Chapter 20: What's going on?
Xave's POV
Mabigat pa rin ang loob ko mula noong araw na naging pabaya ako. Simula non, hindi na ako hinanap ng mga siraulo kaya naisip kong mas okay na rin siguro to.
Mas mabuti ang tahimik na buhay, pero bakit nandito si Dad anyare?
Nakaupo ako sa gilid ng sofa, kaharap si Dad. Kanina pa kami nagkakatitigan nabibingi na nga ko sa katahimikan eh, nagsisimula na rin akong makaramdam ng awkwardness pambihira ano bang kailangan ng matandang to at pa suspense pa.
Ano kayang problema, bakit niya kaya ko tinawag? Nagtataka rin ako kung bakit siya nasa corridor kanina. Wala naman dito sila kuya, kaya sino ang hinahanap niya? Ako ba?
Pero wala naman akong magagawa para sa kanya, kaya ano bakit siya nandito, huwag mong sabihin sinumbong ako ng mga mukong na yon isusumpa ko sila.
"Ah, fa— I mean, Dad, sino po ang hinahanap niyo?" Patay malisya kong tanong kahit alam ko ng pumunta siya para sakin.
Wait lang, nitong mga nakaraang araw, wala naman akong ginawa maliban noong huling araw ng training, kaya bakit ako ang hahanapin niya?
Parang naiihi na ako sa sitwasyong 'to. Bakit hindi na lang niya sabihin nang diretso? Nag-o-overthink na ko rito.
Bigla akong kinabahan nang seryosong tumingin sa akin si dad. Hindi ko magawang makipag-eye contact bakit kasi sobrang gwapo ng matandang to sigurado bang tatay ko to kundi chawwoootttt lang hehe, paikot-ikot ang tingin ko, hindi ko alam kung saan itutok ang mga mata ko maliban kasi sa gwapo si Dad bakas sa aura niya ang mga delikadong pinagdaanan niya kaya para siyang tigre ngayon na hinahanap ang kahinaan ng bibiktimahin niya, alam ko namang reflex lang niya to pero grabe nakakakaba pa rin.
"W-what is it, Dad?" nauutal kong tanong nang sa wakas ay nakatingin na ako nang diretso sa kanya.
Uminom siya ng tsaa at kalmado niyang ibinaba ang tasa sa mesa. Parang magkaka-heart attack na ata ako sa sitwasyong 'to, nakakakaba, baka dumiretso na ko sa langit—o baka impyerno talaga hehe.
Ano bang pinagsasabi ko? Parang ako pa yata ang mababaliw dito. Di lang parang Blea baliw kana talaga.
Naputol ang kalokohang iniisip ko nang magsimulang magsalita si Dad. Na lalo kong ikinabingi sana di nalang siya nagsalita hays.
.......
Nasa veranda ako ng bahay, nakapatong ang baba ko sa magkahawak na kamay. Kanina pa ako tulala.
Hindi ko alam kung anong dapat kong isipin, pero bakit naman ganon? Ang aga naman, hindi ko pa nga alam kung sasabay ako sa dinner mamaya sa nangyari eh. Magagalit kaya siya kung hindi ako sumipot?
Huminga ako nang malalim at tumingin sa mapayapang langit. Nagiging kulay kahel na ang kulay nito, at mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ang paglubog ng araw.
Naglalaban ang dilim at liwanag, kaya unti-unti akong kumalma habang pinagmamasdan ang eksenang iyon, kasabay ng malamig na simoy ng hangin.
Pumikit ako saglit at humarap pabalik, pero nagulat ako nang biglang may humawak sa balikat ko. Papakawalan ko na sana ang isang suntok nang makita ko ang walang emosyon na mukha ni Kuya Vieq na nakatingin sa akin.
May nakita akong bahagyang pag-aalala sa mga mata niya, pero biglang nawala yon agad na parang wala yon in the first place. Napakurap ako sa nakita.
"K-Kuya, kailan ka pa dumating? Hindi kita nakitang pumasok sa gate, kanina pa akong nakatingin doon," nauutal kong sabi habang hinawakan ang kamay niya sa balikat ko. Tatanggalin ko na sana iyon nang bigla niyang higpitan ang hawak. Napabuntong-hininga ako. Hindi naman masakit, pero nakakapanibago.
Kaya ibinalik ko ang tingin ko sa labas at hinayaan ang katahimikan sa pagitan namin. Ano kayang problema? Bakit parang ang bigat ng dinadala niya simula nang makita ko siya? Ang clingy din pala ng Kuya kong to kung hindi lang ganito ang atmosphere kanina ko pa siya kinuhanan ng litrato.
Authors rants: Hello, pasensya na sa delay na update, may exams kami kaya na-trauma ang kaluluwa ko. Salamat sa mga naghihintay ng updates ko, kayo ang inspirasyon ko.
By the way, sa mga nagtatanong kung kailan ang updates ko, sasabihin kong kapag nasa mood ako hehe, di naman halatang tamad ako haha.
Yun lang, happy reading, mwaps (。•̀ᴗ-)
YOU ARE READING
Reincarnation Series: Mafia Daughter
FantasySynopsis Blea Anderson, a distinguished general, achieves success and maintains an untarnished reputation. Yet, a lingering emptiness haunts her, an elusive void she can't identify. Despite numerous attempts to pinpoint it, she remains in the dark. ...