Chapter 8: Brother's Friends?

478 24 1
                                    

Chapter 8: Brother's Friends?

Xave POV:

Pagdating namin sa malaking gate, ipinakita ni Kuya ang isang card, at agad kaming pinapasok. Akala ko diretso na kami sa hideout ng mga kalaban, pero sa halip, huminto kami sa harap ng isang malaking mansyon.


Nagmaneho si Kuya ng ilang minuto pa bago kami tumigil sa tapat ng mansyon upang iparada ang sasakyan. Sabay kaming bumaba ng kotse, lumabas sa magkabilang pinto.


Walang imik na dumiretso si Kuya sa hallway papunta sa living room. Sinundan ko siya nang walang emosyon, kahit marami na akong tanong sa isip ko. Mukhang kilala niya ang mga nakatira rito-baka mga kaibigan niya. Pero hindi ko sigurado. Wala ito sa memorya ni Xavi. Bakit ba parang walang pakialam ang babaeng ito? Kung hindi ko lang siya pinalitan, malamang delikado na siya sa sitwasyong ganito.



Habang papalapit kami, rinig na rinig ko na ang ingay mula sa living room. Mukhang mga kabataan din, kaedad namin. Pero bakit kaya kami nandito? Para ba makipagkita sa kanila? At ano ang kaugnayan nila sa mafia?



Hindi ko na rin tinawagan si Mic. Mas mabuting malaman ko na lang ang lahat sa sarili kong paraan. Hindi naman laging available si Mic. Minsan bigla na lang itong mag-u-update, gaya ng nangyari noon.



Pagpasok namin sa living room, dire-diretso si Kuya papunta sa isang bakanteng upuan. Umupo siya nang walang sinasabi, sabay itinaas ang isang paa at ipinatong ang braso sa sandalan ng upuan. Mukhang kampante siya rito, kaya sinundan ko na lang at naupo sa gilid niya.




Biglang tumahimik ang kaninang maingay na paligid at nagsimulang tumingin sa amin. Pagkatapos, ibinalik nila ang atensyon nila kay Kuya.



"Vieq, anong meron at nandito ka?" tanong ng isang lalaki na nakahiga sa gilid. Nang makita niya si Kuya, agad siyang umupo.


"Wala namang espesyal. Kailangan ko lang kayo sa kabilang panig, kung gusto n'yong makipaglaro sa kanila. Yun lang," sagot ni Kuya nang walang interes sa mukha.


"Ah, oo nga pala. Tungkol ba 'to sa sinabi mo dati? Game kami diyan," sabi ng lalaki habang nakangisi, sabay tingin sa mga kasama niya.



Napatingin din ako sa kanila. Makikita sa grupo nila na sanay na sa ganitong klaseng usapan. Mukhang mga bihasa sila sa madidilim na gawain, pero hindi ko mawari kung gaano sila kapanganib. Sino kaya ang "kabilang panig" na tinutukoy nila? May kinalaman kaya ito sa misyon namin?



Habang nag-uusap si Kuya at yong guy, hindi ko maiwasang mag-obserba. Napansin ko ang iba't ibang armas na nakadisplay sa gilid ng silid-mga baril, kutsilyo, at iba pang gamit na pang-opera ng mga...... aba ewan ko siguro para sa interrogation. Malakas ang kutob kong hindi ito basta-bastang grupo.



Habang pinag-uusapan nila ang plano, parang wala lang kay Kuya ang lahat. Kalmado siya, walang bakas ng kaba o alinlangan. Samantalang ako, tahimik lang pero alerto. Mukhang sanay na si Kuya sa ganitong mga tao. Pero ako? Nagtatanong pa rin ako kung bakit kami nandito at kung ano ang tunay na layunin ng misyon na ito.



Maya-maya, tumayo ang isang lalaki mula sa grupo at nilapitan si Kuya. "Sabihin mo lang kung kelan. Ready kami anytime," sabi niya nang may kumpiyansa.



Tumango lang si Kuya bilang sagot. Tahimik ko namang sinundan ang kilos niya, sinusubukang intindihin ang lahat ng nangyayari. Anuman ang kasunod nito, handa akong makisabay.


Authors rants: Hello, I was only able to update now because of school. Thank you to the readers for taking the time to read my story, haha. And thank you for the votes, you're all my angels.

Reincarnation Series: Mafia DaughterWhere stories live. Discover now