Chapter 10: Confused
Xave POV
Wala akong ibang nagawa kundi tumitig nang blangko. Hindi ko man lang nakita kung paano nila ginawa iyon. Pagdating ko sa lugar na dapat ay hideout nila, nagliliyab na ito sa apoy. Sabi ni Kuya, bibili lang siya ng chocolate ice cream sa convenience store. Akala ko para sa kanya iyon, pero sa huli, para pala sa akin.
Ilang minuto lang naman ang lumipas, pero pagdating namin doon, tapos na ang lahat. Umupo lang kami ni Kuya sa loob nakadungaw sa bintana ng kotse habang may kakaibang ningning sa mga mata niya habang pinapanood ang apoy na unti-unting kumakalat sa iba pang bahagi ng mansion. Hindi siya mukhang sadista, haha, pero parang sobrang nasisiyahan siya sa nakikita niya.
Naroon din ang mga kaibigan ni Kuya. Kakarating lang nila at sumama sa amin sa panonood sakay sa loob ng kanya kanyang kotse, nakabukas ang mga bintana. Pare-pareho sila ng tingin ni Kuya – para bang pinapanood nila ang pinaka-kapanapanabik na pelikula. Nakakatakot ang mga ngiti nila. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit hindi nila sinasama ang bunso ng pamilya sa ganitong klase ng “business.”
Sanay naman na ako sa ganitong mga eksena, kaya nanatili kami roon hanggang sa wala nang natira kundi abo sa buong mansion. Ako naman, nandito lang sa gilid, tahimik na kumakain ng chocolate ice cream na nabili namin kanina. Medyo kakaiba ang texture nito kasi chewy, kaya kahit papaano ay nawala sa isip ko na ang nangyayari sa mga oras na iyon ay hindi normal.
Umalis din kami agad matapos masiguradong wala nang natirang buhay sa paligid. Ang iba sa kanila ay naghiwa hiwalay ng ruta, at kami naman ni Kuya ay bumalik sa mansion. Naiwan ako sa living room, nakaupo at nakatitig pa rin sa kawalan. Ewan ko ba, pero sobrang pagod na pagod ako kahit wala namang kwenta ang mga iniisip ko.
Diretso na ako sa kwarto pagkatapos. Pagbagsak ng katawan ko sa kama, para bang isang segundo lang ang lumipas, tulog na agad ako. Ngunit bago tuluyang makatulog, naiisip ko pa rin ang tanong na hindi ko masagot – bakit parang sanay na sanay na ako sa ganito? At bakit parang wala na akong pakialam?
Habang nakahiga ako sa kama, iniisip ko pa rin ang mga nangyari. Ang init ng nagliliyab na mansion ay parang naiwan sa balat ko. Naramdaman ko ang bahagyang lagkit ng natutunaw na ice cream sa daliri ko kanina, at hindi ko mapigilang maalala ang bahagyang ngiti ni Kuya at ng mga kaibigan niya. Para silang mga karakter sa pelikula na walang pakialam sa kung sino man ang mapapahamak sa ginagawa nila.
Biglang kumatok si Kuya sa pinto ng kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit, pero parang gumaan ang dibdib ko. “Xave, gising ka pa ba?” tanong niya, kalmado ang boses nito at parang sinugurado niyang maging magaan sa boses na ikinangiti ko.
“Gising pa,” sagot ko, sabay upo sa gilid ng kama. Pumasok siya, hawak ang isang baso ng alak. Umupo siya sa tabi ko, at naramdaman ko ang katahimikan sa pagitan namin.
“May bumabagabag ba sayo?” tanong niya.
“Wala,” sagot ko, kahit alam kong namang hindi totoo. Pero hindi ko rin kayang sabihin alam kong sarili ko lang ang makakatulong. Hindi ko alam kung maiintindihan niya o kung gusto niyang intindihin.
Tumawa siya nang mahina, at tiningnan ako ng hindi mabasang expression. “Sanay ka na, ano?” tanong niya, pero hindi ko alam kung retorikal iyon o talagang gusto niyang sagutin ko.
Tumango lang ako.
“Ganito na talaga ang buhay natin, Xave. Hindi ito para sa lahat, pero ikaw… kasali ka na. Kaya huwag ka nang mag-alala masyado nandito kami,” sabi niya habang iniinom ang alak na hawak niya. Tumayo siya at tumingin sa akin. “Magpahinga ka na. Baka may gagawin na naman tayo bukas.”
Ginulo niya ang buhok ko saka lumabas ng kwarto, pero naiwan akong nakatingin sa saradong pinti. Iniisip kung ano pa ang mangyayari sa susunod na mga araw.
Authors rants: Hello to the readers of my beloved story and to those who voted, thank you so much, mwah mwah.
YOU ARE READING
Reincarnation Series: Mafia Daughter
FantasySynopsis Blea Anderson, a distinguished general, achieves success and maintains an untarnished reputation. Yet, a lingering emptiness haunts her, an elusive void she can't identify. Despite numerous attempts to pinpoint it, she remains in the dark. ...