Chapter 4: One of the Family Rules
Xave POV
Nagising ako sa sinag ng araw na pumapasok sa bintana. Dahan-dahan akong tumayo mula sa kama, iniisip kung ano ang gagawin ko paglabas ko ng pinto sa harap ko. Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan, nagsisimula na akong mag-isip ng maayos na pagharap sa kanila. Maraming mga tanong sa aking isipan ang gusto kong masagot pero hindi ko pa alam kung paano. Ang totoo, hindi ko pa nga rin sigurado kung ano ang mangyayari sa akin dito.
Ang totoo, ayoko magkamali, kaya kailangan ko munang kumalma habang nandito pa ako sa kwarto. Delikado ang pumasok sa buhay ni Xave Montesseri, o mas tamang sabihin, ang buhay ko. Lahat ng tao sa paligid ko ay may matinding koneksyon at may mga mata na laging nakatutok sa bawat galaw ko. Kailangan kong maging maingat. Hindi lang basta-basta ito. Hindi ko pwedeng ipakita na may kahinaan ako, o baka magdulot pa ito ng panganib sa akin.
Nasa isang mafia family ako, at ang mas malala pa, o mas tamang sabihin, ang swerte ko at ang Montesseri ang nangungunang mafia sa bansa. Hindi ito ordinaryong buhay—nandito ang mga tao na kayang magtago sa dilim at magpasiklab sa oras na kailangan nilang ilabas ang kanilang pangil. Nakaka excite at dahil doon, parang umiinit ng dugo ko sa tuwa. Pero ito rin ang dahilan kung bakit mas lalo akong kinakabahan. Dahil kahit na ito ay exciting, may kasamang panganib.
Pero bago lahat, kailangan kong itago ang hindi ko kayang kontroling emosyon para hindi magdulot ng problema just in case. Hindi ako pwedeng magpabaya kahit na excited ako. Excited sa buhay ko, o mas tamang sabihin, ang buhay ni Xave, kasi hindi ito basta-basta. Kung magpapatuloy ako na magpakita ng sobrang emosyon, baka magdulot lang ito ng maaga ko na namang pagkamatay.
Pagkatapos ng mahaba haba kong diskusyon sa sarili naisipan kong mas mainam kung maliligo muna ako. Mamaya na yang iba makakapaghintay naman yan, kailangan ko munang mag-chill. Naalala ko si Xave which is ako, marami siyang damit parang inubos na niya ata yong sale sa mall eh, iba talaga pag mayaman eh. Naisip ko na gumawa ng isang simpleng routine, kung paano ko babaguhin ang araw ko para makasabay sa buhay na meron ako, wala namang pinagbago sa routine ko noong una kong buhay kunti lang ang babaguhin katulad ng kung frugal tayo sa unang buhay aba't maging galante tayo this life sayang pera ang yaman pa naman nila, just kidding pero kalahating truth. Kidding aside kailangan kong matutunan kung paano mag-adapt sa bagong buhay na ito, wala akong babaguhin sa personality ko total naman wala siyang masyadong close.
Kailangan ko nang masanay dito, nakaka-dazzle kasi pag gising ko para akong nasa isang palasyo sa kintab eh. Diretso akong pumunta sa banyo nang hindi lumilingon sa kung saan ako natulog. Hindi ko na maiwasan, dinala ko na pati ang katamaran ko dito. Ayusin ko na lang yun mamaya pagkatapos kong maligo. Ang katawan ko parang may sariling memorya, mga habit na siguro ibinaon ni Xave sa limot kaya wala sa alaala niya, tutuklasin ko nalang.
Pagbukas ko ng banyo, hindi na ako nagulat. Alam ko nang maganda ito base sa alaala ni Xave, na ngayon ay ako na. Mamaya ko na lang pagmamasdan ang banyo, kailangan kong magmadali. Kasi pag oras ng kainan, andun lahat ng pamilya. Mawawala ang moment ko kung hindi ko agad nakuha ang mga detalye mula sa unang araw. First day ko dito, kaya kung pwede, susundin ko kung anong ginagawa ni Xave, kung saan hindi nila kayang makita kung talagang anak nila ako o hindi. Kung wala akong pagkakamali, baka hindi nila maramdaman na may pumalit.
Paglabas ko ng kwarto, ang unang nakita ko ay ang napakahabang corridor. Para hindi ako maligaw, dumiretso ako sa bahagi kung saan may malalakas na presensya. Siguradong walang makakatagal sa mabigat na atmospera ng lugar na ito kung hindi sila sanay sa panganib. Hindi ko lang alam kung bakit hindi naapektohan ang katawan ko, hindi ko na nga maalala kung tinuruan ba akong magpakatatag mula pagkabata o hindi, I mean dito sa katawan ni Xave. Para bang may mga bagay na itinatago sa akin.
Habang naglalakad hindi aki tumitingin kahit saan, pero kahit ganon nakikita sa sulok ng mga mata ko ang mga detalye maingat kong tiningnan ang bawat sulok ng corridor mula sa gilid ng mata ko para mabilis ko itong maalala, sa tingin ko nadala ko ang aking photographic memory. Tanging mga basic na impormasyon lang ang nakita ko sa alaala ni Xave, parang character profile sa isang laro. Nakakagulo, ang daming loopholes at madalas lang siyang mag-isa sa kwarto at kakaunti lang ang tao sa labas na nakakasalamuha niya. Para bang may mga detalye na hindi ko maintindihan kasi putol putol, kaya mas lalong dumami ang mga katanungan sa isip ko.
Marami akong tanong, pero kailangan kong isa-isahin. Hindi ko alam kung ang mansyon na ito ay safe zone ko o pugad ng leon.
Authors rants: arigatou sa mga nagbabasa, inspirasyon ko kayo promise chawwoootttt tamad ako hehe
YOU ARE READING
Reincarnation Series: Mafia Daughter
FantasySynopsis Blea Anderson, a distinguished general, achieves success and maintains an untarnished reputation. Yet, a lingering emptiness haunts her, an elusive void she can't identify. Despite numerous attempts to pinpoint it, she remains in the dark. ...