Chapter 19: Training Part II

231 11 2
                                    

Chapter 19: Training Part II

Xave's POV

Pagkagising ko, ramdam ko ang sakit sa buong katawan ko mula sa training kahapon. Para akong nakaramdam ulit ng pangkamatayan na exercise sa military kaysa naturuan ng basics.


Gulo-gulo ang buhok ko at sinalubong ako ng malalaking eyebags sa salamin habang papalapit ako para maghilamos.


Halos mabasag ko ang salamin pero pinigilan ko ang sarili ko. Sa totoo lang, mas mabuting tanggapin na lang ang katotohanan nang maaga, ‘di ba? Pasensya na talaga Xave ako pa yata ang sisira sa mala anghel mong mukha.


Naligo ako nang wala sa wisyo, lumabas ng kwarto na mukhang pagod na pagod. Mukhang maghapon na naman na makakasama ko sila. Gusto ko nang mag-ditch, parang hindi naman ako tinuturuan nang maayos—parang pinaglalalaruan lang nila ako.


Nakarating ako sa kwarto na parang dojo, nasa loob pa rin ito ng mansion, napahanga na naman ako. Naalala ko may bar sa first floor ng mansion na nakita ko noong huling umalis kami. Baka may mall din, sobrang tempting talagang takasan ang training at maglibot.



Kung hindi ko lang iniisip ang magiging reaksyon ng mga kuya ko, tumakas na ako.



Ayoko nang makita ang mga mukha nila, nagkukwentuhan pa habang tinuturuan ako kung turo pa ba talaga yon.


Sa usapan nila, madali mong malalaman kung may girlfriend sila o fling lang eh pambihira.



Dapat ko na bang ilabas ang pangil ko? Just kidding kailan pa ko nawalan ng pasensya, syempre palagi hehe. Mukhang matagal pa akong makukulong kasama nila sa mansion. Titiisin na lang, uuwi rin naman sila, ‘di ba?



Tahimik akong pumasok, hindi maririnig ang yabag ng mga paa ko, pero bigla kong naramdaman ang malamig na hangin sa likod ko. Tumayo ang balahibo ko kaya bahagya kong inikot ang ulo ko at pinikit ang mga mata.



Doon ko nakita ang papalapit na aesthetically-designed na kutsilyo mula sa kinatatayuan ko. May nakaukit na Z.V. sa hawakan, kaya alam ko na kung kanino ito.


May galit yata sa akin ang taong to, ah, paano ko kaya siya sasabayan?


Tumabi ako nang walang emosyon at hinarap siya na parang wala lang.


Nag-uumpisa na ba tayo?” Tanong ko nang walang pakialam, alam ko namang hindi niya ako sasagutin nang maayos.


Nakakaumay, at nakakainis na rin ang seryoso niyang mukha. Sino ba nagsabing nakakaakit ang malamig at walang emosyon na mukha? Nakakatakot nga, lalo na kapag gumagalaw na parang punching machine—pero may kutsilyo sa kamay parang robot lang haha.


Asan sila?” Lumakad ako pagilid papunta sa kaliwa, at ayun na naman ang kutsilyo. Nagle-level up siya, parang gusto na niya akong patayin ◉⁠‿⁠◉.


Aakalain mong pipi talaga siya dahil sa ginagawa niya eh.

“Bakit, hihingi ka ba ng tulong?” Sabi niya na may nakakalokong tingin.


Pwede ko bang sabihin na mukha siyang tanga pag ganyan? Pero wag na lang, baka mabaliw siya at mapatay ako ng wala sa oras.


Hindi niya man lang napapansin na wala siyang tinatamaan, o baka sinasadya nila. Curious tuloy ako.


Mukha siyang gullible, pero baka may plano sila. Hindi ko sila pwedeng pagkatiwalaan.


Wala silang matinong ginawa nung unang araw, pero hindi ibig sabihin nun ayaw nilang malaman ang limitasyon ko.


Pasimple akong tumingin sa paligid ng kwarto habang iniwasan ang mga atake niya. Napansin ko ang mga kahina-hinalang device sa apat na sulok ng kwarto.


Ah, alam ko na. Tapos na ang laban. Posible bang makaiwas ang isang babae sa lumilipad na kutsilyo sa ilang segundo? Kanina pa pala ko nahuli.

Reincarnation Series: Mafia DaughterWhere stories live. Discover now