ETHAN
Nakita kong nahimatay si Veronica.. nasambot ko sya pero tumama parin ang ulo nya sa kanto ng school namin... dali dali ko syang binuhat at sinakay sa kotse... at pinaharurot ito... pumunta ako sa ospital na pagmamayari ng kaibigan ko...
"Oh.. Ethan anong nangyari? "
"RAM!"
"Ihanda nyo ang strecher bilis..!!"
Oo kaibigan ko si Ram at doktor narin ito.. sya ang sumubaybay kay Veronica.. habang ako ay pumunta sa ibang bansa... iniwan sya.. dahil sinisisi ko ang sarili ko sa pagkabangga nya...
"Pare... anong nangyari?"
"Tinawag sya ni Kenzo ng Nica"
"Ano... Tanga ba sya? Alam naman nya na sya ang dahilan ng pagkasagasa ni Veronica..."
"Kaya nga..."
Nakita ko naman si Kenzo na tumatakbo papunta saamin nang nakalapit na sya samin ay tumayo kami pareho ni Ram..
"Si Nica? Ano okay lang ba sya?"
Kwinelyuhan ko naman sya.. naasar ako sa kanya sya ang may kasalanan... sya ang kailangang managot dito...
"Ang lakas naman ng loob mo at sumunod ka pa talaga dito huh? "
Saka ko sya sinuntok... napaupo naman ito sa sahig ng ospital kaya napatingin ang mga nurse na nagsisidaanan.. sinenyasan nalamang ito ni Ram..
"Ako ba talaga ang may kasalanan ikaw ang may kasalanan Ethan!! Kung hindi mo sinabi sa kanya na sinagot ka na ni Ela edi sana hindi na sya nagimbestiga ng background ni Ela!!"
"At ano? talagang balak niyo talaga gawin kaming tangang dalawa... may karapatan sya malaman ang lahat.. malaman na kami na ni Ela....ako ba ang nagsabi sa kanya na sisayatin nya ang buong pagkatao ni Ela!!"
Tumayo ito at akmang susuntukin ako ng biglang nagbukas ang pintuan ng kwarto ni Veronica isang oras syang natulog... nagising ba sya? Pwede na ba syang bumangon kaya naman lumingon kami at nakita ko si Veronica na nakabenda ang ulo at nakatingin ng seryoso saamin...
"Nick.. i need you here.."
Sabi ni Veronica kaya naman iniwan ko kay Ram si Kenzo... dumiretso ako sa kwarto ni Veronica... sinarado ko ang pintuan at nakita ko syang umupo sa kama.... nagaalala ako ng sobra... tinawag nya akong Nickolai... nakakaalala na sya??
"Bakit nick..? Nick?bakit?"
Alam ko kung bakit oo... may kasalanan rin ako... alam kong kailangan ko ring managot at maslalo na si Ela... pero wala na kaming magagawa... nasasaktan rin si Kenzo. Haisst... hindi ko na alam kung pano ko ipapaliwanag ang lahat kay Veronica.. nakita ko syang nakatungo...
"Nick bakit? Bakit masakit ang ulo ko?"
Parang nalaglag naman ako sa upuan ko ng tinanong nya iyon sa akin na parang bata na nadapa kaya naman nakahinga ako ng maluwag.. akala ko naalala na nya ang lahat... na nasasaktan nanaman sya ng dahil sa nakaraan... akala ko..
"Hoy Ethan Nickolai... wala ka bang gagawin huh? Masakit kaya... "
Sabi nito at nagpout pa kaya naman napangisi ako at lumapit sa kanya at hinalikan sya sa tuk tok ng ulo nya..
"Ayan hindi na yan masakit..."
Sabi ko sabay ngiti ko sa kanya... ngiting hindi na uli mawawala dahil nasaakin na uli sya...
VERONICA
hindi nila pwedeng malaman na nakakaalala na ako... hindi ko hahayaang malaman nila na alam ko na ang lahat... ang mga ginawa nila sakin... kailangan ko munang maghintay...maghintay ng tamang panahon para masabi ko kay Nickolai at sa kanilang lahat na alam ko na ang lahat na NAKAKA ALALA NA AKO....
(A/n: kaloka no hahaha.. vote and comment)
BINABASA MO ANG
My Husband Is a Gay!!! (Editing)
Short Storypaano kung titira ka sa isang bahay kasama ang isang bakla? pero hindi mo alam na hes not a gay but a man who broke you into pieces? from the past huh? medyo magulo ba? well basahin nio na ang pinaka makulit na love story ni Veronica at Ethan My Hu...