Chapter 17: Upgrade
Xave's POV
Nakatingin ako sa malayo habang nasa tabi ko si Kuya Vieq sa sala. May mga bisita kasi sila ngayon. Sa harap namin, nakaupo sina Kuya Rio at Savi, at sa kaliwang sofa naman nakapuwesto ang mga bisita.
Sa totoo lang, wala akong ideya kung ano ang pinag-uusapan nila kaya spaced out ako dito. Pero kung titingnan mo nang maigi, parang may tinatanaw akong isang bagay sa ere. Mukha akong nakatuon, pero ang totoo, nawawala na naman ako sa sariling mundo dahil sa excitement.
“Status.”
Name: Xave Montesseri
Age: 17
Level: 25 (0/100000)
Physique: 20
Charm: 15
Intelligence: 150Skills:
All firearms (10/10)
Ultimate hand-to-hand combat (9/10)
Eagle eye (8/10)
Katana (8/10)
Inventor (10/10)
Photographic memory (10/10)
Martial arts (Master level)
Night vision (5/10)
Title: Villain Soldier, Genius Inventor, Reincarnated One, Fighter Assassin
Money: 10,000
Quests
ShopNakikita niyo ba 'yon? Myghadd! HAHAHA. May mga skills na pwedeng bilhin sa shop gamit ang pera sa mundong ito. Pero syempre, depende pa rin kung may aptitude ka para sa skill na ‘yon o kung kaya mong aralin nang manu-mano. Lalo akong nae-excite dahil mukhang infinite ang mga nakalistang skills sa shop. Ang problema lang talaga, kulang ako sa pera.
Pero may dalawang paraan para makakuha nito—pwede kang makakuha mula sa quest na ma-titrigger mo o sa trabaho mo sa real world tulad ng negosyo. Ang 10,000? Mukhang allowance lang ‘yon ni Xave na nasa wallet niya. Di ko pa chine-check ang cards niya, mamaya na. Kaso hindi rin naman ako makaalis sa puwesto kasi panay ang tingin ni Kuya Vieq sa akin. Pero okay lang, may mahaba akong pasensya ngayon dahil sa magandang resulta ng upgrade ni Mic.
“Ave, do you agree?” tanong ni Kuya Vieq. Halata namang wala akong kaalam-alam sa tinatanong niya kasi wala akong narinig sa pinag-uusapan nila kanina.
“Anong ulit yon kuya? Hindi ko narinig masyado,” sagot ko nang may pag-aalinlangan habang nakatingin sa kanya.
Humarap siya sa akin nang walang emosyon, at halatang wala siyang pake na ulitin ang tanong. “Ang sabi ko, pumapayag ka ba na turuan ka nila ng basic martial arts at paggamit ng armas? Hindi martial arts natin pero yung mga basic lang sakaling wala kami rito o nasa mission kami.”
“Saan kayo pupunta?” tanong ko habang nakatingin pa rin sa kanila.
“Hindi pa ngayon, baka next time pa,” sagot ni Kuya Rio na mukhang wala sa mood.
“Ahm, okay lang,” seryoso kong sagot. Basta matututo ako, kahit sino pa ang magturo, ayos lang.
“Ah, so this is Asher.” Tinuro niya ang lalaking may ash-black na buhok. In fairness, ang gwapo niya—feast for the eyes talaga. Sige, tingin lang tayo, kasi halatang lahat dito hindi ordinaryo.
“And this is Caden.” Tinapik niya ang isa sa balikat. Gwapo rin, pero yung mata niya ang unang napansin ko ang cute kasi. HAHAHA.
“That’s Zev.” Tinuro niya yung nasa dulo ng sofa, abala sa cellphone. Mukhang introverted pero wow, kahit malayo, gwapo pa rin. Parang walang pangit sa mundong ito. Wow, for sure, may inspiration ako araw-araw HAHAHA.
“And this is our youngest sister, Xave. Kayo na ang bahala sa kanya, at huwag kayong gagawa ng kahit ano na ikasasama ng ugali ko, kung ayaw niyong may gumulong na ulo,” sabi ni Kuya ng may ngiti pero hindi umaabot sa mata, kaya napa-yuko na lang ako pigil ang tawa.
Pagtingin ko ulit sa kanila, nakataas na ang mga kamay nila na parang sumusuko sa pulis. Pfftt HAHAHA.
“Relax, bro, wala namang ganyanan. May girlfriend ako,” sagot nung ash-haired na lalaki. “So, kami na ang bahala, may lakad pa kayo di ba?”
“Ohm.” Kuya pats my head gently bago sila umalis. Pero teka, sabi nila hindi pa ngayon, eh bakit sila umalis agad? They're such liars (٥↼_↼).
YOU ARE READING
Reincarnation Series: Mafia Daughter
FantasySynopsis Blea Anderson, a distinguished general, achieves success and maintains an untarnished reputation. Yet, a lingering emptiness haunts her, an elusive void she can't identify. Despite numerous attempts to pinpoint it, she remains in the dark. ...