Chapter 5: Expectation vs Reality
Xave POV
Naglakad ako nang medyo malayo, pero ayos lang, parang exercise na rin ito bago ko harapin ang bago kong pamilya. Baka pagbukas ko ng pintuan, may sumalubong sa'kin na bala o kutsilyo o baka naman mga bodyguards na may mga nakatutuk na baril sakin, hehe, ganun kasi ang nakikita ko sa mga pelikula.
Masasabi ko talagang malawak ang imahinasyon ko kasi pagdating ko, kalmado lang silang nakatingin sa akin. Parang hinihintay lang nila ako, at ako naman, feeling importante medyo nahuli ako ng ilang minuto. Yung poker face ni Papa, parang ang sakit sa mukha. Sa mundong 'to, never niya akong tinitingnan nang may pagmamahal na expression naiintindihan ko naman iba ang buhay namin sa karamihan. Ewan ko kung alam niya na ang tingin niya ay kasing tindi ng mafia boss ayy mafia boss pala talaga siya haha. Sana namana ko 'yan ang cool kasi, haha.
"Ohm, good morning, Dad, Mom, and sorry for being late ng 3 minutes for breakfast," sabi ko sabay bow sa kanila. Napabigkas ako bigla ng English, nakakahiya. Napansin ko rin na andito pala ang tatlo kong nakakatandang kapatid. Para silang masterpiece nina Mama at Papa. Buti na lang walang kabit or something si Papa. Ang stressful kaya nun.
"And good morning din," sabi ko sa kanila habang nakatingin ako. Hindi ko sila tinawag na "kuya" kasi sa memorya ni Xave, hindi niya sila tinatawag ng ganun. In short, hindi sila nag-uusap kahit na nasa iisang bubong-or mansion pa nga-kami. Pinipilit ko lang na kalmahin ang sarili ko. Kahit na hindi kami nag-uusap, nakakakain pa rin kami sa parehong table nang walang imikan.
Para kaming mga sundalo sa training, hahaha. Nakakatawa, pero syempre sa isip ko lang 'yun. Ayoko namang mapatay at matambak sa gilid ng kalsada. Sapat na nga ang hirap makarating dito, habanh buhay naman akong andito kaya it takes time I believe in myself.
Pero hindi na 'yun importante. At least hindi ako napapabayaan ng pamilya ko, at tingin ko 'yun ang mahalaga. Paano ko nalaman? Syempre, mahilig akong mag-observe ng psychological reactions ng mga tao. Ang saya kaya nun. Pero nung una ko silang makita kanina, nagulat ako. Hindi ko in-expect na ganito sila yong parang tinuturing nila kong pamilya hindi katulad ng nasa memory ni Xave.
Akala ko magiging madugo ang unang araw ng second life ko. Napaisip tuloy ako na masyadong overacting ang mga drama sa TV. Hindi naman sa naghahanap ako ng away. Mabait naman ako at gusto ko ng peace, pero syempre, dapat may konting thrill. Hindi ako si Blea. Kapag nawala ang passion ko sa buhay, hindi maganda hindi bagay sa image ko.
Sabi nga nila, "Enjoy your life while it lasts," hahaha. At huwag niyo akong i-judge mga beh. May freedom of speech naman tayo, 'di ba? O freedom lang? Nakalimutan ko na, pero okay lang. Ang mahalaga, mahalaga pa rin. HAHAHA. Baliw ba ko hayaan nito na kwento ko naman to mwehehe.
YOU ARE READING
Reincarnation Series: Mafia Daughter
FantasySynopsis Blea Anderson, a distinguished general, achieves success and maintains an untarnished reputation. Yet, a lingering emptiness haunts her, an elusive void she can't identify. Despite numerous attempts to pinpoint it, she remains in the dark. ...