Chapter 18: Training Part I

254 15 3
                                    

Chapter 18: Training Part I

Xave's POV

"Tsk." Nakakainis ang mukha nitong isa, hindi ba niya nakikita na babae ako aside from that nabalitaan ba nilang nag training si Xave? Bakit ba niya kailangang pisilin ang braso ko, sakit kaya. Grabe, talaga, magtatampo na ako kila Kuya, o baka naman i-report ko na lang siya baka di alam nila kuya. Nakakainis na talaga.




Nakakunot na ang noo ko sa inis habang nagtuturo ng martial arts si Zev sa akin kung martial arts pa ba to o bugbog. Akala ko magkakasundo kami, pero mukhang mali ang akala ko. Nakakainis ang mga galaw niya wala pa sa standards niya ang stats ko in short malakas siya ng maraming beses kaysa sakin, wala man lang akong oras para huminga. Hindi rin niya sinasabi kung saan ako nagkakamali—parang sinasadya niyang pahirapan ako. Nakakainis talaga. Kung hindi nagle level up ang experience ko baka nakipagpatayan na ko hays.



Alam ko namang hindi natural sa akin ang hand-to-hand combat I mean ang katawan ni Xave. Kaya ng mata ko sundan ang mga galaw niya, pero hindi ako makasabay. Hindi ko tuloy alam kung si Xave ba ang sisisihin ko dahil sa pagiging carefree niya sa buhay, o ako mismo, dahil wala akong ginagawa nitong mga nakaraang araw.



“Again,” utos niya nang may awtoridad at walang emosyon sa mukha.


Hay naku, nakakainis talaga siya. Ni wala man lang sinasabi kung ano ang dapat kong i-improve.


“Again.” Ginaya ko siya, pero syempre sa isip ko lang syempre. Ayoko namang makipagtalo, lalo na’t mukhang magmumukha akong tanga kung papatulan ko siya.


Ganun lang ang nangyari buong araw. Paulit-ulit lang ang eksena: talo ako sa bilis niya, tapos sasabihin niya, “again.” Parang gusto ko nang magtanim ng galit sa salitang yon. Hindi man lang nakapag turo ang dalawa, tapos ito pa ang napunta sa akin. Nakakainis!



Pero syempre, sa isip lang ako naiinis. Sa labas, kalmado ako kahit gusto ko nang magwala. Nakakairita kasi, ang fit niya masyado! Saan kaya siya kumukuha ng enerhiya? Siguro iniwan siya ng girlfriend niya kaya parang menopausal ang vibes niya.



“Kung may oras ka para tumulala diyan, mas mabuti pang magtago ka na lang sa kwarto mo. Mahina ka. Akala mo ba tatagal ka sa pamilyang ‘to kung hindi ka palaging pinoprotektahan ng mga kuya mo? Pabigat ka,” sabi niya habang tinitingnan ako nang mapangliit matapos na naman akong matalo.


Ano bang mahina? Tanga ba siya? Halos bilang na ang araw ni Xave nung nakita ko ang alaala niya. Nalason ang anghel na ‘yon, at kung hindi lang dahil sa non-exercising body ni Xave, kaya ko naman siyang talunin.


Hindi ko siya sinagot. Sa halip, lumayo ako sa kanya at tumayo kahit hinihingal. Pasimple akong nagpahinga. Hindi epektibo sa akin ang bokabularyo niya sa training. Pagod na ako sa ganito, pero nakakainis pa rin. Gusto ko siyang itapon sa ibang planeta. Ano kayang magiging itsura niya—magfi-freeze kaya siya katulad sa nangyari kay Superman?


“Ano, tatayo ka na lang diyan? Walang tutulong sa’yo dito. May ginagawa ang mga kuya mo,” Mapang-asar niyang sabi.



Akala ba niya guwapo siya sa ganun? Tsk. At manhid ba siya? Labing dalawang oras na kaming ganito. Hindi ba siya napapagod? Nakakairita! Sinabayan pa ng katawan kong hindi sanay mag-ehersisyo, halos wala pang nababago sa routine ko nitong mga nakaraang araw. Nakakabuwisit talaga.


“Bro, tama na ‘yan, kanina pa kayo,” sigaw ni Asher.

“Haha, ang emo mong tingnan bro kung hindi kita kilala iisipin kong iniwan ka ng girlfriend mo.” Biro naman ni Caden habang tumatawa.


Tumingin lang siya ng masama bago umalis nang walang sinasabi. Wow, ang galing niya ah dinaig pa ang babaeng may dalaw. Well, next time, hindi na siya makakadampi sa akin, kahit isang hibla ng buhok ko, hmph.

“Hayaan mo na siya, HAHA. Ganyan lang talaga ‘yan, parang pasan ang mundo,” sabi ni Caden, tumawa pa ito ng mahina at tinapik ang balikat ko bilang payo.


Tumango si Asher bilang pagsang-ayon. Pagkatapos nun, sinabi nilang aalis na sila. Ako naman, dumiretso sa kwarto para maligo.

Reincarnation Series: Mafia DaughterWhere stories live. Discover now