Chapter 21: My Worth
Third Person's POV
Masyadong mabigat ang atmosphere sa living room dahil sa ilang minutong katahimikan. Tinawag kami ni Dad kahit na kakagising lang namin.
Buti na lang, sanay akong gumising ng maaga at maligo, pero yung dalawang kuya ko, obvious na hindi pa nahugasan miski ang mga mukha nila. Gusto ko sanang tumawa, pero ang bigat ng atmosphere eh, baka magmukha lang akong tanga kung sasabayan ko pa ng kalokohan.
Pero honestly, ako lang yung tinawag. Hindi ko lang alam sa kanila bat sila nandito, pero hindi na nakakagulat yon baka nagugutom lang sila just kidding hehe. May mga katulong dito, hindi ko alam kung household maids ba sila o mga tagapag-ulat. Hindi ako magugulat kung alam nila kung kelan kami iihi o dudumi. Malala ba?
"So, bakit kayo nandito? Sinabi ko ba na dapat nandito kayo?" Mula lang sa titig ni Dad, nagsitayuan na agad ang buhok ko, pero yung mga tanga na to, titig pa rin kay Dad ng walang pakealam.
"Hindi kami sasang-ayon sa gusto mo Dad. Ngayon lang nangyari na hindi kami iniiwasan ni Ave, at ngayon, ipagkakatiwala mo siya sa ibang pamilya. Sorry, pero hindi kami sang-ayon dito. Pumili ka sa mga tauhan mo wag si Ave kami ang makakaharap mo kahit na ama ka pa namin. Si Ave ang pipili kung kailan siya mag-aasawa." Ang haba nun, pero ha? Asawa!? Tama bang iniisip ko? Ang sabi ni Dad engagement palang parang sira mga to.
Tiningnan lang sila ni Dad ng walang emosyon. "Para rin ito sa pamilya." Damn anong "para sa pamilya"? Kami na ngang mga anak niya ang nag-le-lead, tapos sinasabi pa niyang para sa pamilya. Bakit hindi na lang nya sabihin na para sa mga plano nya? Mas papaniwalaan ko pa yun pambihirang matanda.
Pinilig ko lang ang ulo ko at pinabayaan sila mag-usap. Wala namang silbi kung makikisali ako, mas mabuti nang manahimik. Mas okay na ang ganun. Hindi ko na lang papansinin yung usapin tungkol sa kasal, nandiyan lang naman sila kuya, mukhang hindi sila sang-ayon, hayaan na lang sila mas may bigat ang mga bibitawan nilang salita kaysa sakin magsasayang lang ako ng laway kung ako ang babanat diyan.
Baka madamay pa ko sa sama ng tingin ni Dad. Pero bakit kaya ganito sila kuya? Itong mga tanga na to, pinapa asa ako hmph.
"Hindi magbabago ang desisyon ko, kaya huwag na kayong maki-usap pa. Masasayang lang ang mga paliwanag niyo." Pinal na sabi ni Dad halatang utos ito at tinignan sila ng matalim ano san kayo diyan ayaw paawat ng matanda.
Bumagsak ang mga balikat ko sa narinig at tinignan sila. Di ko na naman control ang second life ko pambihira pwede bang mangbira, ayaw ko magpakasal kung ako ang tatanungin ni boyfriend nga sa una kong buhay wala ako non kasal pa kaya? Ano bang plano ng matandang to?
Patuloy lang ang pagtatalo nila Dad at Kuya, pero naging malabo na ang ingay nila. Parang ako na lang ulit ang mag-isa syempre sinong di matutulala sa eksenang to naknam hayss.
Bakit naman kasi sobrang lala ng attachment issues ko? Bakit parang ang dali nilang makapasok sa buhay ko nang hindi ko namamalayan? Bakit ganun ako kadaling masaktan kahit na alam kong pwede mangyari to? Nakakainis isipin na ang emosyon ko lang ulit ang magiging kahinaan ko.
YOU ARE READING
Reincarnation Series: Mafia Daughter
FantasySynopsis Blea Anderson, a distinguished general, achieves success and maintains an untarnished reputation. Yet, a lingering emptiness haunts her, an elusive void she can't identify. Despite numerous attempts to pinpoint it, she remains in the dark. ...