Chapter 12: Living Tsundere

375 20 0
                                    

Chapter 12: Living Tsundere

Xave POV

"Apparently, may kapalit daw itong bagay na 'to," sabi ni Kuya Vieq nang walang emosyon, habang nakatingin sa kung saan dapat nakalagay 'yung item. Parang nang-aasar siya kay Kuya Savi, na mukhang naiinis na. Bakit ba lagi akong nagsasalita nang di muna iniisip? Mic, tulungan mo ako. ಥ⁠⁠_ಥ


[Calculating possible solution for master]..............

...These are the possible solutions:

- Run away now, but I think it's impossible in your current condition.

- Give that fella what it wants.

- Insist on what you want until you die.

[There are so many possible solutions, but for now, this is the only available option for you. Once you upgrade your overall stats, you can do whatever you want as long as they are not important to you.]


Mic, bakit parang mas nagiging harsh ka sa akin habang tumatagal? Pinakakain naman kita nang maayos at dinadamitan pa kita nang maganda—oh wait, bot ka pala, at ni hindi kita mahawakan. Hehe pasensya siraulo minsan.


Lakas ko makapag isip ngayon kasi nakatago pa rin ako sa likod ni Kuya Vieq, sinilip ko si Kuya Savi at naglakas-loob na tumanggi kahit alam kong magagalit siya.


"Ohm, Kuya Savi, bigyan mo na lang ako ng pera, at ako na ang bibili sa labas. Huwag yong gamit ko nevah. Gusto kong bilhan ka, pero pera mo dapat hehe pulubi na kasi ako." alok ko nang may pag-aalinlangan at nakakamot pa sa batok habang pinagmamasdan ang reaksyon niya.



"Ohm," bahagya siyang tumango at iniabot ang black card niya. Parang lumambot ang expression niya kaya agad ko itong kinuha at lumabas mula sa likod ni Kuya Vieq hehe kung sweneswerte ka nga naman haha ang isang Blea ay walang sinasayang na pagkakataon mwehehehe.


"Rio, samahan mo siya," narinig kong sabi ni Kuya Savi sa hallway habang papalayo ako. Napatinginan kami ni Kuya Rio sa isa't isa at pilit na pinigilang matawa. HAHAHA, si Kuya Savi talaga, tsundere masyado ang cute niya HAHAHAHAHAHA.


"Tara na, malapit ng dumilim ," sabi ni Kuya Rio, na nauna nang lumabas ng kwarto nang hindi man lang lumilingon. Tumigil ako sandali at tumingin kay Kuya Vieq na nakatingin din sa akin. Ngumiti ako at nagpaalam bago tuluyang umalis. Sumunod siya palabas, at magkasabay kaming naglakad sa mahaba at tahimik na hallway. Kahit tahimik, masasabi kong isa ito sa pinaka-komportableng sandali sa buhay ko sheeeesshhh andrama ko na naman.



Habang naglalakad, pansin kong tahimik lang si Kuya Rio. Hindi ko alam kung ugali niya ba o pagod lang sa antics kanina ni Kuya Savi haha, kaya tinanong ko, "Kuya, okay ka lang?"



Napatingin siya sa akin at bahagyang ngumiti, "Oo naman. Naisip ko lang kasi wala pang pinapakilala si Savi samin na girlfriend niya or what kahit na naki ayon ako kanina curious din ako para kanino naman to? Sinasabi ko sayo bunso imposibleng magka girlfriend ang mokong na yon." Natatawa pang ani nito.


Napatawa ako nang mahina. "Seryoso pero bakit pakiramdam ko mahalaga sa kanya yong ano haha lumambot kaya yong expression niya kanina o baka nagkamali lang ako." Balewala kong sabi kahit na sigurado ako sa nakita.


"Lumambot?" tanong niya, na para bang hindi makapaniwala. "Baka para sa ano niya nevermind tatlong taon ding nawala ang isang yon." Aba naman may pagka mysterious effect pa anong gagawin ko sa curiosity ko ha pambihira ಥ⁠_⁠ಥ.


Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang convenience store. Pagpasok namin, agad kong hinanap ang item na kailangan ni Kuya Savi. Si Kuya Rio naman ay naglibot at kumuha ng kung anu-ano. Mukhang snacks ang punterya niya makikihati ako nyaknyaknyak.


"Kuya, seryoso? Bumili ka pa ng chips?" tanong ko habang tinitingnan ang basket niyang halos puno na ng junk food pakiramdam ko marami nito sa bahay ah.


"Eh, na miss ko to eh. Ayaw mo ba? Bibili rin ako para sayo," sagot niya sabay kindat. Napailing na lang ako at bumalik sa paghahanap.


Pagbalik ko sa counter dala ang hinahanap namin, nakita kong nagbabayad na si Kuya Rio. Hindi ko maiwasang matawa dahil para kaming mga bata na palihim na bumibili ng midnight snacks. Pagkatapos magbayad, sabay kaming lumabas ng tindahan.


Habang naglalakad pauwi, bigla kong naisip, "Kuya, bat parang pakiramdam na ko ginawa na natin to noon?" nagdududa kong ani baka nakalimutan lang ng bruhang to.


"Yup at nakalimutan mo pa talaga di bale matagal na naman na yon," sagot niya habang ngumingiti ng may pagkadismaya.


Pagdating namin sa bahay, naabutan naming nakaupo si Kuya Savi sa sofa, parang hinihintay talaga kami. Iniabot ko sa kanya ang binili namin, at tumingin siya sa akin. "Thanks."


Napangiti ako. Ang simple ng mga Kuya ko ah haha kahit na harsh sila magsalita iba naman sa kilos hehe another discovery.

Reincarnation Series: Mafia DaughterWhere stories live. Discover now