Chapter 22: Unraveling Ties

219 9 0
                                    

Chapter 22: Unraveling Ties

Xave's POV

Sa kalagitnaan ng gabi, natagpuan ko ang sariling nakaupo sa veranda, tinititigan ang kumikislap na mga bituin sa langit. Ilang oras na ang lumipas mula nang marinig ko ang kasal ko kuno, pero ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib ko in short nagtatampo ako bakit di kaya ako tanungin ng matandang yon para malaman niya kung gano ko kagaling sa debate na buwis buhay.

"Ave," biglang lumabas sa madilim na bahagi ng kwarto ko si Kuya Vieq parang ninja din ang isang to di ko naramdaman ang presensya niya marami pa talaga kong kailangan gawin, parang hindi ako sigurado kung dapat ko ba siyang pansinin o hayaan na lang muna. Wala akong sinabi, pero parang alam niya na nakikinig ako at aware sa presensya niya.

"Alam ko, sobra na yata para sa'yo ang ginagawa ni Dad," sabi niya, umupo sa tabi ko. "Pero kailangan nating magtiwala sa kanya kahit na ganoon ang sinabi niya."

"Hindi ko lang matanggap na si Dad ang nagdesisyon para sa akin eh ako ang ikakasal," nagtatampong sabi ko, tinitigan ang mga bituin. Parang gusto kong magtanong sa langit kung may sagot sila kahit ni isa sa mga katanungan ko parang tanga lang.

Huminga ng malalim si Kuya Vieq, "Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganun si Dad. Parang wala siyang pakialam kung anong mararamdaman natin. Pero Ave, huwag kang mag-alala, sigurado akong may dahilan si Dad. At tsaka alam ko namang nag aalala din ang mga mukong na yun."

Napataas ang tingin ko sa kanya, huminga ng malalim, siguro nga hindi naman magtatagal sa unang pwesto ang Montesseri kung basura ang namumuno hayss. "Sabi niya, para sa pamilya, pero feeling ko mas maiintindihan ko kung personal na kagustuhan niya lang hmph ang matandang yon talaga."

" Pffft hahaha siguro mas mabuti kung malaman natin kung ano talaga ang nasa isip ni Dad. Baka may mga bagay siyang hindi sinasabi na matutulungan pa natin kung sakali." Magaan niyang sabi habang nakangiti ng bahagya.

"Yesszzuu hayaan na natin baka pogi ang mapapangasawa ko paniguradong kakalimutan ko ang mga sinabi ni Dad mwehehehe," Nagbibiro kong sabi.

Napailing si Kuya Vieq ng nakangiti at napabuntong hininga.

Malamig na hangin ang dumampi sa balat ko, may kasabay na pakiramdam ng ginhawa non. Alam ko na kahit ganon si Dad, may dahilan siya, pero hindi ko pa rin maiwasang mainis, siya ba naman ang magdesisyon hmph.

Hinawakan ni Kuya Vieq ang balikat ko at tiningnan sa mata. "Hindi mo kailangang mag alala sa sinabi ni Dad. Ang pamilyang natin, may dahilan bakit nangunguna tayo."

Hinawakan niya ang kamay ko ng marahan at mahinang nagsalita "Relax ka lang ah. Nandiyan si Rio at Savi, hindi halata sa mga mukong pero mahalaga ka samin di ka namin pababayaan. "

Medyo naninibago ako sa mga sinasabi ni Kuya Vieq. Ang corny niya ngayon, pero hindi ko maiwasang maiyak at maging dependent sa kanya bilang kuya ko. Parang kuya na kuya na siya ngayon, hahaha, baka sapakin pa ako kung mabasa niya ang nasa isip ko.

..........

Sa liwanag ng buwan na dumadaan sa bukas kong bintana, nakita ko ang sarili ko na nakahiga sa malamig na kama, dulot ng malamig na hangin. Tinutok ko ang mata ko sa status window ko, tinitingnan ang mga pagbabago sa mga stats ko simula nang dumating ako dito.

"Status"

Pangalan: Xave Montesseri
Edad: 17
Level: 25 (0/100000)
Fizique: 20
Charm: 15
Intelligence: 150

Skills:
All firearms (10/10)
Ultimate hand-to-hand combat (9/10)
Eagle eye (8/10)
Katana (8/10)
Inventor (10/10)
Photographic memory (10/10)
Martial arts (Master level)
Night vision (5/10)

Titles: Villain Soldier, Genius Inventor, Reincarnated One, Fighter Assassin

Money: 10,000

Quests
Shop

Feeling ko maganda naman ang progress ng katawan ko. Tinignan ko lang ang status window ko nang hindi ko namamalayan na nagsara na pala ang mga mata ko dahil sa pagod at sa sobrang pag iisip kung paano ko kakausapin si Dad bukas.

Reincarnation Series: Mafia DaughterWhere stories live. Discover now