Chapter 13: Carefree

344 23 0
                                    

Chapter 13: Carefree

Xave POV

Pagdating namin sa mansion, nandoon si Kuya Savi sa sofa malapit sa may pinto. Nang makita niya kami, natigilan kami sa pag uusap. Tumingin siya samin nang walang emosyon. Pero maya maya narinig ko ang pagpapasalamat niya na kung hindi ako well trained hindi ko maririnig ng maayos kinareer na talaga ni Kuya Savi ang maging tsundere haha Well, alam naman naming madaling matrigger si Kuya Savi, at baka hindi kami makatulog sa loob kung aasarin pa namin siya kaya wala na kaming ginawa para asarin siya ayoko namang matulog sa labas noh HAHAHAHAHA.



Pagkaabot ko sa kanya ng mga packs at ng card, nagpaalam na rin ako. Dumiretso ako sa kwarto at ini-lock ang pinto, bahagya akong napangiti nang tahimik. Napaisip tuloy ako sa sariling kalokohan di naman niya ata mapapansin na bumili ang ng mga mamahaling chocolate noh kinuha ko ang supot sa jacket at inilagay ito sa freezer malapit sa study table ko.



Habang nakahiga, biglang nag-flashback sakin ang nangyari kanina sa convenience store.


---

(FLASHBACK)

Sumakay kami ni Kuya Rio sa kotse niya papunta sa convenience store. Mabilis lang ang biyahe, at agad akong bumaba para pumasok. Sinadya kong hindi siya isama sa loob dahil alam kong baka maging hassle pa 'yun.


Dumiretso ako sa ladies' section at nakita agad ang kailangan ko. Kinuha ko na ang ilang piraso at nilagay sa tray. Pero bago 'yun, tumingin muna ako sa snack section at kumuha ng ilang chocolate bars. Bahala na siya—hindi naman niya sinabing magtipid. Hahaha! Baka pagalitan niya ako mamaya, pero sana di niya malaman huhu.


Habang paalis na ako sa chocolate section, bigla akong bumangga sa isang matigas na bagay. Napaatras ako at agad na nag-sorry, pero hindi na ako tumingin o naghintay ng sagot. Ugali ko na kasi 'yun—huwag na makipag-eye contact kung alam kong hindi ko naman sila makikita ulit.


Maya maya nakita kong pumasok si Kuya Rio at pumunta sa snack section wews haha hindi lang ako ang matakaw.

Madalas akong advance magisip para maka iwas sa stress. Nakakastress kasi makipag-usap sa ibang tao kung hindi naman kailangan. Hinintay ko si Kuya Rio sa may counter tsaka sabay na kaming nagbayad at lumabas ng convenience store.


Napansin kong puro junk food yong mga binili ni Kuya Rio pero nginitian niya lang ako kaya wala na kong nasabi.

---

(END OF FLASHBACK)

Oh, hindi ko pa pala natse-check ang overall stats ko.

"Status."

Name: Xave Montesseri
Age: 17
Level: 15 (0/100)
Physique: 10
Charm: 8
Intelligence: 150

Skills:

All firearms (10/10)

Ultimate hand-to-hand combat (9/10)

Eagle Eye (8/10)

Katana (8/10)

Inventor (10/10)

Title: Villain Soldier, Genius Inventor, Reincarnated One

Ang astig ng stats ko! Nadala ko 'yung skills ko dito, pero bakit may "villain" na nakalagay? Saan banda 'yung pagiging villain sakin sabihin mo nga Mic? Niligtas ko nga silang lahat eh! Mic, nasaan ang hustisya?! Walang ngang natira kahit yong walang ligo kung buhok tapos villain? ಥ⁠‿⁠ಥ

Mic?

[Mic is upgrading all functions. All stats have been shut down for safety precautions. Master can wait until then......]

Ayan na nga ba. Niloloko na naman ako ni Mic. MIC!!! MIC!!!!!!???

Reincarnation Series: Mafia DaughterWhere stories live. Discover now