Chapter 16: Boring
Xave's POV
Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang mapunta ako sa mundong ito. Sa totoo lang, wala namang masyadong exciting na nangyari nitong mga nakaraang araw, kaya nag-focus na lang ako sa training.
Sa simula, madali lang ang lahat nakakapagtaka nga pero kung para sa ikabubuti ko sa susunod ko nalang kwekwestyunin. Pakiramdam ko kasi parang may photographic memory ako-kaya kong gawin ang anumang bagay sa aktwal kahit isang beses ko lang makita ang mas lalong nakakapagtaka bat nakakasabay tong katawan ni Xave kung wala sakin ang memory niya iisipin kong well trained siya baka naman na amnesia lang siya grrr di bale na nga basta okay sakin okay lahat hehe.
Nakakagulat, oo, pero malaking advantage rin. Kahit na parang walang nangyayari ngayon, alam kong hindi ito magtatagal. Hindi habang buhay tahimik ang sitwasyon.
Nasa isang mundo ako kung saan ang kakayahan ng pamilya ang basehan ng lakas-mapa-loob man o labas ng kanilang teritoryo. At sa ganitong sitwasyon, hindi pwedeng maging pabaya. Ayokong mamatay ulit nang labag sa kalooban ko.
Pagkatapos ng mahabang araw ng training, humiga ako sa kama para magpahinga. Katatapos ko lang gawin ang 100 push-ups. Hindi ko na inintindi ang pawis sa katawan ko dahil mas excited akong tingnan ang status ng katawan ko ngayon. Sino ba naman ang hindi mae-excite na lumakas, 'di ba?
"Status."
Name: Xave Montesseri
Age: 17
Level: 25 (0/100000)
Physique: 20
Charm: 15
Intelligence: 150Skills:
All firearms (10/10)
Ultimate hand-to-hand combat (9/10)
Eagle eye (8/10)
Katana (8/10)
Inventor (10/10)
Photographic memory (10/10)
Martial arts (Master level)
Night vision (5/10)
Title: Villain Soldier, Genius Inventor, Reincarnated One, Fighter Assassin
Natatawa ako habang binabasa ang status ko. Nakakuha pala ako ng night vision dahil sa training ko sa madilim na basement. Kung tutuusin, baka sa susunod kaya ko na ring lumipad, HAHAHA. Pero sana hindi, baka lalo na lang akong layuan ng mga tao. Kahit hindi mahalaga 'yun, mahirap pa ring tanggapin na walang gustong lumapit sa 'yo. Pfft.
Napaisip tuloy ako ng mga walang kwentang bagay dahil sa sobrang pagkabagot. Pero seryoso, sana may mangyaring exciting bukas. Ang tagal nang walang aksyon dito. Ano ba ang silbi ng transmigration kung ganito lang ang buhay? Gusto ba ng nag-transmigrate sa akin na maging tamad ako? O baka naman masyado akong pushover sa nakaraang buhay ko? Hmm, hindi naman siguro!
HAHAHA, sige na nga, matulog na lang ako. Pakiramdam ko parang preso ako na gustong makatakas sa peaceful na buhay. Napabuntong-hininga na lang ako habang nakatingin sa kisame.
Kung ganito lang palagi, parang nakakapanibago rin. Minsan, ang tahimik na buhay ay mas nakakabaliw kaysa sa mapanganib. Pero sino ang niloloko ko? Alam kong hindi rin magtatagal ang katahimikang ito. Sa mundo ng mga kapangyarihan at intriga, palaging may paparating na unos.
"Good night, Xave," bulong ko sa sarili ko, habang dahan-dahang pumipikit ang mga mata ko. Baka bukas, may mangyaring masaya. O kahit magulo, ayos na rin.
YOU ARE READING
Reincarnation Series: Mafia Daughter
FantasySynopsis Blea Anderson, a distinguished general, achieves success and maintains an untarnished reputation. Yet, a lingering emptiness haunts her, an elusive void she can't identify. Despite numerous attempts to pinpoint it, she remains in the dark. ...