining table. Pero ayos lang 'yon sa akin, basta ayos kami ng mga kuya ko. Pagkatapos naming kumain, tahimik silang umalis sa mesa. Siguro may importante silang gagawin.
Pagkatapos nun, bumalik ako sa kwarto ko. Siyempre, para tingnan ang sirang plaka na pabalik balik sa memorya ko. Pagpasok ko, nilock ko agad ang pinto at lumapit sa headboard kung saan nakasabit ang isang square painting. Tinanggal ko ito at lumabas ang vertical rectangle outline na kasya ang isang tao sa dingding sheeeesshhh haha.
Ito ang pinto papunta kung saan malay ko kay Xave pa suspense pa kusang napuputol ang memory ko pagkatapos ng outline na to. Natuklasan ko lang ito dahil sa kakulitan ko. Ang memorya lang na pinakita ni Xave ay ang painting, pero paulit-ulit itong lumalabas sa alaala niya kaya naisip ko, baka may ibig sabihin ito. At hindi nga ako nagkamali pero napapa facepalm pa rin ako ang simple niya sobra.
Pinihit ko ang painting at dahan-dahang pumasok. Napansin kong awtomatikong nagliwanag ang daan pababa, kaya nagpatuloy ako nang walang takot. Mukha namang hindi delikado. Pagkapasok ko, awtomatikong nagsara ang pinto sa likod ko, pero hindi ko na pinansin 'yon at tuloy-tuloy lang ako pababa if worst comes to worst magdadasal nalang ako hehe madadala pa yan katulad ng mga written exams ko noon mwehehehe.
Habang bumababa, tahimik na tahimik ang paligid. Tanging tunog ng yapak ko lang ang naririnig. Hindi nagtagal, narating ko rin ang dulo at nakita kong may password panel.
Tumigil ako at nag-isip. Pero, gaya ng inaasahan, wala akong maisip na password. Napakamot na lang ako sa ulo at napabuntong-hininga. Ang kulit ni Xave, pinakita niya ang painting pero di man lang sinabi ang password. Nakakainis!
Ano na? Ang sakit na ng utak ko. Paano kaya 'to?
Napatungo ako, pumikit sandali, at nagdesisyong subukan lahat ng posibleng password—kahit na ang mga imposible. Pinipindot ko ang screen at pilit sinubukan. At ayun, sa wakas, gumana rin! Ang password? "fvckingopenitandyou'lldie."
Grabe, walang magawa si Xave sa buhay kaya 'yun ang naisip niyang password. Pero at least, may sense pa rin siya kahit papaano. Nakakatawa kasi, sa hitsura niya, hindi mo mahuhulaan ang totoong ugali niya. Buti na lang hindi siya close sa pamilya, kung hindi, baka mahirapan akong gumalaw.
Pagkapasok ko, magkahalong kaba at excitement ang naramdaman ko. Hindi ako nadisappoint. Nasa harap ko ang iba’t ibang klase ng sandata—mula sa mga normal hanggang sa pinakadelikado I mean wala namang normal dito pero at least para sakin. Lahat ng imbensyon sa mundong ito, nandito sa bawat sulok. May ilan na hindi pa pamilyar sa akin.
Hinawakan ko ang mga sandatang hindi masyadong delikado, habang ang iba, tinititigan ko lang nang may pagkamangha. Ang dami kong gustong subukan, pero nagpipigil ako sa susunod na.
Sa huli, tumalikod ako at iniwasan ang tukso. Isinara ko ang pinto at umakyat pabalik. Pagdating ko sa huling baitang, awtomatikong nagbukas ang pintuang isinara kanina. Nang makarating ako sa kwarto, bumalik ang painting at ang dingding sa dating posisyon nila na parang walang nangyari.
Ang galing.
YOU ARE READING
Reincarnation Series: Mafia Daughter
FantasySynopsis Blea Anderson, a distinguished general, achieves success and maintains an untarnished reputation. Yet, a lingering emptiness haunts her, an elusive void she can't identify. Despite numerous attempts to pinpoint it, she remains in the dark. ...