Chapter 24 : Visitor(s)?

125 9 2
                                    

Chapter 24 : Visitor(s)?

Xave's POV

Ilang araw ang lumipas at wala namang bagong nangyari. Naging komportable ako sa mga araw na dumaan at nakalimutan ko na yung usapan namin ni Daddy.

Nasa mall ako ngayon kasi medyo nabored ako sa mansion. Ayokong makita yung mga mukha ng mga tao na ipinadala ni Kuya para turuan ako. Nakakainis sila kahit hindi naman nila ko inaano, haha. Siguro hindi lang maganda yung first impression ko sa kanila, lalo na isa.

Nasa second floor ako ng mall, nakatagilid sa railing malapit sa entrance, pinagmamasdan ang mga taong naglalabas pasok dito. Tama kayo nangju-judge ako, pero syempre sa utak ko lang naman yun. Ganyan talaga iba ang nagagawa ng boredom.

Mag-isa lang ako sa side na to, nginunguya ang straw ng iniinom kung dark forest na milktea. Naglibot-libot na ako at naglaro sa arcade, at kung ano ano pa kaya ito na yung huling stop ko, para mag-people watch at mang-judge, HAHAHAHA.


Habang nakatambay, napansin ko na may mga tao na nagkukumpulan sa malayo. Pinipilit kong titigan gamit ang mala eagle kong mata sheeeesshhh haha, at di nga ako nabigo nakita ko ang bida sa gulo isang matangkad na lalaki may babaeng nakakapit sa braso nito. Mukhang hindi ordinaryo ang relasyon nila sa paningin ko. Pinanood ko silang nakapilig  ang ulo sa kamay na nakapatong sa railing, curious kung bakit pamilyar ang eksena parang yong mga nasa nobela haha.

After a while, napansin ko na may isa pang babae sa harap nila. Petite siya at mahaba ang buhok, pero nakatalikod siya sa akin, kaya yun lang yung nakita ko pero feeling ko maganda siya. Mukhang inis na inis yung babae na nakakapit sa lalaki, habang yung lalaki naman parang wala lang, walang reaksyon, parang hindi siya part ng eksena.

Sa pagiging curious ko, tinutok ko yung pansin ko sa pinag-uusapan nila. Baka yung isa sa kanila, mistress, HAHAHA.

"Ano bang ginagawa mo, Chanary? Hindi ba't malinaw na hindi ikaw ang ikakasal sa kapatid ko? Tumigil ka na nga sa pagiging desperada mo. Pinapalala mo lang ang sitwasyon mo eh," sabi ng inis na babae bago umalis kasama yung lalaki.

Ano bang ginagawa nila? Nasa mall sila, tapos may personal na away. Ang tanga naman nila, tinatanggalan nila ako ng pagkakataon na magpanggap na hindi ako interesado. Dapat pinag-uusapan nila sa private, para walang pagkakataon makichismis ang mga tulad ko.

Umalis na ako sa pwesto ko at nagsimula maglakad papunta sa entrance para umuwi. Ayoko nang magtagal pa at madala sa kabobohan nila.

Hindi ako lumingon at diretsong tumungo sa parking lot. Pagdating ko sa kotse ko, pumasok agad ako at mabilis na nagmaneho palabas ng mall.

Pagdating sa bahay, tulala na naman akong nag iisip, pero natigil yun nang makita ko yung mga katulong na abala sa paglilinis ng mansion, na hindi naman nila karaniwang ginagawa.

Matapos ipark ang kotse sa garahe, naglakad ako papunta sa main door, naguguluhan sa nangyayari. Tuloy pa rin ang paglilinis hanggang sa pinakadulo ng hallway ng mansion. Inaayos ang mga paintings sa pader, at ang mga vases na may mga halaman ay iniiwasang magkadikit dikit, tatlong handbreadths ang pagitan.

Curious kong nilapitan ang isang batang maid. "Ah, pwedeng magtanong? Bakit ang busy niyong lahat?" Tanong ko dito tsaka siya lumingon sa akin.

"Ahh, milady, may importanteng bisita pong darating," sabi niya ng may ngiti bago umalis.

'Bisita? Sino?' tanong ko sa sarili ko.

Authors rants: hiii am back sorry, i just got to update now :3

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 03, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Reincarnation Series: Mafia DaughterWhere stories live. Discover now