Veronica
"I-i forgot my birthday"
Sabi ko sabay kuha ng long stemed na blue rose sa kamay nya at niyakap ito... napaiyak ako sa sobrang pagka touch at pagiging romantic nito... naramdaman ko namang niyakap nya rin ako pabalik...."Ako.. kahit anong mangyari hinding hindi ko makakalimutan ang birthday mo..."
Parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nag init ang mga pisngi ko... gusto kong makain ng lupa sa sobrang kaba at kilig... hinawakan nya ang mga balikat ko at nilayo ng onti sa kanya at nagkatitigan lang kami... nakita ko sa mga mata nya.. ang kalungkutan na hindi ko alam kung bakit... haisst...
"Tara? Lets eat our dinner"
Sabi nito saka ako pinagurong ng upuan... nakakatuwang isipin na ang isang katulad ni Ethan ay maalala ang kaarawan ko... nakakataba ng puso at kinakabahan rin ako... ewan basta mabilis ang tibok ng puso ko sa mga panahong ito...
"Do you like it? Diba favorite colors mo ito?"
Sabi nito na ipinagkataka ko kung pano nya nalaman...
"Eh... pano mo naman nalaman ang tungkol doon?"
Ngumisi naman ito ng malaki...
"I just know.."
Sabi nito sabay tuloy ng pagkain... he just know and thats weird...
"Tomorrow anong plano mo.?"
Sabi ko rito... kaya naman tumingin ito sakin saka ako sinagot...
"Babalik na tayo sa pilinas para makasama ka ng daddy mo hindi naman ako ganun ka selfish para ipag damot ka nalang basta basta sa kaarawan mo..."
"Pero may pasok ako noon bukas.. hindi ko rin makakasama si daddy kasi... alam kong busy sya..."
Huminga naman ito nang malalim... saka ako ulit sinagot...
"Walang tao ang pwedeng hindi pahalagahan ang kaarawan mo... dahil kaming lahat ay maswerte dahil nakilala at nakasama ka namin... kaya alam kong isasantabi ng daddy mo ang lahat ng trabaho nya para lang sayo okay?"
Sabi nito na may ngiti sa kanyang labi...
"Okay sige..."
Pagkatapos naming kumain..dinala nya ako sa isang lake na may isang bench sa gilid nito... kung kayo makakakita saamin iisipin niyo na isa kaming happy and sweet couple but were not even a couple...
"May nadala ka na ba dito or nagawan nang ganito Ethan?"
Sabi ko para lang magkaroon kami ng mapaguusapan pero bigla akong nagsisi sana pala hindi nalang ako nagtanong... dahil ako lang rin naman pala ang masasaktan...
"Yeah... at sya ang pinaka mahalaga at importante sa buhay ko...."
Parang pinipiga ang puso ko sa sakit. Parang gusto kong magwala pero hindi ko alam...
"Noong ginawa ko sa kanya ang ganito ang tangin na tanggap ko sa kanya ay isang sampal.."
Saka ito tumungo.. bakit? Anong nangyari? Lalaki siguro yung ginawan nya nang ganito... sino naman kayang mapangahas na lalaki ang gumawa sa kanya noon...
"Eh bakit mo sya ginawan ng ganito?"
Sabi ko sa kanya at tumingin naman sya sakin...
"Birthday nya noon... pero nakalimutan nya rin kagaya mo..."
Napatulala nalang ako sa sinabi nya... nakakagulat naman... kaparehas ko pa tch...
"Alam mo bang ang mga gays ngayon tanggap na naman sa lipunan hindi na naman namin kayo inaalipusta pero palagay ko ikinahihiya ka lang nya kaya ka siguro nya sinampal infairness choosy sya..."
Sabi ko sa kanya... tapos nagulat ako ng bigla itong humahalakhak sa tawa... kaya naman napalingon ako sa kanya...
"You know what.... sinisira mo ang mood... haisst... tara na nga at umuwi na tayo... at maaga pa ang flight natin bukas..."
Sabi nito ng natatawa parin ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Sya na nga tong kinocomfort hmp...
(A/n: sorry kung pangit ang nagiging updates ko this past few days medyo malungkot at namromroblema lang ako eh.. pero alam kong kaya ko to.. ❤❤ vote and comment )
BINABASA MO ANG
My Husband Is a Gay!!! (Editing)
Short Storypaano kung titira ka sa isang bahay kasama ang isang bakla? pero hindi mo alam na hes not a gay but a man who broke you into pieces? from the past huh? medyo magulo ba? well basahin nio na ang pinaka makulit na love story ni Veronica at Ethan My Hu...